Chapter 12

291 6 1
                                    

After Party

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

After Party


"Ikaw ang sasalo sa naaksidenteng model, irarampa mo ang ilan sa mga gawa ko." Seryoso niyang sabi sa akin. 


Gustong kong matawa dahil mukhang malaking biro ang kaniyang sinabi ngunit bakas sa kaniyang mukha  ang pagiging seryoso kaya hindi ko na ginawa. 


"Bakit ako po?" Naiilang kong tanong at tumingin pa sa paligid. Halos lahat ay nakatingin sa amin. Tumango lang si thalia at mukhang hinihintay ang aking sagot.


"Kayo po ang bahala." Tugon ko at napangiti siya dahil sa aking sinabi.


"Ayusan niyo na siya." Seryosong sambit ni thalia at umalis sa lugar. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginawa niya.


Dinala ako ng isang make up artist sa kaniyang lugar upang lagyan na ng make-up. Hinayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Prinoposeso ko pa sa aking utak kung paano ako maglalakad mamaya at kung paano ang magiging opinyon ng tao sa akin.


"Okay ba?" Tanong sa akin ng babae. Dinilat ko ang aking mata at tumingin sa salamin. Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong make up. Madalas kasi ay minimal make-up lang ang ginagawa ko. Simple lang akong ngumiti at tumayo.


Pinatayo niya at pinasuot ang isa sa mga creation ni thalia. Namangha ako sa itsura niyo. Tila natakot akong suotin dahil sino ba naman ako para magsuot ng ganitong kagandang gown.  Long gown ito ay may bulaklak na detail. May dalawang cape sa magkabilang shoulder na nagpadagdag sa ganda nito.


Tinulungan niya ko sa pagsuot at normal akong tumingin sa salamin. Hindi na mapagkakaila na maganda ito.

Pumunta kami sa backstage at isa-isang lumabas ang mga models

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumunta kami sa backstage at isa-isang lumabas ang mga models. Hindi ko alam kung bagay ba ang isang katulad ko dito. Maganda naman ang mukha ni larisa at may alam naman ako sa pasarela dahil noong nasa katawan ko pa ako ay sumasali ako sa pageant namin sa school. Hindi rin ako pipiliin ni thalia kung wala siyang nakita sa akin.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Where stories live. Discover now