CHAPTER 16

54 2 0
                                    

Play the video in multimedia while reading.
-----
VESCOUT LANDRO DELA VEGA
     Naupo kami sa garden ni Alice at nagusap. " Ang akala ko talaga hindi ka na babalik dito. Lalo na yung nangyari kay Clarisa. " Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. " Kailangan kong bumalik. Nga pala, kamusta ang trabaho mo? Pagiging PA ni Clarina? " Tanong ko sa kanya. " Nung una, hindi ako makapaniwala na siya si Clarina. Tama nga sila. Kamukhang-kamuka ni Clarisa si Clarina. Tapos mas nabigla pa ako sa katotohanan patungkol sa kanila. Pero ayos naman ang trabaho ko. Hindi naman mahirap kasi napaka indipendent niyang tao. Kaya tumutulong nalang ako sa ibang maid dahil wala akong ginagawa minsan. " Napangiti ulit ako. Totoo nga namang napakaindipendent niya tao. " Pero... " Naagaw naman ng pansin ko ang pang pero niya kaya kumunot ang noo ko. " Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. Bigla akong kinabahan. " Si Clarina..... May kakaibang nangyari nung The Day Of the Mother Queen na pati si Clarina naapektohan. Pinagusapan siya ng lahat at umabot pa sa puntong may mga nagsasabi na isa siyang banta sa San Felipe. " Mas lalong nangunot ang noo ko. Ang gulo! Hindi ko maintindihan. " What? Bakit naman? " Nakita ko ang pagtingin niya sakin na nag-aalala. Kinuha niya ang cellphone niya at may ipinakitang video na mas lalong ikinawindang ko.

"hindi ko alam na pinag darasal niyo pala ang aking kaluluwa.... nakakatuwa naman... nakalimutan niyo ba ang sinabi ko... babalik ako...BABALIKAN KO KAYO!!"

*Blag!*

"Stop the act now Clarina. Tinatakot mo na ang mga tao dito!"

"Hindi ka dapat nandirito! Isa kang sumapa!"

"Ganyan ba ang kapalit ng mga magandang nagawa ko sa inyo noon?"

"Bakit ka pa nasa mundo ng nabubuhay Clarisa? Ano ang gusto mong gawin para matahimik na ang iyong kaluluwa?"

"Anong gusto ko?"

" MAG BAYAD ANG MGA TAONG NAGING DAHILAN NG PAG HIHIRAP AT PAGKAMATAY KO!"

"Hindi ba dapat hindi ka nakakapasok sa lugar na toh?"

"Hindi na mahalag yun tita."

"Sino ba ang pumatay sayo Clarisa?Nakita mo ba ang mukaha niya?"

"Bakit ko sasabihin. Gusto ko muna siyang pahirapan NG MARANASAN NIYA KUNG PAANO MABUHAY SA IMPYERNO!"

" hindi ka na sana bumakik Clarisa!hindi lang maganda ang naidudulot mo dito."

"Kung meron mang walang magandang naidudulot IKAW yun."

"anong sabi mo?!"

"Ng dahil sa inyo may isa pang taong namatay! May isa pa kayong taong hindi binigyan ng pag kakataon na mabuhay! Sana  kayo nalang namatay! Wala na sana ang mga taong mag hihirap kung wala kayo! May isang nasakripisiyo ng dahil sa inyo! Andito pa dapat siya kung hindi dahil sa inyo! KASALANAN NINYO TONG LAHAT!! MAG BABAYAD KAYO!NAG SISIMULA PALANG AKO."

" At ikaw Ethan! Ginawa mo akong mangmang dahil sa panloloko mo sakin!Ang sakit  ng mga Ginawa mo!Sinayang mo ang pag mamahal na binigay ko sayo!Namatay ang anak natin ng dahil sayo!!"

   Parang huminto ang mundo ko ng marinig ko ang mga katagang iyon. May anak si Clarisa? Na kasama niyang namatay? Napahigpit ang hawak ko sa cellphone, hinawakan naman ni Alice ang balikat ko.

"A-anak??"

"Kasama kong namatay ang anak natin.. Ethan.."

"May buhay na siya nun Ethan...Yung anak natin.. wala na... Buti sana kung ako nalang yung namatay!pero yung... anak ko..anak natin.. Hindi man lang siya nabigya ng pagkakataon na mabuhay!!Pinatay mo ako!pinatay mo kami ng anak mo!pinatay mo kami sa panloloko mo!siya sana ang surpresa ko sayo nung gabing yun... pero..ako..ako at anak natin ang nasurpresa sa nakita ko!!taksil ka! Ng dahil sayo wala na ang anak natin!namatay siya ng dahil sayo!"

CLARINAWhere stories live. Discover now