Sixth Day

3.7K 109 1
                                    

AKEESHA'S POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang napakagwapong lalaki ang ngayo'y nakatitig sa akin habang nakangiti. "Good morning."Bati niya sa akin.

"Good morning." Ngumiti naman ako sa kanya.

"Mag-ready na tayo para maaga tayong makarating sa bahay-ampunan."

"Okay." At sabay na rin kaming bumangon. "Maliligo muna ako. Maligo ka na rin." Tumango na lang siya sa akin at lumabas agad ng kwarto. Wala pa atang dalawang minuto nung lumabas siya nang bigla siyang bumalik dito sa kwarto at bigla naman akong hinalikan sa noo. At ayun dali-dali na naman siyang lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, namumula na naman ata ako.

"Aish! Maliligo na nga ako." Pumasok na ako sa banyo na nakangiti. Ang aga-aga pinapakilig ako ni Nathan.

***

"Andito na tayo." Tumingin ako sa labas. Bumusina naman si Nathan para pag-buksan kami ng gate. Natanaw ko mula sa gate ang isang matandang lalaki. Ipinasok na ni Nathan ang kanyang kotse sa loob ng bahay-ampunan.

Malawak ang bahay-ampunan na ito. May mga mga puno at iba't-ibang halaman na lalong nagpaganda sa lugar na ito. Bumaba na kami ng sasakyan. Laking gulat ko nang magsilabasan ang mga bata.

"Kuya Nathan!" Sigaw ng mga bata habang papalapit sa amin. Ang dami pala nila, niyakap nila si Nathan, mukhang close nga talaga sila kay Nathan.

"Kuya Nathan, miss ka na po namin." Sabi ng isang cute na batang babae.

"Miss ko na rin kayo. Kamusta? Nagpapakabait ba kayo?" May binuhat na batang lalaki si Nathan, na sa tingin ko ay apat na taong gulang na.

"Opo!" Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

"Nga pala, kasama ko ang Ate Akeesha niyo." Tumingin silang lahat sa akin. Bigla akong kinabahan, baka hindi nila ako magustuhan.

"Waaahhh!!! Ate Akeesha!!!" Nagulat ako nang bigla silang sumugod papalapit sa akin at bigla nila akong niyakap. Halos maiyak ako sa sobrang saya.

"Wow! Ate Akeesha! Mas maganda ka po sa personal"

"Dati sa picture ka lang namin nakita."

"Laging kini-kwento sa amin ni Kuya Nathan yung love story niyo pong dalawa."

"Nakakaiyak nga po eh."

"Okay na po ba ulit kayo ni Kuya Nathan?"

"Hindi po siya tumigil kakahintay sayo."

Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin sa kanila. "Mahal ko ang Kuya Nathan niyo." Sabi ko sa kanila. Halata namang nasiyahan sila.

"At mahal na mahal ko ang Ate Akeesha niyo." Nathan winked at me.

"Ayieeee!!!"

"Nathan!" Papalapit sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 50s na. Niyakap nito si Nathan. "Kamusta?"

"Okay lang naman po Manang Rosa." Mukhang isa sa tagapag-alaga ng mga bata si Manang Rosa. Nagsidatingan na rin ang iba pang tagapag-alaga ng mga bata. Dumating na rin ang ilan sa namamahala ng bahay-ampunan.

"Nga pala si Akeesha po. Future wife ko po."

***

NATHAN'S POV

Another Fourteen Days [Completed:2015]Kde žijí příběhy. Začni objevovat