2: Want help, my love?

45 10 35
                                    

2

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2.

HINDI ko alam kung ilang oras na akong nagtatago rito sa loob ng Girls' Comfort Room. Naghihintay lang ako sa pagtunog ng warning bell para sa hudyat ng klase at nang makalabas na ako rito sa banyo. Ngayon lang ako natakot sa tatlong iyon. Alam kong mga baliw na sila noon pa man pero iba sila kanina, they keep on calling me baby and babe!

Halos pag-awayan at pag-agawan nila ako. Kulang na lang ay hatiin nila ako sa tatlo para may tig-iisa sila. Idagdag pa si Damiel na tanong ng tanong kung ano ba ang totoong nangyayari. Hindi ko kinaya!

Kung bakit ba naman kasi sila ang kumain ng pagkain na para kay Damiel, hindi ba?! Matapos ay tatlo pa sila. At kung bakit naman kasi gumamit pa ako ng gayuma? Ayan tuloy!

Bumuntong hininga ako nang ilang ulit saka napagdesisyunan na lumabas na lang at huwag na rito sa banyo magtago. Naglingat-lingat ako sa paligid, sinisigurado kung wala ba ang tatlo. Nakahinga ako ng maluwag nang walang makita ni anino ng tatlo saka malayang naglakad.

Sayang lang at may klase si Athena sa mga oras na ito. Wala tuloy akong mapagkwentuhan ng mga katangahan ko ngayong araw.

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Yno sa hindi kalayuan. At hindi ito maganda dahil palapit siya sa akin! Kailangan kong magtago! Taranta akong lumingon sa buong pasilyo pero wala akong makitang pwedeng pagtaguan. Tanging ang pader at bintana lang ng buong building ang nakikita ko.

Kung tumalon kaya ako sa bintana para makatakas? Ay huwag, tatakas lang ako, hindi magpapakamatay. Tarantang-taranta na ako dahil sobrang lapit na niya sa akin. Pero nang napakalapit na namin sa isaʼt isa, halos unti na lang ang agwat namin ay hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang ako na para bang isa lang akong hangin.

Natulala na lang ako habang hindi maipinta ang pagmumukha sa magkahalong gulat at pagtakaka. Teka, nakita naman niya ako, ah? Wala na bang bisa iyong gayuma? Wala na ata kasi bumalik na siya sa nakasanayan na Yno na isang tahimik at isnabero hindi tulad kaninang umaga, ibang-iba ang ipinakita niya.

Basta nakakatakot silang tatlo. Naglingon ako ng tingin kay Yno na ngayon ay papalayo na sa akin. Napangiti ako dahil hindi ko na pala kailangang mag-alala. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at parang tangang ngiti ng ngiti. Pansin ko ang mga titig sa akin ng mga kapwa ko istudyanteng nadadaanan ko pero wala na akong pakialam sa kanila.

SAPU-SAPO ko ang sarili kong noo habang naglalakad palabas ng klase buhat ang ilang librong kailangan ko pang ibalik sa library pero bigla na lang akong hinarang ng dalawa sa mga babae kong kaklase.

"Hey, girl! Boyfriend mo pala si Wax?" akala mo ay isang tsismosang bulong sa akin ng isang babae.

Bigla namang napasigaw ang isa pang babae at mataray na lumikot ang bilog ng mga mata. "Wax?! But I thought her boyfriend was Spade?"

Napangiwi ako dahil sa kanila. Ang bilis naman kumalat ng nangyari. Panigurado marami na mga istudyanteng babae ang galit sa akin. Ang dami kayang nagkakagusto kay Spade at Wax. Well, apat naman talaga silang kinababaliwan ng mga babae, nagkataon lang na mas gusto ko si Damiel.

Iniwan ko na lang silang dalawa roon na magtalo at tumungo na sa daan ko. Bigat na bigat ako sa mga bitbit kong libro, idadag pa ang bag na nakasukbit sa likuran ko.

"Want help?" Naglingon ako ng tingin sa pamilyar na boses ng lalake.

"S-Spade?" Nginitian niya lang ako at kinuha ang ilang librong hawak ko at nag-iwan ng dalawa.

Wow, tinulungan na rin naman niya ako nilubos-lubos na niya sana, kinuha na niya sana lahat at hindi na nag-iwan ng dalawa. Pero naiilang pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari kanina. Naalala ko tuloy iyong pagtawag niya sa akin ng baby at babe.

"Lalim ng iniisip natin, mahal, ah?" pagkausap niya sa akin at teka--mahal?!

"Mahal?" Tumingin ako sa kaniya at sa mga mata niya ng may halong pagtataka.

"Oo, mahal. Sa tingin ko kasi ayaw mo ng babe at baby kaya naisipan kong ibahin na lang ang tawag ko sa iyo," mahaba niyang paliwanag at lumapit sa akin para lang pisilin ang pisngi ko nang may kaunting pag-iingat at gigil. Natulala na lang ako sa sobrang pagkagulumihanan.

"Hindi pa rin ba nawawala ang bisa ng gayuma sa kaniya? Pero kay Yno mukhang wala na?" Nagbalik ako ng tingin kay Spade na ngayon ay nakangiwi sa akin. Teka, nakangiwi ba siya kasi kinakausap ko ang sarili ko?

"Gutom ka ba? Bakit mo kinakausap ang sarili mo? Gusto mong kumain? Tara, ililibre kita."

NAKATINGIN lang ako kay Spade habang sabay kaming kumakain na dalawa. Hindi naman pala siya baliw gaya ng inaakala ko. Napaka-bait niya, caring, gentleman--teka, ano itong mga iniisip ko? Erase, erase!

"Kanina ka pa nakatitig sa akin. Maka matunaw na ako niyan," malokong sambit ni Spade habang tumutusok sa pancake niya.

Napansin kong kanina pa ako tulala sa direksyon ni Spade kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pancake ko.

"Sapp, ano. . .sorry pala for being rude earlier. I don't know why but parang sabik na sabik ako sa iyo nang makita kita kanina."

Bigla kong nalunok ang kasusubo ko pa lang na pancake at halos mabilaukan dahil sa sinabi niya.

"Teka, hinay-hinay lang sa pagkain. Oh, ito tubig," aniya sabay abot sa akin ng bottled water pero bago niya ibigay sa akin ay binuksan niya muna ang takip.

Agad ko iyong tinanggap at nagmamadaling uminom dahil ramdam kong bumara ang pancake sa lalamunan ko. Nakahinga ako ng maluwag nang matanggal ang bara.

"Thank you." Pasasalamat ko. Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong parang may tao ang nakatayo sa tabi ng table namin at parang nakapamewang?

Nag-angat ako ng tingin sa taong iyon at nakita ang mukha ni Wax na matalim at masama ang tingin kay Spade.

//

143Where stories live. Discover now