Fifth Day

3.8K 111 6
                                    

AKEESHA'S POV

Nandito kami sa mall ni Nathan ngayon, mamimili kasi kami ng ipapasalubong sa mga bata sa bahay-ampunan na sinusuportahan ni Nathan. "Nathan, okay ka lang?" Kanina pa kasi siya tahimik. Marami-rami na rin kaming nabiling stuff toys kaya ang susunod na naming bibilhin ay mga damit at sapatos. "Nathan..." Mukhang hindi niya kasi narinig yung tanong ko.

"Ha?" Mukhang may iba siyang iniisip.

"Okay ka lang ba Nathan? Kanina ka pa kasi tahimik diyan eh." Ngumiti naman siya akin pero nararamdaman ko talagang hindi siya okay.

"Okay lang ako." Mahina niyang sagot.

"Parang hindi ka naman okay eh." Nag-pout pa ako.

"Ugh! Naiinis lang kasi ako." Eh? Bakit naman siya maiinis? "Hays. Halos lahat ng lalaking madadaanan natin hindi maalis yung tingin sayo. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko talaga maiwasang hindi magselos." Ginulo niya pa yung buhok niya, halatang naiinis nga siya sa sarili niya. He's really cute when he's jealous.

"Normal lang naman ang magselos kaya wala ka dapat na ipag-alala. Okay?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "At sayong-sayo lang ako." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Hindi siguro napapansin ni Nathan na kanina pa siya pinagtitinginan ng mga babae rito.

Pinagpatuloy na lamang namin ang pamimili. "Nathan ang cute nito oh." Pinakita ko yung color pink na doll shoes na pambata. "Sigurado akong bagay 'to doon sa mga batang babae sa bahay-ampunan."

"Oo naman, ikaw ang pumili eh." Ngumiti na lamang ako. Sana maging close rin ako sa mga bata sa bahay-ampunan, base kasi sa mga kwento ni Nathan, mukhang close na close na siya sa mga ito. Halos 5 years na kasi niya itong sinusuportahan. Hindi ko naman alam ang tungkol sa bagay na yun kasi ilang taon din kaming nagkahiwalay ni Nathan dahil sa nangyaring car accident.

Binayaran na namin ni Nathan ang lahat ng pinamili namin. Ang dami naming pinamili, magkakasya kaya 'to sa kotse ni Nathan.

"Ma'am, Sir tulungan na po namin kayo." Tinulungan naman kami ng dalawang staff ng department store para dalhin ang mga pinamili namin.

Nakarating na rin kami sa parking lot. Ipinasok na rin nila yung mga pinamili namin sa kotse ni Nathan. "Salamat." Nagpasalamat kami ni Nathan doon sa mga tumulong sa amin, inabutan naman sila ni Nathan ng pera bilang pasasalamat na rin. Punong-puno na ng mga pinamili namin yung kotse ni Nathan.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong sa akin ni Nathan.

"Hindi pa naman at tsaka kumain na naman tayo kanina bago mamili ng ipapasalubong sa kanila." Sabi ko sa kanya. "Umuwi na lang muna tayo. Napagod din kasi ako sa pamimili."

"Okay..." Sumakay na kami ng kotse.

"Nathan, ilang araw tayo sa bahay-ampunan?" Gusto ko sana mag-stay dun ng one week. Mahilig din kasi ako sa mga bata.

"3 days lang."

"3 days lang? Gawin na nating one week. Please." Nagpa-cute pa ako sa kanya.

"Naka-schedule na kasi yun eh."

"Sige na please. Gawin na nating one week."

"On ninth day mamasyal tayo sa Baguio and nagpa-book na ako ng flight papuntang South Korea. On eleventh day may flight tayo papuntang South Korea. Bale hanggang fourteenth day nasa South Korea tayo." Halos mapatulala na lang ako sa mga sinabi ni Nathan. Seryoso ba talaga siya? Pupunta kaming Baguio at South Korea? Excited na ako! "Kee! Wait lang baka maaksidente tayo." Sa sobrang saya ko ay mahigpit na nayakap ko na pala si Nathan.

"Sorry, na-excite lang kasi ako bigla."

Nakarating na rin kami ng mansion, hindi na namin binaba pa yung mga pinamili namin kasi aalis na rin naman kami bukas ng umaga, malapit lang naman daw yung bahay-ampunan.

"Magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag magdi-dinner na tayo." Aalis na sana siya kaso hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siyang umalis.

"Hindi ka ba magpapahinga?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kwarto ko na lang ako magpapahinga." Ngumiti siya sa akin.

"Pwede bang dito na lang tayo magpahinga?" Paglalambing ko sa kanya.

"Matatanggihan ko ba yung babaeng mahal ko." Kinilig na naman ako sa sinabi niya at nag-blush na naman ako. "Oh kala ko magpapahinga na tayo, bakit natulala ka na diyan?"

"Kasalanan mo kaya ako natulala." Biro ko sa kanya. "Pinakilig mo na naman kasi ako." Kinindatan ko siya at tinakpan ko ng kumot ang mukha ko. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin kaya tumagilid ako ng pagkakahiga. Nahiya kasi ako dun sa sinabi ko kanina.

"Wag ka nang mahiya. Pinapakilig naman kasi talaga kita." Niyakap niya ako mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko namang tinanggal ang kumot sa mukha ko at humarap sa kanya kaso-- muli na namang naglapat ang aming mga labi kaya't tumagilid na lang ulit ako. Ramdam ko namang namumula na naman ako.

"It's not the first time we kissed." Alam ko naman yun kaso, ewan ko ba! Bigla na lang akong nahiya sa hindi malamang dahilan. "Kaya wag ka nang mahiya. Sige ka pag hindi ka humarap dito, sa kwarto ko na lang ako--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi humarap na agad ako sa kanya. He smirked at me. "Gustong-gusto mo talaga akong makatabi ngayon 'no?" Sa tono ng boses niya, halata namang nang-aasar siya.

"Tsk! Hindi kaya."Biro ko sa kanya.

"Okay. Sabi mo eh. Doon na lang ako sa kwarto ko magpapahinga."Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Joke lang! Gustong-gusto kitang makatabi." Sabi ko sa kanya pero seryoso lang ang tingin niya sa akin.

"Wala na, nasabi mo na. Nasaktan na ako." Aba't nagdrama pa talaga siya. "Sige aalis na nga lang ako." Tumayo na siya pero nahawakan ko yung dulo ng t-shirt niya.

"Nagbibiro lang naman ako eh." Nagpa-cute pa ako sa kanya pero wala namang epekto sa kanya.

"Seryoso ako Kee." Binitawan ko naman yung dulo ng t-shirt niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang naiiyak na ako. Nasa may pintuan na siya nang nagsalita ulit ako.

"Sige doon ka na lang sa kwarto mo. Mukhang ikaw naman talaga yung ayaw tumabi sa akin eh." Humarap siya sa akin. Naiiyak na talaga ako. "Sige, iwan mo na lang ulit ako." Naramdaman ko namang may luhang tumulo sa mga mata ko. Damn! Why am I being so dramatic at this moment?

"Shhh... Sorry, tini-testing lang naman kita eh. Hindi naman talaga kita iiwan. Hindi mo ba napansing ang bagal ng paglakad ko, hinihintay ko lang yung susunod mong gagawin." He wiped my tears using his thumb. "Wag ka nang umiyak please. I'm sorry."

"Ikaw k-kasi eh nagbibiro lang naman talaga ako--"

"Sorry, please stop crying. I won't leave you again. I love you so much." Niyakap ko na lamang siya. Hindi ko alam kung bakit ba ako biglang naiyak, para akong bata. "Magpahinga na nga tayo."

Humiga na ulit kami sa kama. Ginawa ko namang unan yung braso niya habang nakaharap ako sa kanya. Nagtitigan lang muna kami ng ilang minuto. "Close your eyes. I won't leave you, promise." I closed my eyes and then he hugged me tight.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Where stories live. Discover now