Chapter 9: Tease Me

26.6K 447 46
                                    


"I HAD a good time, Ramius," nakangiting sabi ni Savannah kay Ramius nang ihatid niya ito sa mansion ng mga De Villa. Ayaw na sana siyang papasukin ng babae sa loob ng gate ngunit nagpumilit siya. Mahaba ang driveway na daraanan papunta sa mismong bahay. Ayaw niyang mapagod sa paglakad si Savannah.

Hapon na nang magpasya silang umuwi nito. Hindi na sila tumuloy sa dinner dahil kapwa pa sila busog sa mga kinain nila sa loob ng sinehan. Masaya silang magkasama buong araw at ayaw niyang sirain iyon kaya nagpasya siyang hindi sabihin dito ang halikang nangyari sa pagitan nila ni Scarlett.

Lalabas sana siya ng kotse upang ipagbukas ng car door si Savannah ngunit pinigilan naman siya nito. "I'm a big girl, I can open this door myself," nakangiting sabi nito sabay hawak sa kanyang braso. Natuwa siya nang ilapit nito ang mukha sa kanya upang halikan siya sa bibig.

Sa gitna ng pagtugon niya sa halik ng katipan ay hindi niya napigilang maalala ang mga labi ni Scarlett na natikman niya kaninang umaga lamang. And how she kissed him... It was like a rollercoaster ride. Fast, turbulent, nauseating; yet rapturous and exciting. That is, if he was not afraid of heights and speed. And he was not. Kaya nagustuhan niya kanina ang halikan nila ni Scarlett na sa una'y inakala niyang si Savannah ang kahalikan niya. It didn't take Scarlett that long to fool him. Alam na alam niya ang kaibahan ng halik nito kay Savannah kaya kumalas siya mula sa magkasanib nilang mga bibig. Kusang sumama pa ang loob niya't kinailangan niyang putulin ang masarap at nakakaliyong halik na iyon; at kinamumuhian niya ang sarili dahil sa pakiramdam na iyon. Nagustuhan niya ang maalab at mapusok na halik na iyon at patawarin siya ng Diyos ngunit ang halik na iyon ang naiisip niya ngayong kaugnay ng kanyang bibig ang mga labi ni Savannah. In fact, that kiss had occupied his mind all day.

Ramius thought he would get used to Savannah's tender, light kisses that always brought him serenity and bliss. But no, there was a part of him- his dark fucking side- that was secretly craving Scarlett's wild kisses. Ngunit kaya niya sigurong ipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Mahilig siya sa extreme sports, sa adventure, sa panganib. Kaya natural lamang siguro na may atraksiyon siya kay Scarlett De Villa. That woman had danger written all over her. At dahil din doon kaya dapat na niyang tuldukan ang atraksiyon niyang iyon. He couldn't be with danger all the time. Hindi siya ganoon katanga. He knew his boundaries, he knew right when to stop if he thought things were going out of hand. Hindi siya ang klase ng daredevil na aakyatin ang outer walls ng Burj Khalifa na walang gamit na safety measures. He value his life and his love ones. And needless to say, if he had to settle down, it would be with a woman who would feel like home- the comfort of soft bed, the smell of vanilla candles. Safe. Steady. And definitely, that woman would be Savannah and no one else.

"Bye. Ingat sa pagda-drive," paalam na ni Savannah kay Ramius at lumabas na ng kotse. Nakangiti siyang pinanood itong pumasok sa front door ng mansion. Naiwan sa kanyang kotse ang mabining amoy ng pabango nito. It smelled fresh, sweet and relaxing. Nakakaaya sa pang-amoy at nagdadala ng payapang pakiramdam.

Muli na niya sanang papaandarin ang sasakyan nang may matanaw siyang babaeng naglalakad hawak-hawak ang isang retractble leash ng isang golden pomeranian, galing yata sa likod ng bahay. Kung hindi siya nagkakamali, ang asong iyon ay si Thor, bagong-biling alaga ni Faith at paborito naman ni Savannah.

What the f*ck?! gulat na bulalas ni Ramius sa loob-loob nang makilalang si Scarlett ang babaeng kasama ng aso. She was wearing a pair of tiny denim shorts and yellow body-hugging shirt, mukhang bagong paligo dahil basa pa ang buhok. Naka-flip-flops ito ng puti habang naglalakad na parang walang anumang pinsala sa paa gawa ng aksidente nito kaninang umaga sa bisekleta!

Tumigil ito sa tabi ng isang halaman at umihi naman doon ang aso. Pagkatapos ay tumakbo iyon at hinila si Scarlett na napatakbo naman. Normal din ang pagtakbo nito! Nagoyo na naman ba siya ng babaeng ito kanina para maisakay niya sa kanyang kotse? Nasira tuloy ang balak niyang si Savannah ang magiging unang pasahero niya sa kanyang Corvette Stingray.

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon