Chapter IX#nakuhasahalik!

2.3K 78 1
                                    

Maya't maya ang silip ni andrei kay hannah.Nakoconscious na tuloy ang dalaga.Tila walang pakialam ito sa nakakakita.Nilalakihan na nga nya ito ng mata para tumigil pero natatawa lang ito sa kanya.Naiiling nalang si hannah sa kabaliwan ni andrei.Panay kase bulong nito sa hangin ng Iloveu."Sira ka talaga!"natatawa na lang din sya sa ginagawa nito.

Maya-maya pa'y lumapit ito sa kanya at sinisiksik pa sya nito sa pwesto nya.Sabay dating naman ni drake."ehemmmm...baka langgamin kayo nyan!"Biro nito at mabilis na kinuha ang kapeng inorder ng customer."Inggit ka lang!"pabulong na ngumuso pa si andrei kay drake."doon ka na nga muna sa opisina mo naggugulo ka na lang eh"pagtataboy ni hannah sa binata."Ok fine!cge aalis na muna ko...kayo muna bahala dito may aayusin lang ako...hintayin mo ko mamaya ha?sabay tayong uuwi ok?"Mabilis na halik sa pisngi ang iniwan nito sa kanya saka mabilis na nakaalis.Kitang-kita ni uncle bert ang ginawa ni andrei nakangiting lumapit ito sa kanya."Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya si andrei!"Wika nito na nakatingin pa sa paalis na binata."Ou nga po ang kulit!"Nakangiting sagot ni hannah."Wag kang magtataka kong bukas makalawa magpopropose na yan sayo!"Tila pabirong wika pa ni uncle bert."Hahaha!..ang bilis naman po yata uncle!"tila di sya naniniwala na gagawin yun ni andrei."Sige maghantay ka lang...papuputol ko daliri ko kung hindi yun magkakatotoo..."tila sigurado ang matanda sa mga binitiwang salita.Natatawang bumalik ito sa kusina."Kayo talaga uncle!"pahabol na sagot nya.

Naiwang mag-isa sa shop si hannah nag-uwian na kase lahat ng kasama nya.Tinetext nya si andrei pero hindi parin ito nagrereply.Maya-maya pa ay dumating na rin ang kotse nito."Hi hon!...nainip ka na ba?sorry ha...may inayos lang ako...let's go!"paliwanag nito habang bumababa ng kotse."Ok lang!"maikling sagot nya.Inalalayan pa sya nito sa pagsakay ng kotse.

"Ok lang ba na sa inyo muna ko matulog ngayon?"Alanganing tanong ni andrei."Hindi noh!..swerte mo naman!" Pagsusungit ng dalaga."Bakit naman girlfriend naman na kita diba?...magstay lang ako di naman ako matutulog promise behave ako...dati naman hinahayaan mo kong matulog sa inyo ah...!"reklamo ni andrei."ou nga!...kaya nga inassume mong flirt ako eh diba?!"tila naiba na ang mood ng dalaga.galit na ito sa naalala.Saglit na itinigil ni andrei ang kotse."Hanggang ngayon ba issue parin sayo yan?...galit ka parin saken...sige sampalin mo ko...para mawala yang galit mo!"Kinuha ni andrei ang dalawang kamay nya na sinasampal sa sarili.Pero binatak ni hannah ang kamay pabalik."hindi naman kase simpleng salita lang ang binitiwan mo na yun...of all people ikaw pa magsasabi saken nun...ikaw nga dapat nakakakilala saken diba?"Naluluhang sabi nya."I know!kaya nga nagsorry na ko diba?"Tila hindi alam ni andrei kung paano paamuin ang dalaga. "Oo nagsorry ka na nga...pero ngayon anong ginagawa mo?sinusubukan mo ko kung tama ang iniisip mo...na natutulog ako kasama ng boyfriend ko...diba yan gusto mong maclear sa utak mo?kya tinetest mo ko ngayon kung papayag ako ngayong matulog ka sa bahay."galit na wika ni hannah."Of course not!!!..hindi ganun...look...narealize ko kung gano kamali ang salitang ginamit ko sayo nuon...alam kong maling-mali ako dun sobrang nagselos lang talaga ko dahil akala ko imposible ng maging tayo...kaya please naman patawarin mo na ko...akala ko ba ok na tayo?"Kita naman sa mukha ni andrei ang pagsisisi."eh pinaalala mo pa kasi eh!"tila kinakalma narin ni hannah ang sarili."Hayaan mong patunayan ko sayo na mahal kita...bukas na bukas malalaman mo kung gaano kita kamahal pero sa ngayon ikaw muna dapat magpatunay na mahal mo ko".Wika nito na kinuha pa ang celphone sa mga kamay nya.Bigla naman itong nangiti ng makitang picture na nya ang nakalagay sa screen ng cp ng dalaga."oh buti naman binerake mo na yung pangit mong boyfriend".Tila nagyayabang pa itong binalik ang cp nya."Hindi mo ba talaga nakikilala yung lalaki na yun?"kunot-noong tanung nya."Hindi bakit sinu ba yun?"tanong nito habang pinapaandar muli ang kotse."Si Paulo Avelino...yung artista!"biglang napapreno si andrei sa narinig.Para kaseng napahiya sya sa sarili."artista ba yun?...ang panget naman!"tila bawi nya nalang sa pagkapahiya."Panget?kaya pala todo selos ka?hindi mo ba napansin magkamukha kayo?"Tila may kung anong gustong aminin si hannah kaya bigla na lang tinigil ni andrei ang kotse sa tabi."Ano kamo ulit hon...kamukha ko yung artista na yun?...Tapos dinidisplay mo sa screen mo...may gusto ka don sa kamukha ko?....ibig sabihin....????"Tila buking na ni andrei si hannah mabilis din kaseng mag-isip ang binata."Wala....wala...wala...uwi na tayo bilis!"pilit pinapalis ni hannah ang iniisip ni andrei."Gusto mo ko dati pa noh???!"kumikislap ang mata nito sa ideyang naisip.Nang di nakasagot agad si hannah ay mabilis nya itong kinabig at niyakap."grabe ang saya-saya ko hon....actually ako din may secret...twing tinatawag kitang "han" hindi naman yun short cut ng hannah eh...sa isip ko "hon" yun!"Natatawang pag-amin nito.Isang mapinong kurot naman ang pinakawalan ni hannah sa tagiliran ng binata.At sabay nagtawanan ang dalawa.

Nang marating ang bahay ni hannah ay mabilis na bumaba ng kotse si andrei upang pagbuksan sya ng pinto."Sige hindi na ko makikitulog sa inyo.meron din pala akong pupuntahan bukas baka hindi na ko makapagpakita sa shop...mamimiss mo ko nyan!"paalam nito sa kanya na pinisil pa ang baba nya."Saan ka pupunta?"Naisipan nyang magtanong."secret!"Nakangiting sagot ni andrei."Daya naman!"tila nagtatampong sabi nya."Basta...hintayin mo ko ok?!..bye..!"Humalik lang ito sa pisngi nya at tuluyan ng umalis.Naiwan syang nag-iisip kung aano ang binata.

Ikaw Pala Ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon