Thirteenth Day

3.4K 102 5
                                    

AKEESHA'S POV

Last day na namin ngayon sa Jeju Island babalik na kasi kami sa Seoul mamaya para mamili ng mga pasalubong sa Myeong-dong.

"Nakasimangot ka na naman." Kanina pa kasi siya nakasimangot at hindi pa siya masyadong nagsasalita.

"Tsk! I told you not to wear that." Kaya naman pala. Kanina pa kasi namin pinagtatalunan 'tong suot ko. Naka- black and white two piece swimsuit with see through cover up dress kasi ako ngayon. Ano bang mali sa suot ko? Nasa Jungmun Beach kasi kami ngayon. Alangan naman kasing mag-gown ako habang nasa beach. Hays. Siya nga naka-beach shorts lang eh. Walang pang-itaas na damit, so ayun kitang-kitang ang abs niya. Topless! Hindi man lang niya napapansin na halos lahat ng babaeng nadaanan namin napapanganga at napapatulala dahil sa kanya.

"Ikaw nga naka-beach shorts lang wala pang pang-itaas na damit." Bulong ko.

"What did you just say?" Bahala siya diyan, maghanap siya ng kausap niya. Kainis! Iniwan ko na lang siya dun. Nag-expect ako na susundan niya ako pero hindi niya ginawa. Napasimangot ako.

Umupo na lang ako sa may buhanginan nang mapagod na akong maglakad. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Tsk! Sino pa ba? Eh di si Nathan. Bahala siya diyan. Hindi ko siya papansinin.

"Hi Miss. Ang ganda mo naman." Nagsalita na siya pero hindi ko na siya inintindi. Akala mo hindi kami magkakilala eh. "Nasaan na yung asawa mo?" Ano bang pinagsasabi niya. Naiirita na talaga ako.

"Wala akong asawa." Sabi ko sa kanya na hindi siya nililingon. Nakakainis, ano bang trip niya? Nakakaasar, hindi na nakakatuwa.

"Ay akala ko asawa mo yung gwapong kasama mo kanina." Natatawa niyang sabi.

"Ano bang trip mo?" Hinarap ko siyang nakakunot ang noo ko.

"Relax ka lang Miss. Okay?" Pinagmasdan ko na lang yung dagat. Hindi ko na talaga siya papansinin pa. "Kung ano mang ginawa ng asawa mo. Alam ko namang gustong niyang mag-sorry sayo." Nakakainis! Ano ba talagang trip niya! Umarte pa talaga siyang hindi niya ako kilala.

"Tsk! Kung gusto niyang mag-sorry bakit wala siya dito?" Sinakyan ko na lang yung trip niya.

"He's just making sure na kapag pumunta siya dito hindi ka na masyadong galit sa kanya."

"Kilala mo ba siya?" Humarap ako sa kanya. "Kung oo, pakisabi sa kanya, hindi na ako galit." Ngumiti ako sa kanya.

"Sige sasabihin ko yun sa kanya." Kung kanina'y naiinis ako ngayon nama'y natatawa ako. "Aalis na ako. Baka pagselosan pa ako nun. Ang gwapo ko pa naman." Loko-loko talaga 'tong si Nathan.

"Okay. Bye." Tumayo na siya at naglakad paalis. Seryoso? Paninindigan niya talaga yung pag-arte niya kanina? Ilang hakbang palang ang nagagawa niya nang muli siyang humarap sa akin. Naglakad ulit siya pabalik sa puwesto ko habang nakangiti.

"Sino yung kausap mo kanina? Ang gwapo ah." Natatawa niyang sabi. Para siyang baliw.

"Mas gwapo ka."

"Alam ko." He laughed and looked straight into my eyes. "Sorry Kee..." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Sorry if I got jealous again."

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "It's okay, hindi naman kasi maiiwasan 'yon pero Nathan... we should enjoy this day, nasa 13th day na kaya tayo." Bigla siyang nalungkot. Bakit kaya? "Are you okay?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"14th day na bukas and remember what happened--" Kaya naman pala.

"Nathan... don't worry, it's different... Yung 14th day noon at 14th day bukas." I smiled at him.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon