Wakas

2.1K 31 21
                                    

GHON'S POV

Naghahanda na ako sa pag-uwi nang araw na iyon. I'm here at the State attending the business meeting. I stay here at four day, atat na atat na rin akong umuwi sa asawa. We're newly wed but here I am attending business meeting. Pagkauwi ko ay babawi ako sa kanya.

"Honey, I'm coming home. I miss you so much," malambing kong wika sa kanya habang paakyat sa private plane ko.

"Really? Oh, I miss you too, honey! I have a surprise to you."

"Yeah? I'm excited then."

Habang nasa himpapawid ay pinili kong makipag-usap sa kanya. Hanggang sa nagsalita ang piloto ko kaya nagpaalam muna ako. Pinuntahan ko ito at doon sinabi niyang may problema kami. May nakitang bomba ang kaibigan nito sa eroplanong sinasakyan namin ngayon.

"Which part? Nasaan nakalagay? I'll try to get-�"

"Wings and Tail fin. It's a small bomb pero malakas ang epekto no'n. We can't get it that easily, Ghon. Mahihirapan ka lang."

"Let's jump then. Let's go!" wika ko at pinilit siyang tumalon na lang.

"Mauna kana." But he choose to stay there.

Napagdesisyonan kong paunahin siya. Kahit kinakabahan ay nagpakatatag ako. Iniisip ko si Rain, ang asawa ko. Kailangan ko pang bumalik sa kanya. Binigyan niya ako ng life vest bago tumalon. Akma ko ng bibitawan ang manobela nang umalog ang eroplano. Hinala ko ay sumabog ang isang bomb sa parteng likuran, nasa tail fin.

Nakaramdam ako nang takot ng hindi ko na makontrol ang eroplano. Pinagpapawisan ako ng sobra, randam ko ang paninikip at kaba sa dibdib ko. Halos sunod-sunod ang maging mura ko nang marinig ang isang tonog mula sa likuran.

"Damn!" Tumayo ako at tumakbo patungo sa pinto. Labis ang mahigpit na pagkakahawak ko sa bawat mahahawakan ko. Lumakas ang tibok ng puso ko habang iniisip ang asawa ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Akma na akong tatalon nang muling umalog ang eroplano dahilan para matumba ako at tumama sa kung saan. Pinilit kong makapunta muli sa pinto nito. Nang magawa ko ay muli akong tumama sa isang bakal at tumama pa ang ulo ko doon. Ramdam ko ang pagtulo ng malagkit sa pisngi ko at dumaloy iyon pababa pa.

"Kailangan kong makaalis dito. Damn it!" Kahit masakit ang katawan ko ay nagawa ko muling makapunta sa pinto at bago pa akong makatalon at sumabog ang parte pakpak ng eroplano. Bago pa tuluyang sumabog lahat ay tumalon na ako. Sa dagat din ako bumagsak. Akala ko ay nakaligtas na ako doon ngunit sa pag-ahon ko ay isang malakas na bagay ang siyang tumama sa ulo dahilan para mawalan ako ng malay. Ang mukha ni Rain ang ulo kong maalala bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto na walang maalala. Isang babae ang nagpakilalang asawa ko. Ngunit wala man lang akong nararamdaman sa kanya. Hindi siya naging pamilyar sa akin. Lore Camchu-Azarcon ang pangalan niya at sinabi niyang Take Azarcon naman ang pangalan ko.

Pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Bawat araw na kasama ko siya ay may nararamdaman akong takot at kaba. Bawat tawag niya sa pangalan ko ay parang gusto kong itama.

Isang araw ay narinig ko silang nag-uusap ng kaibigan niya at hindi ko sinasadyang marinig iyon. Doon nagbago ang lahat ng pakikitungo ko sa kanya.

"Nakita ko lang siya sa dalampasigan, walang malay. Dinala ko siya sa bahay dahil alam kong kailangan niya ng tulong ko. Sinabi nang doktor na pumunta sa bahay na baka posibleng magka- amnesia siya dahil sa aksidente. Mukhang wala naman siyang pamilya dahil hindi siya hinahanap ng mga ito. Baka nga ang mga ito pa ang dahilan kaya nangyari sa kanya ito."

Tinanggap ko ang pagpapanggap ni Lore. Sinakyan ko iyon. Habang patagal ng patagal ay nakikita ang pag-aalaga at pagmamahal sa akin ni Lore kaya kalaunay nahulog ang loob ko sa kanya. Sa kabila ng pakiramdam ko na may mali at hindi tama sa nararamdaman ko ay hindi ko iyon pinansin pa. Hindi ko na rin pinili pang alalahanin ang nawala kong alaala. Dahil noong sinubukan ko ay sumakit lang ang ulo ko at nawalan ako ng malay. Natakot si Lore kayang sinabi niyang huwag ko nang sumukan uli dahil natatakot siyang may mangyari sa akin.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now