7: Does he stand a chance?

32 9 22
                                    

7

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

7.

"PUWEDE ba?" Mahahalata sa boses ni Spade ang irita ngunit alam kong nagpipigil lang siya sa mga oras na ito at pilit na ikinakalma ang sarili. Hindi siya pinansin ni Wax na todo ngiti lang na para bang natutuwa pang makitanf naiinis si Spade.

Nag-angat ang tingin ko kay Spade nang marahas at padabog siyang tumayo. Ang mga mata niyang makikitaan pa rin ng pagkainis ay tumitig muna nang sandali kay Wax bago sa akin.

"Tara na, Sapp. Maghanap na lang tayo ng ibang makakainan," aniya na hindi ko naman magawang tugunan. Nang maglakad siya paalis ng puwesto niya ay matinding pagdadalawang isip ang nangyari sa akin kung tatayo ba ako. Ayaw ko namang iwang mag-isa rito si Wax.

Mabigat ang dibdib kong nilingon si Wax na diretso lang ang tingin sa pagkain niya. Burado na ang malokong ngiti sa kaniyang mga labi. Napaiwas ako ng tingin nang makita sa mga mata niya ang lungkot na may halong sakit. Sakit sa pagiging sadista sa kaniya ng matalik niyang kaibigan.

Muli kong tinignan si Spade na naglalakad na palabas ng mart. Hindi ko mapigilan ngunit naiyuko ko na lang ang aking mukha nang mag-init ang aking mga mata. Mapait akong napangiti habang dinarama ang matinding pagsisisi sa dibdib ko.

Napapatanong din ako sa sarili ko kung ito ba ang gusto ko? Na makasira ng relasiyong mayroon ang isang grupo ng magkakaibigan nang dahil lang sa makasarili kong kagustuhan?

"Bumalik ka roon at maupo." Mabilis akong napaangat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalake.

Ganoon din si Wax sa tabi ko at alam kong tulad ko ay gulat at naguguluhan din siya na makita si Yno sa parehong lugar kung nasaan silang dalawa ni Spade kasama ko.

"Bumalik ka roon at makipag-usap ka nang masinsinan kay Wax para maayos nʼyo ang problema ninyong dalawa," wika muli ni Yno.

Babakas sa matigas na ekspresyong mayroon siya sa mukha na hindi siya natutuwa sa pagtatalo ng dalawa kaya naman ay wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang makialam na. Nanatiling tahimik si Spade ngunit nang sabihin ni Yno na siya na ang maghahatid sa akin pauwi ay pagalit na bulalas ang pare-pareho naming narinig sa kaniya.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya," pagpresenta ni Wax at tumayo sa kinauupuan. Akmang aayain ako ni Wax para sana umalis na nang pigilan siya ni Spade.

"Ako ang nagdala sa kaniya rito kaya ako rin ang maghahatid sa kaniya pauwi---"

"Hindi nʼyo siya puwedeng ihatid hangga't hindi nʼyo naaayos ang problema ninyo." Sinamaan ni Yno ng tingin si Spade dahil hindi ito sumusunod sa kaniya. "Hindi nʼyo siya maaaring kausapin, lapitan at makita hangga't hindi kayo nagkakaayos," matapang na ani Yno at itinulak si Spade pabalik sa table at sapilitang iniupo sa kaninang puwesto nito.

Bago pa muling magawang umapila nang dalawa kay Yno ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at mabilis na inaya si Yno na umalis na. Balak pa sanang humabol nina Spade at Wax ngunit nagtatakbo na ako palabas habang pinaalalahanan silang mag-usap nang masinsinan.

"Tara," aya sa akin ni Yno at nauna na sa paglalakad. Sumunod rin ako sa kaniya palabas ng store.

"Magkagalit ba silang dalawa?" Nahihiya kong tanong kay Yno kahit na mahahalata naman iyon sa nangyarinv tensyon kanina.

Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang kaya nanahimik na lang ako at naglakad na lang din. Pareho kaming tahimik habang naglalakad sa madilim na kalye. Hindi naman ganoon kadilim dahil sa mga nagkalat na ilaw ng poste.

"Nagkagalit silang dalawa." Rinig kong sabi ni Yno.

