Kabanata 6

777 25 3
                                    

Nakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang masigurong maayos ang aking itsura ay lumabas ako ng kwarto. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang puntahan si Ghon. Tulad ng sinabi ko kahapon ay guguluhin ko siya ngayon araw. Sisimulan kong ipaalala sa kanya ang mga nawalang alaala. Isinantabi ko muna ang mga bagay na nangyari kahapon. Ayokong maalala ang sakit na naramdaman ko kahapon sa araw na ito.

Hinaplos ko ang aking tiyan at nakangiting kinausap ang aking anak. "Pupuntahan natin ang daddy mo, anak." Saka tinahak ang daad patungo sa bahay nila.

"Ghon!" sigaw ko nang makita ito sa labas ng bahay nila. Kunot ang noong napatingin ito sa akin kaya bahagya kong nakita ang hawak nitong cellphone sa kanang kamay, na nasa tainga nito.

Lumapit ako at kumaway sa kanya. Malaki ang ngiting ibinigay ko ngunit walang emosiyon lamang siyang tumitig bago umiwas ng tingin.

"Yes, Lore ko. Wala nga akong babae dito. Who told you that?" Nakaramdam ako ng kirot habang nakikinig dito. Masyadong malumanay ang boses nito habang kausap ang babae nito. Bahagyang nakanguso animo'y naglalambing.

Ngunit nagawa kong hangaan ang sarili ko sa oras na iyon nang magawa kong pigilan ang sarili ko na huwag kunin ang cellphone nito at itapon sa kung saan. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi iyon narinig. Kailangan niyang iwasang makagawa ng ikakagalit nito baka sa susunod ay ayaw na siyang palapitin nito sa kanya.

"I miss you too. Kailan ka ba uuwi? Ang tagal naman ng isang linggo. I love you too pero kasi gusto na kitang..." That's it. Tumalikod na ako sa kanya. Akala ko ay makakaya kong pigilan ang sarili kong huwag masaktan sa mga ginagawa niya pero hindi ko pala kaya. Lalayo lang muna ako sa kanya para hindi marinig ang mga sinabi niya. Masyadong dinurog kasi no'n ang puso ko. Lalapitan ko na lang siya kapag tapos na siyang makipag-usap.

Bagamat, hindi pa ako nakakaisang hakbang nang hilahin ni Ghon ang damit ko sa likuran dahilan para bumalik ako sa kaninang kinatatayuan. Hinintay ko siyang magsalita. Nakatalikod ako at walang balak na tingnan siya. Palihim kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. Bumuntonghininga pagkatapos at yumuko nang bahagya.

"Where are you going?"

Ngumuso ako. May talim ang kanyang boses ng sabihin iyon. Malayo sa kanyang tono kapag nakipag-usap sa babae niya.

"Lalayo lang ng ilang metro. Babalik na lang ako mamaya kapag tapos ka ng makipag-usap." Gusto kong palakpakan ang aking sarili nang magawa kong hindi mautal.

"Why? What are you doing here anyway?"

Inis ko siyang binalingan. Nang makitang matiim siyang nakatitig ay umirap ako. Hindi ko pinansin ang huling sinabi. "Anong why? Gusto mong pakinggan ko ang pakikipag-usap mo ng malumanay sa babae mo? I'm devoted wife but I am not martyr, Ghon. Masakit marinig muna sa asawa ko ang mga salitang sinasabi niya sa babae niya na dati sa akin niya sinasabi. Walang asawa na kayang tiisin iyon, Ghon." Bago pang tumulo ang mga luha ko ay nagawa kong punasan iyon.

Natahimik siya. Bumuntonghininga at tinago ang cellphone sa kanyang bulsa. "I'm done talking with her."

Tumango ako at pinasadahan siya ng tingin. Nakasuot siya nang uniform ng guro, kaya nahulaan kong tutungo na siya sa paaralan.

"A CEO turn to a Teacher, huh." Napalabi ako at umiling. "Pwede akong sumama?"

"No. Everyone will saw you with me." Iyon naman ang gusto kong mangyari. Para malaman nila kung sino ba talaga ang tunay mong asawa. "Ayokong umabot iyon kay Lore."

Iyon ang dahilan niya. Pagak akong napatawa. I step back and nodded my head like I understand him. Hindi ko magawang tingnan siya. Ako iyong asawa niya pero ako pa ang kailangang mag-adjust para sa kanila ng babae niya.

Wife Series: His Devoted Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now