Chapter 4: Deny Me

26.1K 520 50
                                    


"I CAN'T believe you made my little sister cry, Scarlett!" dumadagundong ang boses na panenermon ni Faith sa anak. "Do you know how sad she is right now na wala sa bansa ang Tito Carl mo? Tapos dinagdagan mo pa ang sama ng loob niya!"

"She's not really little, you know," sarkastikong sabi ni Scarlett na prenteng nakaupo sa sofa sa salas. "She's..." She chuckled. "Wide."

Tapos na ang party at join forces ang mag-asawang De Villa sa panenermon kay Scarlett. Pagkatapos ng away nila kanina ni Peach ay nag-walkout ito sa party na humahagulgol. Melodramatic exit ang bruha, nagpapaawa sa mga guests siguro. She was not sorry for her, not even a little bit. That fat bitch deserved that public shaming. Mula pagkabata niya ay wala na siyang narinig dito kundi negatibong bagay tungkol sa kanya. Ito rin ang nagkalat sa kanilang angkan at mga kaibigan tungkol sa maling impormasyon ng pakikipag-date niya kay Leandro. "Scarlett is a mistress, ay karelasyon siyang isang may-asawang lalaki!" Iyon noon ang pinagsabi ni Peach sa lahat ng mga taong kakilala nila. Kung hindi ba naman kasi ito dakilang kontrabida sa kanyang buhay.

Napuno na talaga siya kay Peach kanina. Kung dati ay kontrolado pa niya ang mga banat dito, kanina ay nag-all out war na siya. Buti nga hindi sila nauwi sa sabununtan at sampalan. Hindi niya naman ito uurungan, nakipagsabunutan na siya dati. Huwag lang siya nitong daganan at tiyak na matatalo siya sa labanan! Pisa tiyak ang kagandahan niya. She couldn't imagine the news headline pag nagkataon. ANAK NG MAY-ARI NG DE VILLA FOODS, DINAGANAN NG TIYA, NAPISA. PATAY! Eooow! So gross!

"At huwag mong sabihing siya ang nag-umpisa nito dahil ikaw ang nagtapon sa kanya ng alak. What is the matter with you?" sabi ni Faith sa anak. Nakasabunot ang mga daliri nito sa buhok na nawala na sa pagkakaayos.

"Mama, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko iyon sinasadya? I was walking in front of her and I tripped. Masyadong mataas ang takong ng sapatos ko!" Itinaas ni Scarlett ang isang paa. "Look, oh!"

Part-true, part-lie ang sinabi niyang iyon. Totoong natalisod siya ngunit sadya niyang itinapon kay Peach ang laman ng martini glass na hawak niya. Alam niya kasing tatawanan siya nito sa pagkatapilok at lalaitin na naman ang mga sapatos niya kaya inunahan na niya ito.

"Saan ba kami nagkamali sa pagpapalaki sa iyo? We gave you everything. Everything! Ano pa ang kailangan naming gawin para magbago ka ng ugali? Puro kunsumisyon na lamang ang ibinibigay mo sa amin ng Papa mo! Anong klase kang anak?" sabi pa ni Faith.

Ugh. She didn't have time for this bullshit. Palagi na lang ganito ang naririnig niya. Rinding-rindi na siya. Isa pa, okupado ng isip niya ang lalaking ipapakasal kay Savannah. Akalain ba niyang si Ramius pala iyon? John Ramius Nuevo pala ang full name nito. That lucky girl! Bakit si Savannah ang ipapakasal sa anak ng magiging business partner ng kanyang parents? Panganay siyang De Villa. Nauna siyang iniluwal ng kanyang Mama, five minutes, twenty seconds to be exact. Dapat ay siya ang ipakasal kay Ramius. Isa pa, may nangyari na sa pagitan nila ng lalaki. Well, not exactly "nangyari" dahil hindi naman kumpletong sex ang ginawa nila, pero kahit na! Gusto niya si Ramius. She wanted him to be hers.

Tuloy sa pagtatalak ang Mama ni Scarlett. "Nakakahiya sa mga bisita. And the Nuevos! Dios mio, ano na lang ang iisipin nila? Na may palengkera pala kaming anak ni Theo?"

Nag-swipe si Scarlett sa kanyang iPhone at may hinanap doon. Maya-maya'y pasimpleng itinaas ng kanyang kamay ang smartphone at inilapit sa nagsasalitang ina.

Ang kanyang Papa ang pumuna sa ginawa niya. "What the hell is that, Scarlett?"

"Look, can you just record everything that you want to tell me right now para next time na magalit kayo uli sa akin ay ipi-play ko na lang ang recorded voices niyo?" balewalang eksplanasyon niya sa ama. "Or do you want a video, instead? Para makuha pati actions at facial expressions niyo? With feelings ko panonoorin, promise."

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon