"Talaga! I didn't even know you're here. Kahit sila Mang Jerry walang nabanggit sa akin."

"I arrived yesterday. At sinabihan ko silang lahat na huwag kang sabihan."

"And why?"

"Nothing. I mean, I think my arrival won't be important to you."

Napabuntong hininga si Thiago. "You won't be here, unless you have business to take care of."

Muling ngumiti si Rafael sa kapatid. "You're as sharp as ever. But what surprised me more is that all of the instruments here are all in good condition. All of them are even in tune."

"Huwag mong ibahin ang usapan, kuya," saway ni Thiago sa kuya niya. "Why are you here? What's wrong?"

"Are you sure you want to hear it right away?" tanong ni Rafael. "I mean, I don't want to ruin your mood. Nakasubaybay ako sa'yo kahit nasa Amerika ako. And I'm happy dahil ang laki ng improvement mo. Is it because of your girlfriend? Do you mind to intro..."

"Kuya!" Tinitigan ng maigi ni Thiago ang kapatid. Kilala niya ito, at sa paligoy-ligoy nito ay siguradong seryoso ang dahilan ng pag-uwi nito.

Napabuntong hininga si Rafael sabay himas sa kanyang batok. "Alright. Relax. Magpalit ka muna ng damit at ibaba mo 'yang dala mo sa kwarto mo. Tapos pumunta ka sa study room, doon tayo mag-usap."

Dali-daling lumabas si Thiago ng music room. Ibinaba lang niya ang bag na dala at pagkatapos ay nagmadali na siyang pumunta sa study room. Nakasalubong pa niya doon ang isa sa mga kasambahay nila, dahil inutusan ito ng kuya na magdala ng maiinom.

"Now. What is it?" tanong ni Thiago. Kunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay niya.

"Sit down first," sagot ng kuya ni Thiago sabay labas ng tablet mula sa bag nito na nakalapag sa upuang katabi ni Thiago. At pagkatapos pumindot doon ay iniaabot niya iyon kay Thiago.

"No, this is not true," nanlalaki ang mga mata ni Thiago habang patuloy na binabasa ang ipinakita sa kanya ng kanyang kuya. "Uncle Vince won't do this."

"I actually did not believe it at first, but my sources told me it's true. Look, there are even pictures showing bruises on Rosen's face and body."

"Curse him! How could she do that to Rosen?!" sabi ni Thiago sipa sa maliit na lamesang nasa harapan niya. "Hindi na siya nahiya at idinamay pa niya ang recording company!"

"Hindi rin talaga ako makapaniwala na magagawa niyang i-harass ang number one star ng Villaruz International Recording Company. Not only mentally, but also physically. I don't know what he did physically with Rosen, but I hope it was not what I'm thinking. Hindi lang 'yan. Ilalabas din daw ni Rosen ang isyu about sa tax evasion, maltreatment at iba pang violations ng company."

"This will be the end of the recording company, once those things come out to the public," komento ni Thiago. "So what do we do now?"

"Ayaw na sana kitang idamay dito, Thiago. So, just let me handle this," seryosong sabi ni Rafael sabay kuha ng tablet sa kapatid. "Mag-focus ka na lang sa studies mo. The finals are coming."

"No, kuya," madiin na sagot ni Thiago. "Rosen was my closest friend. Hindi ako mapapakali kung wala akong gagawin tungkol sa nangyari sa kanya. I want to know what Uncle Vince did to her!"

"Closest friend, huh? Kahit na ipinagtabuyan mo rin siya noon," sabi ng kuya ni Thiago. "Anyway, at least I see you growing up now. Sige. Actually, she made a proposal to meet me tonight. Gusto niya muna akong makausap bago siya magpa-presscon. Kung okay lang sa'yo, let's just meet her here."

"No, problem. Hindi naman natin siya pwedeng i-meet sa kung saan na lang," pagsang ayon naman ni Thiago.

Pagkatapos magkasundo ay kaagad na tinawagan ni Rafael ang kampo ni Rosen. Si Rosen ang isa sa pinakasikat na singer ngayon, hindi lang sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa sa Asya. Halos sabay silang lumaki ni Thiago at malapit ang mga magulang nila.

Pero natapos ang pagkakaibigan nila nang maganap ang trahedyang bumago sa buhay ni Thiago.

Habang naghihintay sa magiging sagot ni Rosen ay binuksan ni Thiago ang TV sa study room. At eksakto na balita ang palabas nang bumukas iyon.

Sa iba pang report! Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa mga kasong isinampa laban sa Villaruz International Recording Company. Matatandaan na noong kamakailan lang ay nakalusot ito sa kaso ng Tax Evasion, ngunit nitong nakaraang mga araw lamang ay muling lumutang ang isang dokumento kung saan ipinapakita ang pandarayang ginagawa ng kompanya upang mabawasan ang buwis na kanilang kailangang bayaran. Dumaragsa rin ang mga empleyado ng kompanya na nagsasampa na rin ng kani-kanilang mga reklamo.

"What the hell is he doing?!" sabi ni Thiago habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. "Bakit bigla na lang lumabas ito? Do you know anything about this, kuya?

"He knows how to hide things, but he doesn't know how to handle problems. Uncle Vince is such a scum," inis na tugon naman ni Rafael. "Thiago, I know you know this already. But the company... our recording company is now in jeopardy."

"No, kuya. I won't let that happen. If the company mom and dad founded with their sacrifices will go down, I'll make sure Uncle Vince will go down with it. At hindi lang siya babagsak. Ibabaon ko siya hanggang sa hindi na siya makakabangong muli."

Matapang ang pagkakasabing iyon ni Thiago. Pero sa loob-loob niya ay nanghihina na siya. At nagsisimula na naman siyang sisihin ang sarili niya sa mga nangyayari. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now