Seventh Day

3.5K 102 3
                                    

AKEESHA'S POV

Kakatapos ko lang mag-bake ng cupcakes, maaga akong gumising para mag-bake.

"Good morning!" He kissed me on my cheeks. "Ano yan?" Nagliligpit na kasi ako nang dumating si Nathan.

"Alin?" Tinuro niya yung oven. "Nathan, seryoso? Tinatanong mo kung ano yan? Hindi mo ba nakikita? Oven yan." Tawang-tawa naman ako sa hitsura niya ngayon. Bigla siyang napasimangot.

"Ano yang nasa oven?" Paglilinaw niya.

"Cupcakes. Gusto mong tikman?" Tumango naman siya at sinubuan ko siya ng cupcake. "Masarap ba?" Hindi siya sumagot sa halip sumenyas siya na subuan ko pa siya kaya sinubuan ko ulit siya.

"Masarap. Sobrang sarap." Ngumiti siya sa akin.

"Magandang umaga Akeesha at Nathan." Bati sa amin ni Manang Rosa.

"Good morning Manang Rosa!" Sabay naming bati ni Nathan kay Manang Rosa. "Nasaan po ang mga bata?" Tanong ko kay Manang Rosa.

"Ah. Pababa na rin ang mga 'yon." Pinagpatuloy ko na ulit ang pagliligpit. "Hmm. Mukhang masarap yang cupcakes na ginawa mo."

"Ito po Manang Rosa. Tikman mo po." Inabot ko sa kanya ang isa pang cupcake.

"Masarap nga." Natuwa naman ako kasi nasarapan sila ni Nathan. Actually pangalawang beses ko pa lang mag-bake ng cupcakes. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng time.

Dumating na rin ang mga bata. Natuwa naman ako dahil nagustuhan nila yung cupcakes na gawa ko, naubos nga nila agad.

***

"Laro tayo Ate Akeesha, Kuya Nathan!" Yaya sa amin ni Nicole. Nanonood lang kasi kami sa mga batang naglalaro ngayon.

"Laro raw tayo Nathan." Yaya ko kay Nathan.

"Sige..." Tumayo na kaming dalawa. "Ano bang lalaruin natin?" Masayang tanong ni Nathan sa mga bata.

"Hide and seek po." Na-excite ako bigla. Nakaka-miss din kasing maging bata.

Nagsimula na kaming maglaro. Si Nathan ang unang taya. Hahaha!

"Pagbilang kong sampu nakatago na kayo! Isa... dalawa... tatlo..." Tawang-tawa na talaga ako kaya tinakpan ko ang bibig ko at nagtago na rin ako.

"Apat... Lima... Anim... Pito... Walo... Siyam... Sampu..." Natapos nang magbilang si Nathan. "Andiyan na ako!" Parang batang sabi ni Nathan. Natatawa na naman tuloy ako. Pinigil kong matawa kasi medyo malapit lang ako sa kanya. Baka makita pa niya ako.

Nahanap niya na yung iba. Ako na lang ang hindi. Sumilip ako kung saan na ba siya pumunta. "Asan na kaya yun?"

"Nasa likod mo."

"Ahhhh!" Napa-atras at napa-upo ako sa sobrang gulat.

"May taya na. Halika na." Inalalayan niya akong tumayo.

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalaro. Konti na lang kaming hindi natataya at medyo napapagod na rin ako.

"Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo! Isa... Dalawa..." Dali-dali akong hinila ni Nathan papunta sa kwarto namin dito.

"Eh? Bakit dito tayo?"

"Para masolo kita." Kinindatan pa niya ako.

"Baliw ka talaga." Natatawa kong sabi sa kanya. Pumasok na kami ng kwarto at ni-lock niya na yung pinto.

"Baliw sayo." Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin. "Ayoko na nga, baka kiligin ka pa lalo." Mahina ko siyang hinampas sa braso niya.

"Tsk! Wag kang tatabi sa akin ha!" Humiga na ako sa kama, pagod na talaga ako. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

"Sus! Nagtampo agad. Mahal naman kita eh." Hindi ko siya pinansin. Napagod talaga ako eh kaya wala na rin akong lakas magsalita pa. "Aww, hindi na niya ako mahal."

"Napagod lang ako. Sorry." Mahina kong sabi sa kanya. Inalis niya yung unan sa mukha ko pero nakapikit pa rin ako. Hinalikan niya ako sa noo.

"Take a rest." He whispered.

"Ikaw din, magpahinga ka na." Humiga na rin siya sa tabi ko. Gusto kong magpahinga muna. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya habang yung ulo ko ay nasa braso niya. Niyakap niya rin ako, nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa nakatulog kami.

***

NATHAN'S POV

Kakatapos lang naming mag-dinner ni Kee at ng mga bata. "Matulog na kayo ha? Good night!" Isa-isa kasi naming chineck ni Kee ang bawat kwarto ng mga bata, para masigurong matutulog na nga sila.

Habang naglalakad kami pabalik sa kwarto namin, hinawakan ko ang kamay ni Kee. "Kee..." Tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

"Ilan ang gusto mong maging anak natin?" Napatigil naman siya sa paglalakad.

"Hindi pa nga tayo kasal, anak na agad?" Natatawa niyang sabi sa akin. Pumasok na kami sa kwarto namin.

Umupo siya sa may gilid ng kama.

"Bakit hindi ka ba magpapakasal sa akin?"

"Uhmm. Pag-iisipan ko."

"Ah ganon?" Lumapit ako sa kanya at kiniliti ko siya.

"Hahahahahah!!! Nathan!!! Hindi ka hahahhaha pa hahahhaha nga nagpro-hahahahhaha propose hahahha sa akin hahahhaha eh. Hahahaha tama na! hahahaha!" Tumigil na ako sa pagkiliti ko sa kanya.

"Pag nag-propose ba ulit ako sayo, anong isasagot mo?"

"Malalaman mo lang yung sagot ko kapag nag-propose ka na ulit. Hahaha!"

"Alam ko namang 'yes' ang isasagot mo eh." Biro ko sa kanya.

"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Kinindatan niya ako at humiga na sa kama. Napatulala naman ako sa sinabi niya.

Na-excite tuloy ako sa araw na 'yon, na sasabihin niyang muli ang mga salitang "Yes! I will marry you."

Another Fourteen Days [Completed:2015]Where stories live. Discover now