CHAPTER 26

27 1 0
                                    

Deon/Zake Ford in multimedia
-------
CLARINA DELA VEGA ( CLARISA )

" Kyahhhh!! Summer na! Ah! Salamat naman!" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Jina. Yeah, summer na nga pero para sakin hindi pa kasi kailangan ko pa din malaman kung sino ang pumatay sakin. Iniisip pa din namin ang next move namin.

" Clarina, saan ka ngayon summer vacation? Kasama mo ba sila Nathan?" Isa pa yan. Yang si Nathan. Dati naiirita ako sa presensya niya, ngayon...

" Mas nakakairita. " Hindi ko napansin nasabi ko kung ano ang nasa isip ko.

" Huh? Si Nathan? Nakakairita? May bago pa ba dun? Eh halos guluhin ka nga ng lalaking yun tuwing wala si Nathalie." Yeah. Yan yung dahilan kung bakit mas nakakairita si Nathan ngayon. Feeling close siya sakin.

" Pero alam mo, ngayon ko lang nakikita si Nathan na tumatawa pagkasama ka. He never Laugh like that simula noong una namin siyang makilala. " Kung meron mang pagbabago kay Nathan, yun ay naging clingy siya whenever Nathalie isn't around.

" By the way, hindi na nagpaparamdam si Clarisa. That means... She's no longer here, right?" Nagtataka din ako kung bakit pinatigil muna nila ako pansamantala. Tingin ko may pinaplano sila na hindi ko alam.

" It doesn't mean na hindi na siya nagpaparamdam, wala na talaga siya. What if naghahanda lang siya to strike again. Who knows? Gagamitin nanaman niya ako." Well, ako naman talaga si Clarisa.

" Wala ka na bang magagawa to prevent her from using your body?" Tanong niya sakin. To be frank, andito na ako sa katawan niya. At yung kalukuwa niya yung pagala-gala. After niyang itanong yun ay dumating na ang order namin na chocolate cake at Iced coffee. Nasa Isang coffee shop kami malapit sa Buen Restaurante Aroma. Pag kalapag ng iced coffee ay may napansin ako na parang card sa ilalim ng patungan ng bason kaya kinuha ko yun. Kumunot naman ang noo ko ng makita ko na isa itong Joker card. Hindi kaya galing 'to kay Deon or kay Clarina? Pero para saan? Mukhang may pinaplano nga sila na hindi ko alam.

" Ano yan? " Tanong ni Jina. Sasagot na sana ako ng may sumagot sa tanong niya.

" Joker, malamang." Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko si Deon na nakatayo. Pinalo naman siya ni Jina dahil sa gulat nito.

" Grabe ka naman maka hampas."

" Eh bakit kasi nanggugulat ka?!" Naiiritang sabi ni Jina. Tumabi naman si Deon sa tabi ni Jina na mas lalong kinakunot ng noo ni Jina. Expected na namin na darating si Deon dahil inaya siya ni Jina. Napangiti nalang ako. He can't say No to Jina. I wonder why. Dibale pang apatan ang upuan na kinuha namin. Wala namang masyadong tao ngayon dahil ang iba ay nagpunta sa iba't ibang lugar dahil summer vacation.

" Why'd you taking so long? " Tanong ko sa kanya. Umorder muna siya bago nito sinagot ang tanong ko.

" May inasikaso lang." I know what that means. It's either my case or ginagawa niya yung usual job niya as grim reaper.

" May plano ka na ba for summer vacation?" Gusto kong tumawa pero siyempre understandable naman ang tanong niya dahil hindi niya alam na hindi tao si Deon.

" Hindi ko alam. " Napailing naman ako sa sagot niya.

" Wala?! Edi sumama ka nalang samin ni Clarina." Napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

" Saan?" Tanong ko.....

" TADAAAAAA!!! WELCOME SA BEACH RESORT NA PAGMAMAARI NAMIN!" If only I had known that this would be the outcome...

CLARINAWhere stories live. Discover now