ChapterIII#bitukangdragon

2.3K 81 1
                                    

"Salamat ha?!"seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya si andrei."Oh...para saan naman yun best?"nangingiting tanong ni Hannah."Sa sinabi mo kanina para hindi ako magmukhang tanga sa harapan nila."Nakangiting pinisil pa nito ang baba nya."Sus!!!syempre naman ipagtatanggol kita sa babaeng yun noh!pinapahiya ka nya eh kaya pinahiya ko rin sya...eh...ok lang ba sayo na pinahiya ko ang loves mo?!"tila nang-aasar na tanong nya."Hahaha!nauntog na ko noh...tama ka naman kase...hindi ako ang tipo nya...sinasayang ko lang oras ko sa kanya...!"Masayang inakbayan pa sya ni andrei."Buti naman at nauntog ka na!..at dahil dyan pagluluto kita ng sinigang mamaya best!"Tila excited na nilalaki pa ni hannah ang mata.Naaliw naman si Andrei sa ginagawa ng dalaga."Naku han thank you na lang...sigurado sasakit na naman panga ko sa sobrang asim nyan!"Natatawang lumayo ito sa kanya ng pagkakaupo."Naku!sobra ka ha!Ikaw na nga tong pagluluto dyan eh...saka tigilan mo nga yang pagtawag saken ng "han" baka hindi ako maligawan nyan akala boyfriend kita!"napipikong wika ng dalaga."Ayoko nga!cute naman yun ah "han"!...abah! hindi ka naman na lugi saken ah...gwapo naman ako ah!"Nag check sign pa ito sa baba na tila nagpapacute sa kanya."mukha mo!"Natatawang nilamutak nya ang mukha ng binata.Natatawang inalis ni andrei ang kamay ni hannah sa mukha nya."Ikaw kamo...sobrang pikon!"mabilis na inilagan nya ang kamay ni hannah na pormang sasapakin sya."Saan ba tayo pupunta best?bakit ang layo na natin?!"Lumingon pa sya sa pinanggalingan nila na halos di na nya matanaw."Dyan tayo sa isla may resort pa kame dyan."Tinuro ni andrei ang isla kung saan sila pupunta.Namangha si Hannah sa nakita isang tila paraiso ang narating nilang isla.Pero may modernong pasilidad.May mga swimming pool na tila nagdurugtong sa dagat."Good morning sir!hindi po kayo nagsabing darating kayo....ipahahanda ko napo ang kwarto nyo!"Salubong ng manager ng resort."Wow!bossing ka pala dito ah!...ba't di ko yata alam to best?"Nagtatakang tanong ni hannah."Eh bagong develop lang to ni papa...sabi ko kase isang babae lang dapat sa buhay ko ang makakaalam nito syempre wala naman na si mama ko!"Wala sa loob na banggit nito."Anong ibig mong sabihin?eh bakit pinakita mo saken to?eh di nasira na ang salita mo?for sure si kesha ang gusto mong dalin dito"Tila may kirot sa puso nya ang alalahaning iyon."Tara na nga!wag mo ng isipin yung sinabi ko!"Binatak na sya ni andrei sa cottage kung saan naghihintay ang masaganang tanghalian nila."Wow!Sarap naman sea foods!"nagmamadaling pumuwesto si Hannah at inupakan agad ang sugpo.Nakangiting nagka tinginan ang mga resort staff na naka antabay sa utos ni andrei."Ahh...astig noh?gandang babae pero bitukang dragon!"Pagbibiro ni andrei ng makita ang reaksyon ng mga ito sa sarap kumain ni Hannah.Nakangiting nakatingin lang ang mga ito kay hannah."Sige na iwan nyo na kame...baka mahiya pang kumain itong magandang kasama ko"Natatawang tinabihan nya ng kumain ang dalaga.Siniko naman sya nito na tila ayaw ng magpaabala sa pagkain."Grabe!han...ang lakas mong kumain....turn off!!"Tila nana-aasar pa ang binata.Sasagot sana si hannah ng bigla itong nadighay.Halos di mapigil ni andrei ang tawa.Maiiyak-iyak ito sa katatawa!"Nakakaasar ka talaga!"Pinagsasapak sya sa braso ng dalaga."Yan kase ang takaw mo!hahaha!"Tila nakalimutan na ni andrei ang lungkot tuwang-tuwa itong pagmasdan ang kain parin ng kain na dalaga."Favorite mo talaga ang seafoods noh?parang wala ng bukas kung kumain ka eh!"Aliw na aliw syang pagmasdan ang tila nagutumang kaibigan.

Ikaw Pala Ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon