Chapter 1: Kiss Me (SPG)

26.2K 573 26
                                    



MUNTIK nang matapilok si Scarlett sa kanyang paglalakad palabas ng The Hive, isang pamosong club sa Makati. Nagsisisi siya ngayon kung bakit tumiwalag siya sa mga kaibigan na nagkasundong magpunta sa ibang club. She just hated it when she couldn't get her way so she decided to stick to her plan and went alone.

Mag-isa siyang umiinom sa bar ng club nang may isang lalaking tumabi sa kanya kanina. Normal nang nangyayari iyon sa kanya sa tuwing magka-clubbing siya. She was gorgeous with her hair in beachy waves and intense night make-up. And her strapless black mini-dress tonight was making her look hot. Uh-huh. Hot and f*ckable.

Actually, kahit simpleng damit lang naman ang isuot niya ay lulutang pa rin ang kanyang ganda't alindog. Her ancestors were Chinese and Spanish. Marami ang nagsasabing kakaiba ang kanyang ganda, nakakabighani.

This man's name was... What the hell was his name? Hans? Hal? Shit, ganoon na ba siya kalasing para hindi maalala ang pangalan ng lalaking nakabuntot sa kanya ngayon?

He was pestering her and she decided to stay away from him. Kanina pa ito nangungulit na magsayaw sila kahit umayaw na siya. Kahit nang tarayan niya ito ay walang epekto. Ipinaglihi yata sa kakulitan ang lalaking ito. Not that he was ugly or got a bad breath. In fact, guwapo ang lalaki at mabango ito. Kaso ay wala siya sa mood makipagsayawan dahil naiinis pa rin sa mga kaibigan na hindi niya napasunod sa gusto. Dahil rin yata sa inis niyang iyon kaya naparami ang inom niya nang hindi niya namalayan. That, or this motherfucker spiked her drinks without her knowledge. Kung ganoon ay mas lalo siyang dapat makalayo sa lalaking ito ngayon. Ayaw niyang ma-rape!

"Leave me the f*ck alone, Hal!" angil niya sa lalaki nang sumunod pa rin ito sa kanya hanggang sa parking space ng club.

"It's Huck."

"Whatever."

"You can't drive. Ihahatid na kita," offer naman nito.

"I'll call a taxi," tanggi niya naman.

Nang humawak sa kanyang braso si Huck ay doon na niya dinapuan ng panic. Mahigpit ang hawak nito at tila ayaw siyang pakawalan. Nang may mamataan siyang isang lalaking pababa sa isang itim na SUV. Isang matangkad at matipunong lalaki na nang naglakad ay parang wala itong pakialam sa paligid.

"Hey!" tawag ni Scarlett dito. "Over here. Kanina pa kita hinihintay!" malakas na sabi niyang sadyang pinasaya ang tono ng boses. Padarag siyang kumawala mula sa pagkakahawak ni Huck. "Nandito na ang boyfriend ko," asik niya dito.

"Boyfriend? Yeah, right," tumatawang sabi naman nito.

Halos patakbo siyang lumapit sa tinawag na lalaki at nasalo naman siya ng matitipuno nitong bisig nang mawalan siya ng balanse at muntik nang mabuwal. Nabitiwan niya ang kanyang itim na Balenciaga evening purse at nawala na sa isip niyang pulutin iyon dahil na-distract ang paningin niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki.

Noon niya napansin, sa tulong ng liwanag mula sa street lamp sa kinaroroonan nilang parking lot na guwapo pala ito. Napakaguwapo. He looked like in his late twenties, his dark eyes guarded but charming. Malinis ang gupit nito at gusto niya iyon. Ayaw niya ng mga lalaking mahaba at magulo ang buhok. Matangos ang ilong nito, hindi karaniwang ilong ng mga Pinoy. Very masculine ang jawline, and his lips... Oh, look at those s*xy inviting lips!

"I'm in trouble, I need to get rid of that guy over there. Play along," utos niya sa lalaki at kumawit sa leeg nito. "Kiss me."

"W-what?" gulat namang palatak nito.

"Halikan mo ako. Marunong ka ba nu'n?" inis na sabi niya dito saka iniawang ang bibig at inilapit ang mukha sa mukha nito. "Hindi ka naman siguro bakla?" hamon pa niya dito.

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon