8: 1+3+4 equals The End

37 8 41
                                    

8

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

8.

ILANG araw na rin ang nagdaan matapos ang huli naming pagkikita nila Yno, Damiel, Spade at Wax. Minsan hinahanap-hanap ko silang apat dahil parang nasanay ako na laging may mga makukulit na nakabuntot sa akin.

Pero siguro maayos na rin na hindi na kami nagkikita para walang gulo sa pagitan nila Spade at Wax. Mag-isa akong naglalakad at nag-iikot ikot sa buong paaralan, wala akong kasama dahil lahat ng kaibigan ko ay may klase at ako lang ang may libreng oras ngayon.

"Sapphire!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko ng kung sino mula sa kung saan. Paglingon ko ay nakita ko si Wylan na tumatakbo palapit sa akin. "H-Hi. . ." hinihingal niyang pangungumusta.

"Hello," pangungumusta ko pabalik at ngumiti.

"Ito pala," hinihingal niya pa ring sabi at inabot sa akin ang isang kahon ng chocolate.

"Kanino ito galing?" masaya kong tanong at tinanggap ang tsokolate. Hindi naman siya sumagot at ngumiti lang. At doon ay napaisip ako kung kanino galing ang chocolate. "Kanino ito galing? Kay Spade ba o kay Wax?" panghuhula ko.

Hinihingal naman siyang humagalpak ng tawa na nakapagpakunot ng noo ko. "Iyan? Galing kay Spade at Wax? Nakakatawa ka, alam mo iyon?!"

Napanguso ako nang dahil sa sinabi niya.

"Ikaw bibigyan nila ng chocolate? Nangangarap ka ng gising, Sapp," tumatawa niya pang dugtong kaya sa inis ko ay nahatak ko ang tungki ng buhok niya pero mahina lang naman.

Grabe naman siya magsalita kung hindi lang siya cute magagalit na talaga ako sa kaniya.

"Pa-thank you ko iyan sa iyo kasi pumayag kang maging partner ko roon sa project natin noong nakaraan," paliwanag niya kaya napangiti ako.

"Oh? So, thank you and welcome?" natatawa kong ani.

"Okay, una na ako. Bye!" paalam niya at muling tumakbo palayo. Napailing-iling na lamang ako habang tinatanaw siyang tumakbo palayo.

"Sapp!" Muli akong napalingon sa kung saang gawi nang may muli akong marinig na tumatawag sa akin. At sa paglingon ko ay nakita ko si Wax na kumakaway sa direksiyon ko habang palapit kasama sina Damiel, Spade at Yno. Ngumiti lang ako at naghintay sa paglapit nila.

"Saan ang punta mo?"

"Ah. . .okay na kayo?" balik kong tanong nang makita kong magkasama na ulit silang dalawa ni Spade.

"Oo at alam mo ba? Ayaw ka na naming ligawan," mapagmayabang niyang sabi na nakapagtanggal ng matamis na ngiti sa mga labi ko. Lumapit siya at inakbayan ako saka muling nagsalita, "Hindi sa ayaw na namin sa iyo kaya hindi ka na namin liligawan. Nakapag-usap na kasi kaming dalawa ni Spade."

"At napag-usapan namin na kung ayaw namin pareho na magparaya ay wala ni isa sa amin ang manliligaw sa iyo," pagpatuloy ni Spade sa sinasabi ni Wax.

Doon ay napangiti ako at napalingon sa gawi ni Damiel na ngayon ay mukhang hindi na galit sa akin.

143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon