Chapter 7: Choose Me

17.5K 430 31
                                    

"YOU know what, now I know kung bakit mo dini-defend si Lianne! Dahil magkauri pala kayong dalawa! Now it makes perfect sense!" nanggagalaiting sigaw kay Scarlett ng kaibigan niyang si June.

     Nag-umpisa ang away nila nito kanina sa loob ng The Hive nang wala pa rin itong tigil sa pagkukuwento ng tungkol sa bitterness nito sa pag-iwan dito ng ex-boyfriend nitong si Rick. Palagi na lang na ganoon ang drama nito sa nakaraang tatlong buwan. Paulit-ulit na kuwento, paulit-ulit na rant. Daig pa niya ang nagkaka-last song syndrome sa tuwing nagkakahiwalay sila nito dahil pare-parehong salita ang anririnig niya mula kay June. Kaya nainis na siya kanina at pinatigil na ito sa kasasalita. Kaso ay siya naman ang pinagbuntunan ni June ng galit.

     "What the fuck, June?!" palatak ni Scarlett. Nasa parking lot na sila nito at hihiwalay na sana siya sa tatlong kasama kung hindi na bumira pa si June.

     "That's right!" singhal sa kanya ni June. "Naaalala ko pa ang ginawa niyo ni Leandro noon!"

     "Anong ginawa namin ni Leandro? I didn't know he was married! Pati kayong mga kaibigan ko ay hindi rin alam iyon, don't tell me na nakalimutan mo na? Kasama ko kayo nang makilala ko siya!"

     "Oh, c'mon, Scarlett! Siguradong nalaman mo din ang totoo paglaon, bago pa kayo nabuking ni legal wife. Kilala ko na ang likaw ng bituka mo. Lahat ng bagay na gusto mo ay kukunin mo kahit ano pa man ang magiging kapalit. Kagaya mo lang din si Lianne! Mga mang-aagaw kayo!"

     "Bawiin mo ang sinabi mo kundi sasapakin kita," banta niya kay June.

     "Uy, ano ba kayo! Stop na, please," awat naman sa kanila ni Misty.

     "Oo nga, nakakahiya na kayo. Please lang, guys, let's just go home!" segunda naman dito ni Kaye.

     "Dapat sinusunog sa impiyerno ang mga tulad niyo ni Lianne. Mga puta kayo!"

     Nanlaki ang mga mata ni Scarlett sa narinig mula kay June. Noon din ay umigkas ang kanyang kanang kamao at sapol sa mata ang kaibigan.

     "You cunt!" ngawa ni June na hawak ang kaliwang matang tinamaan ng suntok. Bago pa ito naawat nina Kaye at Misty ay sumugod ito kay Scarlett. Hinablot nito ang buhok niya't nalaglag ang kanyang Valentino shoulder bag. "Filthy slut, whore! Home wrecker! Burn in hell!" sigaw nito habang sinasabunutan si Scarlett.

     Naramdaman ni Scarlett ang sakit sa kanyang anit, ayaw pakawalan ni June ang kanyang buhok kahit inaawat ito nina Misty at Kaye. At dahil nakayuko siya dahil sa nahihilang buhok niya ay hindi niya maabot ang buhok ng kaaway. Ang pang-itaas na damit nitong tube ang inabot niya at hinila iyon pababa. Lumuwa tuloy ang dibdib nitong may suot na bra na pagkakapal-kapal ng padding. Lalong nagsisigaw si June at humigpit ang hawak sa buhok ni Scarlett. Ang bra naman nito ang sunod niyang hinila at na-expose tuloy ang itinatago nitong sekreto. Sinasabi na nga ba niyang puro padding lang ang dibdib ng babaeng ito! My gosh, are those really breasts? Sobrang liit! 

     Noon na siya binitiwan ni June at dali-daling itinaas ang mga nahulas na kasuotan, tinulungan ito nina Misty at Kaye. Sinamantala niya naman iyon at muli itong sinapak. This time, sa panga niya ito pinatamaan. Noon na nag-iiyak si June.

     "Ano ba, Scarlett! Just quit already!" sigaw sa kanya ni Kaye. "Oh, my freaking God! Stop it!"

     Nang muli siyang inatake ni June ay nakahanda na siya. Ubod-lakas niyang itinulak ito para matumba. Sinakyan niya ito saka pinagsasampal ang mukha. Hindi siya nagpaawat kina Misty at Kaye. Hindi niya alam kung sino na 'yung nahampas at naitulak niya sa dalawa.

     "Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo, gaga!" gigil niyang sigaw kay June na walang tigil pa rin sa pagmumura sa kanya.

     "Enough, Scarlett. Stop hurting her!"

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon