Chapter XLII

45 18 5
                                    

Malayo pa lang sa kusina ay nakita na ni Thiago si Thunder. Nasa harap ito ng isang malaking kaldero at abalang nagsasandok ng almusal na sopas para sa mga batang nakatira sa isang ampunan na konektado sa Montecillo University. Doon siya ipinadala para sa community service niya, at hindi niya akalain na naroon din si Thunder.

Inilibot ni Thiago ang kanyang paningin. Napakaraming bata sa lugar na iyon. Iba-iba ang edad, personalidad, at hilig. Pero iilan lang ang nakikita niyang nag-aasikaso sa mga ito. Pero kahit ganoon, ay hindi niya maintindihan kung bakit punong-puno ng kasiyahan ang lugar na iyon. Isang lugar na para sa kanya, ay dapat napakalungkot.

Nilapitan si Thiago ng isa sa mga empleyado doon. Isang matabang babae na may malaking ngiti sa mukha. At matapos nitong masiguro na siya ang ipinadalang volunteer ng MU ay pinapunta kaagad siya nito sa pwesto kung nasaan din si Thunder.

"What the...?!" nanlaki ang mga mata ni Thunder nang makita si Thiago. "Akalain mo 'yon? Dito ka rin pala ipapatapon?"

"Are the others here?" tanong ni Thiago na tila hindi narinig ang sinabi Thunder.

"No. Hindi ko alam kung nasaan sila. I mean, I could pero mas mabuti ng magkanya-kanya muna tayo, 'di ba?"

Tumango lang si Thiago sa sinabi ni Thunder. "So what are we going to do?"

"Ikaw na lang ang magsalin ng sopas dito sa mga mangkok. Ako na lang ang mag-distribute sa mga bata," sagot ni Thunder. "Okay ba 'yon?"

"As if I have a choice."

Tumigil si Thunder at tinitigan ng masama si Thiago. "Iwasan mo munang mag-attitude dito. Hindi 'yan uubra. Ang daming gawain dito. Kaya bawal ma-reklamo.

"Whatever. Akala mo amo."

"Ano?!"

"Wala!" madiin na sagot ni Thiago sabay talikod sa kausap.

Ginawa ni Thiago ang sinabi ni Thunder. At pagkatapos maihain ang pagkain sa mga bata ay inumin naman ang inihanda niya. Muli siyang napatingin sa mga batang naroon. Kagaya niya ay siguradong may malungkot na mga kwento sa likod ng matatamis na ngiti na nakikita niya. Pero hindi iyon mapapansin sa mga bata. Dahil totoo ang mga ngiti nila at kitang-kita ang tuwa sa kanilang mga mata. Hindi kagaya niya na tila nalibing na lang sa madilim niyang nakaraan.

Natapos na ang agahan. Nagliligpit na sila Thiago at Thunder nang marinig nila ang masayang sigawan ng mga bata sa may hardin. Napasilip si Thiago sa bintana kung saan tanaw ang hardin at napatigil siya nang makita ang isang pamilyar na mukha. Tila nanghina ang mga tuhod ni Thiago at napaupo siya sa gilid ng malapad na lamesa.

"I heard they will be here. The choir club," sabi ni Thunder habang nakatanaw pa rin sa bintana. "Pero hindi ko alam na sasama si Paisley sa kanila."

Hindi sumagot si Thiago. Napatitig lang siya sa mga hugasang nasa harap niya. At tila bigla lumalim ang iniisip iniisip niya. Napansin naman iyon kaagad ni Thunder.

"If you're not okay seeing her, huwag ka na lang lumabas ng kusina. I think they are tasked to play with the kids so hindi sila papasok rito," sabi ni Thunder na bumalik na sa paghihiwalay ng mga hugasin.

"No," biglang sagot ni Thiago. "I will talk to her and say sorry."

Tumigil si Thunder at tumingin kay Thiago. "Ikaw ang bahala."

"I hurt her. I owe her an apology. I don't know if she'll forgive me, and I don't care if hindi ko na maibabalik 'yong dati. But at least, I could say sorry to her," sabi ni Thiago sabay hampas sa lamesa habang nagngangalit ang mga ngipin.

Hindi sumagot si Thunder sa sinabing iyon ni Thiago. Tinapik lang niya ito sa balikat at nagpatuloy siya sa pagliligpit.

Matapos maglinis ng pinagkainan ay lumabas na sila Thiago at Thunder sa hardin. Nautusan kasi sila na alisin ang ilang tambak na naroon. Kaagad na hinanap ni Thiago si Paisley at nakita niya itong masayang binabasahan ng isang aklat ang isang batang babae. Napangiti siya nang masilayan ang napakagandang ngiti ng dalaga.

Pero kaagad na nawala ang ngiti na iyon nang makita na siya ni Paisley. Nagtagpo ang mga mata nila. At magkahalong lungkot at galit ang nakita niya sa mga mata nito. Lalapit na sana si Thiago nang bigla itong tumayo at naglakad papalayo kasama ang batang binabasahan nito ng kwento..

"Thiago," tawag ni Thunder . "Kailangan daw ng mag-uurong ng mga kama sa mga kwarto. Tulungan mo 'ko."

Tumango lang si Thiago. Sinundan pa niya si Paisley ng tingin, pero hindi na niya ito nakita.

"So how did it go?" tanong ni Thunder habang naglalakad sila papunta sa isang kwarto. "You tried to talk her."

"Iniwasan niya 'ko," matamlay na sagot ni Thiago. "And her eyes... they are telling me how much she hates me. "

"Well, that was expected. Humanap ka na lang ng ibang pagkakataon. And don't push it too much. Okay?"

Napatingin si Thiago kay Thunder, pero hindi hindi siya sumagot. Hindi rin siya makapaniwala na may ganitong katauhan pala ang makulit at magulong gangster na nakilala niya.

Mabilis na natapos nila Thiago at Thunder ang mga gawain. Hindi na nila napansin ang oras, at oras na naman pala ng tanghalian. Muling bumalik ang dalawa sa kusina para tumulong sa paghahanda ng pagkain. Kahit na abala ay sumusulyap pa rin si Thiago para hanapin si Paisley at humahanap pa rin siya ng pagkakataon na makausap ito.

"Excuse me," sabi ng isa sa mga volunteer kay Thiago. Dala nito ang isang kahon na puno ng mga tinapay. "Pwede bang pakisuyo nito sa may labas? Kahit doon lang sa may pintuan. Ipapadala kasi ito sa kabilang shelter."

Tumango si Thiago at kinuha sa babae ang kahon at pagkatapos ay naglakad siya papalabas ng kusina. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay bigla siyang natigilan. Nakita niya si Paisley at isang binata na mga miyembro ng choir na mag-kausap. Nakahawak pa ang dalaga sa braso ng lalaki. At ngiting-ngiti ito habang nakatitig sa mga mata ng lalaking iyon. Pilit na nagsawalang kibo si Thiago, pero hindi na niya napigilan ang inis nang inilapit ng lalaki ang mukha nito kay Paisley.

Ibinaba ni Thiago ang kahon. Itinikom niya ang kanyang mga kamay at handa na niyang lapitan at lusubin ang lalaking kaharap ng dalaga. Nang isang malakas na kamay humawak sa braso niya at hinila siya pabalik sa loob.

"You can't do that here, Tisoy," mahinang sabi ni Thunder sabay tulak kay Thiago. Napasandal si Thiago sa pader. "Not in front of the kids. Isa pa, kapag ginawa mo 'yan. Sigurado na ang pagka-expel mo. Mag-isip ka naman."

Hindi sumagot si Thiago. Pero kitang-kita sa nakasimangot na mukha nito ang inis at galit.

"You wanted her to leave. And that's what she did. You think she deserves someone better than you, and now she's looking for that someone," sabi ni Thunder. "Tapos magkakaganyan ka?"

"Shut up!" Hinila ni Thiago ang kwelyo ni Thunder.

"Masakit? Pwes tiisin mo. Ito ang resulta ng ginawa mo sa kanya. So don't be mad. At ayusin mo 'yong trabaho mo. Baka ma-report tayo sa university," sabi naman ni Thunder sabay tulak kay Thiago dahilan para mapabitaw ito sa kanya.

Pagkatapos noon ay dinampot ni Thunder ang kahon na ilalabas sana ni Thiago at siya na ang naglabas nito. Nagbilin na lang siya kay Thiago na ipagpatuloy ang pagsandok ng kanin para sa mga bata. Ginawa naman iyon ni Thiago. Muli niyang tinanaw si Paisley pero wala na ito sa kinatatayuan nito kanina, at hindi siya tumigil sa kaiisip kung paano malalapitan ang dalaga.

Hanggang sa natapos ang tanghalian, at nalaman na lang niya na umalis na ang choir club.

Iyon na ang huling pagkakataon na nakita ni Thiago si Paisley sa orphanage na iyon. Araw-araw ay inabangan niya doon dalaga, at humahanap ng pagkakataon na makausap ito kahit sandali. Pero kahit ang mismong choir club ay hindi na pumunta doon. Sinubukan ni Thiago na tawagan ang dalaga, pero hindi nagri-ring ang cellphone nito. Naka-block na rin siya sa social media nito.

Tinawagan niya ang ilan sa mga kaklase nila na alam niyang close sa dalaga. Pero maging ang mga ito, ay hindi siya natulungan. Ang iba pa ay kaagad na ibinababa ang mga tawag niya.

Lumipas ang mga araw. At lalong napalayo si Paisley kay Thiago. Hanggang sa natapos na ang semestral break. Nakumpleto ni Thiago ang oras na kailangan sa volunteer work, nakakuha siya ng clearance at muling nakapag-enroll. Pero hindi na niya muling nakausap si Paisley. Hanggang narinig niya ang balita na pupunta na ito sa ibang bansa.  

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now