Kabanata 15

1.8K 29 2
                                    

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Hindi ko alam ngunit pamilyar sa akin ang mga boses nila. Kumunot ang noo ko. Nang dahan-dahang buksan ang mga mata ay tumambad sa akin ang kadiliman. I have a blindfold so I can't see them.

Unti-unti kong naramdaman ang kaba at takot. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko na nakatali sa aking harapan. I tried to calm down and think how I can escape.

"Who are you?" I shouted angrily. "W-What did you need? Money? I can gave you that! Just let me go!"

Hindi ko narinig ang pagsagot nila. Sa tingin ko ay pinipigilan nilang huwag magsalita gayong gising na ako. Alam kong narinig ko na ang mga boses nila. Hindi ko lang maalala dahil matagal-tagal din akong walang komunikasiyon sa Pilipinas. I never tried watching television who's related in Philippines. I never open my social media accounts to avoid everything it's connected with them. Si Wize at ang magulang ko lang ang tanging nakakausap ko sa dalawang taon.

"Stop that. Kapag nakilala niya tayo ay lagot tayo sa kanya." Kumunot ang noo ko dahil sa mahinang bulong na naririnig ko.

"P-Please, pakawalan niyo ko..." Siguradong hahanapin ako ni Luna.

I plead with them. Paulit-ulit akong nagmakaawa. Kahit yata lumuha ako ng dugo ay ayaw nilang umimik. Nagpumiglas na ako ngunit may kahigpitan ang pagkakatali sa paa at kamay ko.

"Patulugin mo ulit." Hindi ko naiintindihan ang mga boses nila dahil mahina iyon.

"Damn you! Ikaw ang gumawa kung ayaw mong masuntok ng baliw na 'yon." Ano ba ang binubulong nila? They can say it loud.

"Iuwi niyo na ako! Ibibigay ko ang lahat ng pera ko kung iyon ang gusto niyo. I can give you what you want, just let go of me." Hindi ko mapigilang umiyak.

"Ako na." Akma na akong sisigaw ulit nang may tumakip muli nang ilong ko gamit ang malambot na bagay. Hanggang sa nasinghot ko ang kaparehong amoy na nasinghot ko kanina.

I shook my head many time. Nagpumiglas ako. But minutes past nang maramdaman ko ulit ang kaninang naramdaman ko nang may maamoy ako. I feel sleepy. My eyelashes were not starting to fall.

At sa pagmulat nang mata ko ay tumambad sa akin ang isang kisame. Nanlaki ang mga mata ko kasabay pagbangon ko. Nasaan ako? Tumayo ako sa kama at tumakbo pababa ng kwarto. Isang napakaganda at modernong salas ang tumambad sa akin pagkababa ko. Luminga-linga ako ngunit wala akong nakitang tao.

Bakit ako nandito? Did my kidnapper bring me here? Why here in modern and stunning house? Nag level up na ba ang mga kidnapper ngayon? Sa nababasa ko sa mga libro ay sa isang lumang building or rooftop dinadala nila ang kanilang kinidnap.

Ngayong walang tao ay puwede na akong makaalis dito. I can escape now. Mabilis akong lumabas ng bahay ngunit ganoon na lamang ang aking gulat nang makita ang nasa harap. Bakit may mga punong kahoy akong nakikita?

Nasaan ako?

Tumakbo ako papaalis sa bahay na iyon. Sinundan ko ang daang nakita ko. Ngunit hindi ko inaasahan na tubig dagat ang sasalubong sa akin.

"Nasa Isla tayo ngayon."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang sobrang pamilyar na boses na iyon. Sa dalawang taon ay ni minsan hindi ko nakakalimutan ang boses niya. Alam kong dapat na galit pa din ako sa kanya ngunit bakit wala akong makapang ganoong emosiyon ngayon? Tuluyan bang nagamot ni Luna ang lahat ng galit na nararamdaman ko?

Bumuntonghininga ako. Kunot ang noo ko siyang nilingon at nagpanggap na galit. Matatalim ang mga tingin ko animo'y ano mang oras ay kaya ko siyang sakalin.

"Ikaw ba ang nagpakidnap sa akin? Anong kalokohan ito, Ghon?" galit na singhal ko. Naalala ko ang mga boses na narinig ko kanina. Gayong nakita ko na siya ay bigla kong naalala kung kaninong mga boses ang nirinig ko. They're Ghon's friends na naka-close ko din noon.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now