Sumandal ako sa upuan at pinilit na alisin sa isip ko ang nangyari. Tomorrow's another day. Hahanap nalang ulit ako ng work.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip nang biglang tumunog ang phone ko. Ewan ko ba pero kinabahan ako. OMG. Baka si Sir Arthur na naman 'to at kukulitin na naman ako?

Natataranta tuloy akong tumayo at pumasok sa loob ng kwarto, pero dahan-dahan lang kasi tulog na si Emma. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang pangalan ni Sitti sa screen. Buti nalang!

I swiped the screen and placed it on my ear at bumalik na sa veranda. "Hello, Sitti?"

"Scarlett, how are you doing there?"

I rolled my eyes upwards. If only knew what I'm going through right now, Sitti. "Hindi ako okay."

"Bakit? Magkwento ka."

I breathed in and out as I sat on the chair at the veranda. "Meron lang namang akong natanggap na indecent proposal."

"Oh, keep safe, Scarlett. Maraming masasamang loob dyan sa Maynila."

I know. Marami pang weird people. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala lang. I just called to know what you're up to lately. Emma told me kasi na may work ka na. Ayos lang ba?"

I snorted remembering what happened this morning. "Hindi ko na ikukwento ang buong pangyayari. Basta ang end game, nagresign na ako."

"How come?"

"Because my boss is a total a-hole, Sitti." Bumuga ako sa hangin sa sobrang inis. "Look, I don't wanna talk about it, okay? Kumukulo lang ang dugo ko."

I heard her on the other line. Medyo tahimik sa linya so I presume nasa loob na siya ng kwarto niya. "Okay. Tumawag din pala ako to offer you something."

"Ano 'yon?"

"I heard from Emma kasi na may work ka na. Dapat iooffer ko 'to sayo last time nung wala ka pang work eh. Easy job lang kasi 'to. Sayang din."

My brows formed a straight line. Sumeryoso kasi yung tono ng boses ni Sitti. "What is it?"

"You know, our classmate Juvy? Nagwowork siya ngayon sa Singapore. She asked me last time kung may kilala akong gustong magwork dun. Then, I remembered you. Gusto mo ba? All expenses on me. At least dun secured ang salary."

Natahimik ako saglit. Whoa. Mas mabuti nga siguro kung mag-abroad nalang ako kaso parang hindi ko yata kaya. masyado nang malayo yung paglalayas ko.

"Sitti, I think-"

"Pero sa sayo naman kung gusto mo. Pag ako ang tatanungin, I'll grab this chance. May trabaho na agad kasing naghihintay dun at secured na and food at shelter. Reasonable din ang salary."

Napangiwi ako. I am torn of saying yes or no. Sayang e. "Err. Ano bang work?"

"Sa office daw. Encoding lang."

My line of work! "Eh how about my documents? Yung passport ko? Paano ako makaalis ng bansa... if ever?"

"Ako ang bahala sa'yo. So, ano?"

Siguro nga mas mabuti kung lumabas nalang ako ng bansa. Just for a while...

"Okay. Kailan ba 'yan?"



SABI ni Sitti, it will take one to two weeks bago maayos ang papeles ko papuntang Singapore and it's been a week na rin nang sabihin niya yun sa akin. Almost everyday niya akong tinatawagan para maiupdate ako sa usad ng papeles ko. Nagtataka nga ako kung ba't nagagawa yun ni Sitti. As in, ang lakas ng loob niyang tulungan ako. Paano kung mabuko siya ng pamilya ko?

But then again, she assured me na pinapautos niya raw sa ibang tao yung medyo alanganing gawin. As much as possible, she does the move herself kapag kaya niya at safe namang gawin. I love my bestfriend na talaga.

Sa ngayon, dahil dakilang tambay ako sa bahay, kasalukuyan akong naglilinis ng bedroom namin ni Emma. Nakakahiya naman na busy siya sa pagluluto sa kusina samantalang ako ay nakahiga lang. Thank heavens, marunong na rin ako ng gawaing bahay. Pabigat no more na ako.

Habang nagwawalis ako, napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang malalakas na yabag ng paa ni Emma dun sa hagdanan. Sasalubungin ko sana siya kaso naabutan ko siyang na sa pinto na ng kwarto namin.

"Emma-"

At mukha siyang natataranta. Pinagsasara niya kasi yung mga bintana pati na rin yung curtains sa veranda. "Emma, what are you doing?!"

Namumutla siya. Nagtaka ako nang hawakan niya ang kamay ko at parang hindi mapakali kung saan ako dadalhin. Hanggang sa huminto kami sa harap ng closet at binuksan niya iyon. Nagulat ako nang sapilitan niya akong pinapasok dun like WTF?

"Emma, ano ba-!!"

"Magtago ka muna dyan!"

"WHAT?!" Tinulak ko siya tapos hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Calm down, Emma. Ano bang nangyayari?"

At bumagsak na ang pawis sa noo niya. She looks very tensed. Habol-habol pa niya ang hininga niya. Ano bang problema?

"L-lumabas ako saglit para bumili ng toyo."

"Tapos?"

"... Na-overheard ko na ipinagtatanong ka nung pulis!" Nanlaki ang mga mata ko. PULIS? OMG. Hinahanap na ba ako ng parents ko? Matutuntong na nila ako!

Pati tuloy ako ay nataranta. "Saan ako magtatago!? Nilock mo ba yung gate?"

As if on cue, may nag-doorbell mula sa labas. Nagkatinginan tuloy kami ni Emma. "Sh1t! Emma, anong gagawin ko?!"

"Ewan ko! Magtago tayo! Dito ka sa ilalim ng kama-"

"Gaga! Ako ang hinahanap. Hindi ikaw. Lumabas ka dun. Sabihin mo wala kang alam," sabay tulak ko sa kanya.

Hesitant, iniwan ako ni Emma sa kwarto at bumaba na para pagbuksan yung kumakatok. Hindi naman pwedeng hayaan niya lang na kumatok yun dun dahil maghihinala ang mga pulis.

"Geez, katapusan ko na ba 'to?"



At halos malaglag ang puso ko sa gulat nang marinig ko ang malakas na kalabog sa ibaba. Walang sabi-sabi tuloy akong napatalon sa kama at nagtaklob ng kumot sa katawan. Dumbest move I have ever done in my whole life dahil kasabay nun ay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin!






-

Yhel's note: Sorry, minadali ko lang ang paggawa nito. #Mhine Couple on TV5. 3rd day na!

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon