Chapter 6

404 8 6
                                    

Anak

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Anak


"Hinahanap ka na ni tatiana." Seryosong saad ni aziel. Napatingin ako sa lalaking aking nasa harapan at bakas sa mukha niya ang kalungkutan dahil sa naputol naming pag-uusap.


"Mauna na 'ko, hinahanap na ko ng mga alaga ko." Pagpapaalam ko sa kaniya at binigyan lang ako ng simpleng ngiti. 


Naunang maglakad si aziel ngunit nagmadali ako upang magkasabay kami. Napatingin siya sa akin dahil sa bigla kong pagsulpot.


"Mabuti naman at sinuot mo ang binigay ko." Normal niyang sambit habang patuloy kami sa paglalakad. Siya pala ang nagbigay ng dress na ito. Kaya ganoon na lang siguro ingatan ni larisa. 


Natigil kami sa paglalakad dahil may biglang humarang na isang lalaki sa amin. Mukhang kilala niya si aziel dahil diresto siyang nakatingin dito.


"Kumusta? Mr. Cortez." Magalang na pagbati ng lalaki kay aziel. Napasulyap siya sa akin at binigyan ako ng simpleng ngiti.


"I'm doing well, Mr. Lazaro." Tugon ni aziel sa lalaki. Balak ko na sanang lumayo dahil baka may paguusapan sila ngunit hindi na natuloy dahil sa sinabi ng lalaki.


"At sino ang magandang babae na 'to?" Tanong niya dahilan upang magkatinginan kaming dalawala ni aziel. 


"Sorry, Mr. Lazaro, she's taken." Tugon ni aziel at tuluyan na ngang namula ang aking pisngi. Bakit ako nakakaramdam ng kilig sa kaniyang sinasabi. Alam ko na mali ang pagmamahal na meron sila ni larisa ngunit bakit hindi ko magawang pigilan. Marahil ay nakasulat na ang kwentong ng buhay nilang dalawa. Kumbaga, mangyayari na ang mangyayari.


"Ohh. okay, enjoy the night." Nakangiting sabi ng lalaki at umalis sa aming harapan na parang walang nangyari. Mga lalaki talaga, makakita lang ng maganda, gusto agad.


Hindi pa kami lubusang nakakarating sa lugar kung nasaan ang mga bata ay kinapitan ni aziel ang aking kamay at hinila ako sa hindi ko alam na lugar. Huminto kami sa fire exit at nabigla ako ng bigyan niya ako ng halik. Wala akong nagawa kundi ang lumaban na rin. Katawan at puso ko talaga ang nasusunod.


"Aziel, baka may makakita sa atin dito." Sambit ko nang maghiwalay ang aming mga labi. Kitang-kita ko ang pagkasabik sa kaniyang mga mata.


"Akong bahala." Tugon niya at hahalikan akong muli ngunit nakarinig kami ng taong paparating kaya mabilis kaming umakyat papunta sa rooftop. Sigurado kaming papunta rin sa rooftop ang taong iyon kaya mabilis kaming nagtago.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora