At malulungkot ako kong hindi siya ang magiging mate ko.

Maraming paraan naman eh,ano pa ang pagiging Prinsipe ko kong hindi siya magiging akin.

Kong labag man ito sa kagustohan ng mahal na diyosa,ipag lalaban ko parin dahil may sarili akong batas saking buong pagkatao,ako ang gagawa ng aking tadhana

Humakbang ang aking mga paa,kong gusto kong makuha ang loob niya at mapasaakin siya .
Isa lamang ang gagawin ko,at iyon ang mapa-ibig ko siya  kahit ano pa ang maging kapalit.

........

"Rain Pov"

Alam kong may mga matang nakatingin saakin .Sa init nito nakilala ko agad ang may-ari nito.

Ano naman kaya ang ginagawa niya dito.?
Anong ihip ng hangin ang pumasok sa utak niya at napasunod siya sa tahimik kong kinaroonan.?

Hanggang sa makalapit ay hindi ko siya pinansin,dumaan ang ilang sandali at siya nga ang naunang magsalita

"Alam kong alam mo na naririto ako.Hindi mo man lang ba ako papansinin o babatiin ?"siya

Napa irap nalang ako

"Magandang gabi"sambit ko at nanati paring hindi siya binigyan ng tingin

"Sayo din,Anong ginagawa mo dito?"tanong niya

"Nag hahanap ako ng tahimik na lugar."

"Maaari ba kitang samahan?nais ko din sana magpahangin ."

"Hindi ko pag aari ang lugar na ito,kaya naman hindi mo na kailangang mag paalam pa"

Nagulat na lamang ako na bigla siyang sumulpot sa harap ko.
Nagulat man ay hindi ko ipinahalata.

Agad na naisip ko kong ayos pa ba ang sanga na aming kinaroonan.
Ng masigurong ayos naman pala, tumingin ako sa kanya  ng sandali.nakatingin siya sa taas tulad ng ginagawa ko kanina.

"Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong ito,ngayon ko lamang napag tuonan ang lahat ."

Hinayaan ko lamang siyang magsalita

"Ang liwanag ng buwan,at ang mga butuin ang maliit ngunit nagsilbing palamuti ng kalawakan.Para sila ang mga simbolo ng  kagandahan ng kadiliman."

Tama siya sa kanyang pananaw.
Tumingin ako muli sa langit

Akala ko ,ako lamang ang nakakaisip ng ganong mga bagay.

"Tungkol sa kaibigan mo."
Sambit niya saka tumingin sakin

Kay Cov..?

"Nais ko lang linawin ang mga bagay bagay.
Hindi ako interesado sa kanya o ano man."
Napa angat ang isa kong kilay

"Anong tinutukoy mo?"

"Hindi  lang ako mapalagay pag  nasa malapit siya  lalo na sayo.Ako ang kapareha mo,kaya naman nais ko na sakin kalang naka tutok,hindi kong saan o kong kaninong nilalang"
Bawat salita niyang binibitawan ,ay may diin na tila ba may pinanggagalingan

Ngunit...
Ginagamit ba niya saakin ang mataas niyang estado ng pamumuhay.

Nagsalubong ang kilay ko,ayaw ko sa lahat ang tulad niyang mayabang,mapagmataas at walang pakealam sa nararamdaman ng iba
Inis man ay minabuti kong maging mahinahon

"Naiintindihan ko, subalit sana isipin mo din na bukod sa kapareha kita,dapat maisip mo din na may sarili akong buhay,ako ang may hawak sa buhay ko at desisyon."

"Ano?Mali ka ng iniisip mo..alam ko yon lahat."

"Anong mali doon,kasasabi mo lang na dapat ituon ko ang lahat ng oras ko sayo.
Malinaw na malinaw na sinabi mo yon.

Alam kong alam mo na ibinilin ka ng mahal na Luna Queen sakin.Pero hindi ibig sabihin non sayo lang iikot ang oras ko."
May inis na sabi ko nawala ang pagiging mahinahon ko,ang sarap niyang itulak

"Hindi mo naiintindihan,tama ka sa lahat,nasabi ko iyon dahil ayaw kong may iba kang kinakausap at iniisip bukod sakin.
Gusto ko sakin ka lang ,ayaw kong may kaagaw.

Ikaw ang unang naging mabuti sakin dito at naging totoo.

May mga bagay na akala ko tama ako parati ngunit agad mong ipinauunawa sakin na mali ako.
Hindi man ito parati na sinasabi ko at mahirap sambitin,makinig kang mabuti.
Masaya ako....Masayang masaya akong nakasama ka dito sa alpha camp.

Nagkaroon ako ng isang kaibigan na matatawag kong akin.At madamot ako,ayaw kong ibahagi ito sa iba."
Seryoso ang kanyang tinig at malalim ang mga tingin

Nailang ako at agarang napaiwas tingin

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.
Wala din akong masabi

Iyon pala ,kaya pala ganon nalang ang lahat ng ikinikilos niya.

Isang malapit na kaibigan ang tingin niya sakin.

Sabagay,Mahirap nga naman makakita ng matatawag na totoong kaibigan.
Sa buhay naming mga taong lobo,dahil sa kapangyarihan at lakas na abilidad.Hindi naiiwasan ang magpataasan sa bawat antas nang aming pamumuhay.

Tumikhim ako

"Bukas ay may training na dapat gawin, kailangan maaga tayo.Babalik na ako"sabi ko at umupo

Handa na sana akong bumababa ng magsalita siya

"Muntik ko nang makalimutan yun ah.Sasabay na ako"
Siya at nauna nang bumaba

Mula sa taas ay tumalon siya

Sumunod nalang din ako.

Kong kaibigan ang kanyang hangad,hindi ko iyon ipag dadamot bagkos maaari  ko siyang ibilang sa aking mga tunay na kaibigan.




Big BAD Alpha(BL)Where stories live. Discover now