Chapter IV#feelinginlove

2.2K 78 4
                                    

Masayang pinapanood ni Andrei ang lumalangoy na si hannah.Sa dami kase ng nakain nito ay kailangan nya talagang magpagpag."Tara na best ligo na tayo!"Kumaway pa ito sa kanya at tango lang ang isinagot nya.Hindi nya akalaing si Hannah lang pala ang makapagpapasaya sa kanya ng ganun.

Hindi nya rin maintindihan kung bakit bigla-bigla syang nafocus kay hannah.Buong akala nya si kesha ang babaeng gusto nya yung pala si hannah ang nakatago sa puso nya.Marahil di nya lang napapansin nuon dahil hindi naman nawawala sa tabi nya si hannah.o dahil nalinlang lang sya ng paningin nya sa kagandahan ni kesha at nang makita nyang nag-ayos si hannah ay bigla nyang nakalimutan si kesha.Pero hindi sya dapat magpahalata kay hannah dahil baka maasiwa ito sa kanya.

"Uii!' Biglang sulpot ni hannah sa harapan nya."Ano ka ba!nanggugulat ka naman eh!"halatang nagulat sya sa paglapit ni hannah."Ang lalim naman kase ng iniisip mo...si kesha na naman noh?!"Kumuha ito ng barbecue at iniabot sa kanya ang isa."Kakain ka na naman?sige ka tataba ka nyan!"pang-aasar nya sa dalaga."So what?!who cares!"Nakangiting inupakan na ni hannah ang hawak."Han...konting pino naman sa pagkagat nakatingin sila sayo oh!"Natatawang tinuro nya ang mga staff na nakatingin sa pagkain nya.Nakaramdam ng pagkahiya ang dalaga kaya ibinaba nito ang kinakain at uminom ng tubig."Sarap kaseng magtrip eh!"Natatawang wika nya."Yan papansin ka kase...pahiya ka noh?"Natatawang inakbayan na nya ang dalaga at sumubsob naman ito sa dibdib nya."Nakakahiya!!!"tila walang mukhang maiharap ang dalaga."Yan kase paturn-off turn-off ka pang nalalaman dyan eh lalo lang naman akong naiinlove sa ginagawa mong pagkain"Tila sinadyang ilakas ni andrei ang pagkasabi upang marinig ng lahat.Nagtawanan naman ang mga ito."Ang cute naman ni ma'am!!"Namumula ang mukhang nginitian nya ang mga ito."Yan kase!!!"Natatawa si andrei sa reaksyon ng mukha ni hannah.Buong akala ng mga staff girlfriend nya si hannah."Let's go han...pasok muna tayo sa kwarto"Marahang inalalayan sya ni andrei patayo at hawak ang kamay na naglakad sila papuntang kwarto.Nakatingin ang staff sa kanila na inggit na inggit sa kasweetan nila.

Pagdating sa kwarto ay mabilis na nag shower si Hannah.At si andrei naman ay abala sa pagkutkot ng mga gamit ni hannah.Pati cellphone ng dalaga ay nakati-katihan nyang tingnan.At hindi nya nagustuhan ang nakita.Mukha ng isang lalaki kase ang naka screensaver sa cellphone ng dalaga.May kung anung galit o selos na naramdaman ng binata pero syempre hindi sya dapat magpahalata kay Hannah."Oh wag mong pakialaman yan!"Mabilis na inagaw ni Hannah ang cellphone sa kay andrei."Sino yang guy na yan?"Hindi sigurado ni andrei kung nahalata ni hannah na inis sya sa nakita."Wala yan kalokohan ko lang yan!"Tila di pansin ni Hannah ang madilim na mukha ni andrei."Boyfriend mo?bakit di ko yata nabalitaan?"hindi maitago sa mukha ng binata ang pagseselos."Hey!bakit ba ang sungit mo bigla nagseselos ka ba?"Nakangiting tanong ni hannah."Sagutin mo tanung ko...sino yang guy na yan?"Inis na kinuha pa ulit nito ang cellphone ng dalaga at ipinakita ang picture."Hahaha!...ano ka ba hindi mo ba yan nakikilala???!"Natatawa lang si Hannah sa tila pagseselos ng kaibigan."Sige tumawa ka pa!bahala ka sa buhay mo!"asar na iniwan ni andrei si hannah sa kwarto."Grabe!anung nangyari dun...hindi nya ba talaga kilala 'tong artistang 'to?..hmp!bahala sya!"naiiling na lang si hannah sa bigla pagbabago ng mood ng binata.

Madilim na ng binalikan sya sa kwarto ni andrei pati tuloy sya tinopak narin.Hindi nya kinikibo ang binata."Hindi ka pa ba nagugutom?!"Tila hindi na mainit ang ulo nito marahil ay nakapagpalipas na sa labas.Pero hindi nya ito sinasagot."Gusto mo padala ko na lang ang pagkain dito?"Bahagya pa syang kinalabit nito."Ayoko ng kumain matutulog na ko!"Sagot nya ng hindi man lang humaharap kay andrei."Oh Ba't may toyo ka yata?"parang wala sa loob na tanong ng binata."Ewan ko sa mukha mo!"Nabubuwsit na sagot nya.Natawa naman si andrei pag ganun kase alam nyang pikon na ito."Sorry kanina...di ko sinasadya!naasar lang talaga ko sayo!...napasarap lang kwentuhan sa labas kaya di agad ako nakabalik "You don't have to explain!hayaan mo na lang ako matulog...gusto ko ng bumalik sa Manila bukas".Seryosong sagot ng dalaga.Gusto pa sanang magsalita ni andrei pero alam nyang lalo lang maiinis sa kanya si Hannah.Kaya hinayaan nya nalang ito.

Ikaw Pala Ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon