Chapter 5

305 10 3
                                    

Selos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Selos


Mabilis akong bumalik sa aking kwarto at hindi napigilan ang aking sarili na umiyak. Parang nakakita ako ng liwanag sa gitna ng kadiliman. Buhay pa ako at pwede pang bumalik sa dati kong buhay. 


"Lord, bigay niyo na sa'kin 'to." Sambit ko habang patuloy sa pag-iyak. Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay. Walang iniisip na problema at tanging pagpapaligaya lang sa sarili ang ginagawa.


Napatingin ako sa pinto dahil bigla itong bumukas. Marahan na pumasok rito sa seven habang diretsong nakatingin sa akin.


"Seven, may kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos pahiran ang luha sa aking pisngi. Nakatingin lang ako sa kaniya at nagtaka ng bigla siyang may iabot sa akin. Tinanggap ko ito at pinagmasdan. Isa itong chocolate.


"Kinakain ko 'yan para gumaan ang pakiramdam ko." Seryoso niyang saad at mabilis na umalis sa kwarto ko. Tila mas lalong lumambot ang aking puso dahil sa kaniyang ginawa at mas lalong umiyak. Habang umiiyak ay binuksan ko ang chocolate at kumain ng ilan. Totoo nga, medyo gumaan ang aking pakiramdam.


Salamat, seven.


Nagising ako dahil sa sikat ng araw na galing sa labas. Hindi pa lubusang nakakalabas ay naririnig ko na si tatiana na naliligo sa pool. Dumeretso ako sa pool area at nakita na naliligo si tatiana at seven sa pool habang binabantayan sila ni becila.


"Larisa, ikaw muna ang bahala sa mga bata, magluluto ako ng tanghalian." Saad ni becila at iniwan kaming tatlo sa pool. Si tatiana ay lumalangoy sa gitna samantalang si seven ay nasa sulok lang habang ulo lamang ang nakalitaw.


"Seven, salamat kagabi." Pagpapasalamat ko sa kaniya na dahilan upang mapatingin sa amin si tatiana. Hindi ako sinagot ni seven at binigyan lamang ako ng simpleng pagtango.


Sa paglipas ng oras ay wala silang ginawa kundi ang mag-swimming. Napatingin ako sa paparating na si thalia. Mukhang may pupuntahan siya.


"Larisa, gusto ko pagbalik ko, bihis na ang mga bata, birthday ngayon ni luxxe." Wika ni thalia at kumaway sa kaaniyang mga anak.


"Mommy, saan ka pupunta?" Tanong ni tatiana at umahon sa tubig. 


"Bibili ako ng regalo para sa pinsan niyo." Tugon ni thalia at nagpaalam na sa kaniyang mga anak.


The Rebirth Mistress [COMPLETED]Where stories live. Discover now