Tignan mo ang isang ito, kanina pa ako nagtanong tapos ay ngayon lang sumagot.

"Nagalit si Spade kay Wax dahil nga sa nagpunta tayong apat sa perya nang hindi siya kasama," muli niyang sabi.

"Nagpunta tayong apat sa perya pero bakit kay Wax lang siya galit?" hindi ko mapigilang magtanong dahil napansin ko rin na iba ang mga tingin ni Spade kay Wax kanina. Pero sa akin at kay Yno naman ay walang kakaiba o mali.

"Hindi ko alam. Pero siguro ay dahil sa magkakumpitensiya silang dalawa sa iyo," aniya.

"Sorry." Nagpakawala ang ng hangin at bagsak ang balikat na nagpatuloy sa sasabihin ko. "Sorry kasi nagkagulo pa kayong apat nang dahil sa akin," dugtong ko.

Simula noong nakaraang araw ko pa sinasabi sa sarili ko na sana ay hindi ko na lang ginawa ang kalokohan kong iyon para sana hindi na ako nagkakaproblema at nahihirapan sa mga nangyayari ngayon.

Nakukunsensiya rin ako dahil nagkagulo tuloy silang apat. Nagkagalit sila Spade at Wax ng dahil sa akin. Si Damiel naman ay galit pa rin sa akin hanggang ngayon. Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang mga sinabi sa akin ni Damiel. Tumatatak pa rin sa isip ko ang mga tanong niya.

Tulala ako habang may iniisip ng mabigla ako ng may maapakan akong bato at madapa.

"Aray. . ." daing ko. Dali-dali namang lumapit sa sa akin si Yno at tinulungan akong tumayo.

"Mag-ingat ka nga sa dinaraanan mo," sermon niya nang makatayo ako.

Pinagpagan ko ang sarili ko at inayos ang nagulo kong buhok. Ininda ko rin ang sakit ng tuhod ko. Mabuti na lang at hindi ako nagasgasan at salamat na rin sa suot kong short na lagpas sa tuhod ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-lalakad na parang walang nangyari, nakakahiya at nakita niya pa iyon. Mamaya ay isipin pa niyang lampa ako.

"Ang lampa mo," rinig kong sabi niya.
Nakakahiya talaga!

Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad. Pareho kaming tahimik at walang kibo. Kusang nagbubukas ang mga ilaw sa kada posteng nadadaanan namin. Iilang tindahan nalang ang nakabukas at iilang tao nalang din ang nasa labas.

"Kapag nagmahal ka, hindi mo dapat oblihagin ang taong mahalin ka pabalik. Hindi ganoon ang tunay na pagmamahal."

Gulat akong tumingin sa kanya ng dahil sa sinabi niya.

"Kung mahal mo ang isang tao magiging masaya ka kung saan masaya ang mahal mo kahit alam mong hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya."

Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi niya. Habang siya ay diretso lang ang tingin sa daan.

"Hindi nadidiktahan ang puso sa kung sino ang mamahalin nito, ni hindi mo puwedeng sabihin sa isang tao na mahalin ka niya pabalik." Bumuntong hininga siya at tinitigan ako. "Dahil kapag ginawa mo ay magiging kawawa ka lang. Mapipilitan lang siyang mahalin ka gaya nang pagmamahal na gusto mong makuha mula sa kaniya."

Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga titig niya at naiilang ako roon kaya nag-iwas ako ng tingin.

"N-Nagmahal ka na rin ba?" nahihiya kong tanong.

"Oo," diretso niyang sagot at muling binalik ang tingin sa daan.

"Sino naman iyong minahal mo?" curious kong tanong at pinakatitigan siya.

"Ang taong minamahal ko? Gaya mo ay siya rin iyong taong hindi ako magagawang mahalin pabalik." Kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Dahil may mahal siyang iba," malamig niyang sagot. Para siyang bagot na bagot sa buhay niya.

"Hindi mo man lang ba sinabi sa kaniya na mahal mo siya? Baka sakaling may pag-asa ka," suhestiyon ko.

"Kapag sinabi ko ba sa kaniya na mahal ko siya. . .magkakaroon ako ng pag-asa sa'yo?"

//

143「iLikeu」Where stories live. Discover now