“Stick tayo sa plan guys.” Sabi ko n alang. Wala namang mangyayareng masama diba?

Pero napaka-imposible kase talagang walang dalin n atao si Levi e. Imposible yun. Pero bahala na. Kakayanin naming tong lahat. Diba babies? You’ll help mommy right?

Humawak muna ko ulit sa tiyan ko. Feeling ko kae ditto ko makakakuha ng lakas ng loob na kakailanganin ko.

Naglakad na ko papasok sa loob habang sila napansin kong naghiwa-hiwalay nila. Malamang sa malang iikutin nilaitong buong lugar para makasigurado sa safety namin.

“Nandito na ko.” Sabi ko ng makapasok ako sa loob ng building.

Pinakiramdaman ko yung buong paligid. Mukhang wala namang kakaiba sa paligid. Wala naman akong napansing mga tao na pwedeng nagtatago lang sa paligid. O kaya naman ay mga taong maaring nagmamasid sakin.

“NINONG nandito na ko.” Pinagdiinan ko yung ninong na word dahil gusto kong iparamdam sa kanya na okay na ko. Natanggap ko na kahit sa loob ko gusto kong sumuka.

“Buti naman nakarating ka na.” Bigla siyang lumabas mula sa isang kwarto dito sa loob. “Dito na lang tayo mag-usap.” Tsaka siya pumasok sa loob.

Kinapa ko muna yung baril at iba ko pang weapon sa bulsa ko. Mahirap ng sumugod ng walang laban no. Kailangan laging handa. Huminga muna ko ng malalim bago ko sumunod sa kanya.

Naabutan ko siyang nakaupo sa may parang mini office table dito. “Have a seat.” Ngumiti pa siya sakin. Pakshet. Parang gusto ko na agad siyang tutukan ng baril. Fvck!

Huminga na lang ulit ako ng malalim. Hoooh! Pigilan mo Keisha.

“Buti naman pumayag ka sa meeting na to.” Umpisa ko sa kanya.

“Of course my dear.” Ngumiti pa siya. Ugh! Sarap burahin sa lupa e. Lechers. “Your offer was great. So what made you decide to give me a deal like that?”

“Ayoko na ng gulo. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Maipapangako mo ba yun?” I asked him while looking directly in his eyes.

“Makakaasa ka. Ibig bang sabihin nito malilipat na sakin ang pagiging Mafia Boss? Pati lahat ng kayamanan ni Dawson? Akalain mo yun mapupunta lang pala sakin lahat ng pinaghirapan niya. Good choice inaanak.” Good choice? Umasa ka. "So where are the contracts?” Atat much?

Pero siyempre nagpigil lang ako. Inilabas ko na lang yung mga contracts na kailangan niyang pirmahan.

“Here. Bilisan mo na ng makalayas na.” Binasa naman niya yung mga contracts bago pumirma.

Asus. Makabasa naman to akala mo dadayain siya.

“Done.” Ngumisi pa siya sakin kapal ng face! Huhu.”Thanks for a nice deal.” Kinamayan pa niya ko na naging pagkakataon ko naman para madikit sa kanya yung time bomb.

“I need to leave now.” Sabi ko tsaka tumayo na.

Palabas na sana ko ng makarinig ako ng mga pagsabog. Hindi dito sa loob kundi sa labas. Sabi ko na e! May plano to.

Humarap ako agad kay Levi at nakita kong may hawak-hawak siyang maliit na bagay.

Sh*t! Yung time bomb na nilagay ko nasa kanya.

“Mautak ka talaga Keisha.. pero mas mautak ako.” Tsaka niya ko nginisihan ng nakakaloko.

Kumuha siya ng baril pero mas mabilis ako. Pinaputukan ko yung  kamay niyang may hawak na baril kaya tumilapon ito..

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Where stories live. Discover now