Twelfth Day

3.4K 98 2
                                    

AKEESHA'S POV

Maaga kaming nakarating dito sa Jeju Island kasi maaga rin kaming umalis sa Seoul. Ang una naming pinuntahan ay ang Teddy Bear Museum.

"Nathan ang cute oh." Lumapit naman sa akin si Nathan. "Kasing cute mo."Biro ko sa kanya.

"Mukha ba akong teddy bear?" Pinisil ko yung magkabilang pisngi niya. "Alam kong cute na gwapo ako pero huwag mo namang ipahalata na patay na patay ka sa akin."

"Tsk! Ang yabang mo. Hahaha."

Biro ko sa kanya at iniwan ko siya doon at nag-ikot-ikot pa ako sa buong museum. Ang cute talaga ng mga teddy bears dito. Natutuwa ako doon sa mga suot ng bawat teddy bears.

Nag-ikot-ikot pa ako, asan na nga pala si Nathan? Hindi man lang ako sinundan. Hahanapin ko na nga lang siya.

"Ouch!" Aray ko naman! Sino ba 'tong nakabangga sa akin.

"I'm sorry Miss." Tiningnan ko siya. Mukhang turista rin siya dito. At sa tingin ko Pilipino rin siya.

"It's okay." Nginitian ko naman siya. Aalis na sana ako nang muli siyang nagsalita.

"Uhmm... Miss Pilipino ka rin diba?" Oh... So tama nga ako Pilipino rin siya, kaya tumango ako sa kanya. "I'm Calex." Inabot niya yung kamay niya para makipag-shake hands sa akin. Ang sama ko naman kung hindi ko yun papansinin.

"I'm Akeesha." At nakipag-shake hands ako sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya at natigilan ako nung makita ko si Nathan. Nakipagtitigan lang siya sa akin, hindi ako makagalaw. "It's nice to meet you but I think I have to go. Bye." Hindi ko na hinintay pang makasagot si Calex at pumunta na ako palapit kay Nathan kaso...

Tumalikod na siya at dire-diretsong lumabas sa Teddy Bear Museum.

"Nathan!" Tawag ko sa kanya. Pero hindi niya ako nilingon kaya tumakbo na ako papalapit sa kanya. "Nathan..." Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero tinabig niya lang ito. "Nathan... May problema ba?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"Shit Kee! Tinatanong mo kung may problema ba? Wala namang problema! Kaso Kee hindi mo ba maramdaman na nagseselos ako!" Galit na nga talaga siya.

"I'm sorry, hindi ko naman alam na magse--"

"Yun nga Kee eh... Hindi ko mapigilang hindi magselos." Napasabunot pa siya sa buhok niya tsaka hinilamos ang mga palad niya sa mukha niya. "Alam kong ang selfish ko Kee, kaso hindi mo ba napansin, the way he looks at you, I'm sure he likes you." Ha? Si Calex gusto ako? Eh ngayon nga lang kami nagkakilala. Ang bilis naman ata kung gusto na niya agad ako. "Gusto ko akin ka lang..." Mahina niyang sabi at napatungo pa siya. "Fuck! I'm sorry... I shouldn't have acted that way."

Niyakap ko na siya. "How many times do I need tell you that I'm all yours... Okay? Huwag ka nang magselos. Sige ka hindi ka na cute at papangit ka na niyan." Natatawa kong sabi sa kanya. "Diba sabi mo cute na gwapo ka. Ngumiti ka na..." At ngumiti naman siya. Napangiti na rin ako. "Let's just enjoy this day."

***

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Nathan sa Jeju Olle Trail.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" Napansin ko kasing nakasimangot siya at nakakunot pa ang noo.

"Aish... Kanina pa kasi nakatingin sayo yung mga yun..." Selos na naman? Tiningnan ko kung saan siya nakatingin. Nagseselos siya dun eh mukha ngang high school students pa lang ang mga 'yon. At tsaka may mga nakatitig din naman sa kanya kanina pa.

"Huwag mo na lang kasing pansinin." Hinapit niya ang baywang ko papalapit sa kanya tsaka niya ako inakbayan habang naglalakad kami, sobrang lapit na talaga namin sa isa't-isa pero ayos lang. Ang cute nga eh...  Kinikilig na naman ako. "Dapat ako lang ang tinitingnan mo. Kung sino-sino pang pinapansin mo."  Biro ko lang yan pero nagpapa-cute talaga ako.

"Hindi mo na kailangan pang magpa-cute sa akin." Natatawa niyang sabi.

"Aish... Eh di wag!" Inunahan ko na siyang maglakad.

"Mahal ko, huwag ka nang magtampo!" Sigaw niya. Hindi niya ba napapansing pinagtitinginan na siya ng mga tao rito. "Hindi mo na kailangan pang magpa-cute sa akin kasi cute ka na at tsaka cute na nga maganda pa." Alam kong namumula na ako at nakangiti pa ako ngayon kaya hindi ko na lang siya nilingon. "Mahal ko! Sorry na..." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Aray ko!" Napalingon agad ako sa kanya.

Nakita ko siyang nakaupo habang hawak-hawak yung tuhod niya. Base sa hitsura niya ngayon mukhang nadapa ata siya. Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya. "Ano ba kasing --" Nung uupo na sana at tutungo ako para tingnan yung tuhod niya hinalikan niya ako sa noo dahilan kung bakit uminit ang pisngi ko.

"Don't worry hindi naman talaga ako nadapa." Natatawa niyang sabi. Mahina ko siyang hinampas sa braso niya.

"Nagawa mo pa talagang pag-alalahanin ako 'no." Pagtataray ko sa kanya. Nag-aalala naman talaga ako eh. Paano na lang kung hindi maganda yung maging resulta kung sakaling mang nadapa talaga siya.

Tumayo na ako at tumayo na rin siya. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko. "Sorry na... Hindi mo kasi ako pinapansin."

"Hindi mo naman kailangang gawin yun. Sorry din... nag-alala kasi talaga ako sayo." Niyakap ko siya ng mahigpit.

***

"Wow!" Manghang-mangha talaga ako sa nakikita ko ngayon. Sobrang gandang pagmasdan ng Jusangjeolli Cliff. "Nathan, picture tayo dali." Hinila ko agad si Nathan para sa picture taking. Ang ganda kasi talaga ng view dito sa may pwesto namin ngayon. "Ang ganda talaga..." Nakangiti kong sabi. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Nathan mula sa likuran ko.

"Kasing ganda mo." Bulong niya sa may tainga ko dahilan para muli na naman akong kiligin.

"Binola mo pa talaga ako." Natatawa kong sabi sa kanya mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"Hindi ako nambobola, nagsasabi lang ako ng totoo. Sa gwapo kong 'to magsisinungalin pa ba ako." Hindi ko napigilan at tumawa na ako. "Bakit tumatawa ka?"

"Wala lang. Ang gwapo mo talaga." Tiningnan ko siya habang nakayakap pa rin siya mula sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi, medyo nagulat pa nga ako kaya pinagmasdan ko na ulit ang tanawin ngayon dito.

Hinawakan ko yung kamay niya na nakayakap sa akin at sinandal ko yung ulo ko sa may dibdib niya. Pinagtitinginan na nga kami kasi medyo marami na rin yung tao dito pero okay lang. I feel safe whenever he hugs me from my back. I really love this feeling.

Another Fourteen Days [Completed:2015]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon