CHAPTER 28

19 0 0
                                    

THIRD PERSON

     " Huli na para gawin mo kung ano man yang iniisip mong gawin." Nakita ni Jerico ang kamay ni Deon na may usok na pula. Umilaw din ng kulay pula ang mga mata ni Deon. Kasing pula ng dugo. Dugo ng mga taong namamatay araw-araw. Makikita mo ang gulat at takot sa mga mata ni Jerico. Hindi para sakanya, kundi para sa babaeng mahal niya. Kay Clarina. Kalmado lang ang muka ni Clarina na tila ba hindi ito takot sa kung ano mang mangyari sa kanya.

" Kumalma ka Jerico... Tinatakot ka lang niyan." Tinitigan naman ng masama ni Jerico si Clarina na tila ba hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi ni Clarina.

" Nahihibang ka na ba?! Nakita mo ba ginawa niya sa isa kanina? Na katulad mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jerico. Clarina just rolled her eyes.

" Ang OA mo. " Sabi nito at umirap ulit. Napailing-iling lang si Deon kay Clarina.

" She's not just like any other spirits out there. She's a high average spirit because of how long she's been here. Isa pa, hindi basta-basta ang sumunog ng high average spirit na katulad niya. And one more thing, I'm here to help them." Napakunot noo naman si Jerico sa sinabi ni Deon at napatingin kay Clarina upang malinawan.

" He's the grim reaper that I'm talking about." Napakurap naman ng mata si Jerico.

" Hayyy! Sumasakit katawan ko sa inyo!" Pagkatapos sabihin ni Deon ang mga katagang iyon ay nag inat-inat pa ito.

" Oh? May katawan ka pala? Aling katawan ba? Katawang lupa?" Tanong ni Clarina. Sinamaan naman siya ng tingin ni Deon.

" Lam mo? Panira ka rin eh. Nga pala, pinapunta ko dito si Clarisa. May pag-uusapan tayo. Hindi ko alam pero hindi lang dapat tayo mag focus sa kung bakit at kung sino ang pumatay kay Clarisa. Merong hindi tugma sa mga nangyayari na ayaw sabihin ng mga upper up's. " Napamunot noo naman si Clarina.

" And what is it?" Tanong ni Clarina. Nag-isip muna si Deon bago mag salita.

" Bakit nagkagulo sa list ng mga mamatay at mananatiling buhay? At kung andun ka at napagpalit pangalan niyo bakit pati ikaw namatay? Hindi ba dapat buhay ka?" Tanong ni Deon. Napaisip si Clarina sa tanong ni Deon. Hindi rin naiwasan na magtaka si Jerico.

" So you're saying na buhay dapat si Clarina because of that list or what so ever but she ended up dying like what happend to Clarisa? Clarina told me na si Clarisa dapat ang nasa list na yun but nakaroon ng problema before maibigay sa inyo ang list? So bakit ganun? What happened?" Tanong ni Jerico.

" Exactly! Yun din ang gusto kong malaman. Like it doesn't make sense na parehas silang mamatay. God knows kung sino sila. I know na hindi nita pababayaan na mangyari 'to kung wala siyang ipinapahiwatig. " Napaisip silang lahat. Sa kalagitnaan ng pag-iisip at katahimikan ay biglang may nagsalita.

" Maybe God wants us to see it for ourselves." Napatingin sila sa bagong dumating sa lugar. Nakita nila ang seryosong mukha ni Clarisa.

" How's everyone?" Tanong ni Clarina. Napabuntong hininga naman si Clarisa.

" Nothing change. Mas umiinit ang tansyon sa pagitan ni Nathan at Ethan. Nathalie on the other hand, Inis na inis talaga sakin at nagtataka na siya kung bakit minsan wala siyang maalala. I told her na napaparanoid lang siya. " Nakita ni Jerico ang ngisi sa labi ni Clarina na pinagtaka niya. Maya-maya na realize niya na meroong nalalaman si Clarina kung bakit nagkakagnon si Nathalie.

" Did you--"

" Yes I did." Bago pa man matapos ni Jerico ang sasabihin ay sinagot na agad ni Clarina ang tanong niya. Mag sasalita na sana si Clarisa ng biglang...

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon