Chapter 10

319 6 7
                                    

Ang kabanatang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang kabanatang ito ay hindi angkop sa mga batang mambabasa.

Guilty


"Sino siya?" balik na tanong ni luxxe dahilan upang mabuo ang kaba sa aking dibdib.


"Is she your girlfriend?" Tanong muli ni luxxe. Hindi na kapagsalita si aziel dahil sa kaba at gulat.


Mabilis siyang kumilos at ginawi si luxxe papunta sa party. Nakahinga ako ng maluwag nang lubusan silang maka-alis. Mabilis akong pumunta sa aking kwarto upang magpalit ng damit. Tanging suot ko lang ang nakita niya at alam kong mawawala sa isip niya ang nakita niya dahil sa nagaganap na party. Ginamit ko ang damit na niregalo sa akin ni aziel.


Bumalik ako sa party na parang walang nangyari.


Napalingon ako sa gawi nila thania at kinakausap siya ni luxxe. Hindi pwedeng ikwento niya ang kaniyang nakita. Siguradong masisira talaga si aziel. Biglang tumayo si thania at sigurado akong sa akin siya papunta. Huminto siya sa aking harapan bago magsalita.


"Larisa." Pagtawag niya sa aking pangalan. Diretso akong tumingin sa kaniya.


"Sumunod ka, gusto kitang maka-usap." Sambit niya at tinalikuran ako. Alam na ba niya ang totoo? Baka saktan niya 'ko. Unti-unting nagbabalik ang kaba sa aking dibdib habang nakasunod ako sa kaniya. 


Tumigil kami malapit sa pintuan. Sa lugar kung saan wala akong nakikitang tao. Humarap siya sa akin bago nagsalita.


"Ilang taon ka na dito?" Tanong niya na hindi ko alam ang sagot. Wala akong ginawa kundi ang yumuko.


"Matagal na 'di ba?" Nagbago ang tono ng kaniyang boses. Hindi mapagkakaila, nakakatakot siya.


"Matagal na po." Tugon ko gamit ang mahinang boses.


"Bakit hindi mo tanda na bawal kay tatiana ang gatas?" Seryoso niyang tanong dahilan upang mapatingin ako kaniya. Buong akala ko ay tungkol ito sa nakita ni luxxe. Buong akala ko ay sinumbong na kami ng isang bata.


"Pasensya na po, hindi na po mauulit." Tugon ko at yumukong ulit. 


"Dapat lang dahil baka sa kulungan na tayo sunod na magkita." Mataray niyang sabi at iniwan akong mag-isa sa lugar. Nagtitimpi lang talaga ako sa babaeng 'yon. Malapit ko na siyang patulan. Napa-irap na lang ako sa hangin bago bumalik sa party.

The Rebirth Mistress [COMPLETED]Where stories live. Discover now