Chapter 07: Fabio and Alma

11 2 0
                                    

──⇌••⇋──

There was little information about the name reaper or nameless reaper, despite it existing ever since the town was founded. Tuwing nababanggit ang nilalang na 'to, ang laging nababanggit ay kinukuha nito ang pagkakakilanlan ng magiging biktima.

And once that happens, the victim disappears... like it never existed in the first place. But of course, that's just one of the many versions of Jura's urban mythology. Kasi kung 'yon ang katotohanan, ano na lang ako? Hindi naman ako multo. Mukha lang.

"...Ngunit isa lamang ang nasisigurado ko, wala pang nakakatakas sa kamay niya. Hanggang sa dumating ang mag-asawang Fabio at Alma sa bayan ng Jura," pagkuwento ng Lola ni Leola.

Ipinagpatuloy nito ang pagsasalaysay habang mataman akong nakikinig. Hindi ko nga lang alam kung gano'n din ang ginagawa nitong katabi ko, si Leola. Nakatulala na kasi. Lumilipad na naman ang utak.

Mabalik sa kuwento...

Bagong salta lang daw sa bayan ang mag-asawang Fabio at Alma nang unang magkainteres sa kanila ang name reaper. Gaya ng ano mang mga mamamayan dito, mukha itong normal sa unang tingin. May ngiti na aakalain mong isang kaibigan at pag-unawa na gugustuhin mo na lang magtiwala agad sa kaniya.

Sa sitwasyon ng mag-asawa, ang name reaper ay nagbalat kayo bilang ang Reyna ng Jura— isang titulo na iginagawad sa pinuno ng bayan...

Malakas ang ulan nang makaloob sa kanilang tahanan ang mag-asawa. Hindi pa man sila tuluyang nakakapag-ayos ng kanilang mga kagamitan ay may suliranin na naman silang kailangang ayusin sa buhay nila— ang sunod-sunod na pagtulo ng ulan mula sa bubong.

"Pasensya ka na, Mahal at ito lamang ang kaya kong bilhin sa ngayon." Matapos itapat ni Fabio ang timba sa posisyon ng pinagtutuluan ng tubig ay lumapit ito sa asawa at hinaplos ang pisngi nito.

Ngumiti lamang si Alma upang ipakitang wala siyang problema sa klase ng buhay na kasalukuyang kayang ibigay ng asawa. "Huwag mong isisi ang nangyayari sa sarili mo."

Tumigil sila nang makarinig ng katok. Mabilis na binuksan ni Alma ang pinto at bumungad sa kaniya ang pinuno ng bayan na kanilang tinitirhan— Reyna Rosaline.

"P-Pasensya na sa istorbo..." Nahihiya itong ngumiti habang hawak ang payong na siguradong liliparin ng hangin sa oras na mabitawan niya ito.

Sumilip ito sa loob at nakita niya si Fabio na mukhang hindi natutuwa sa kaniyang pagdating. Hindi niya ito pinansin, bagkus ay muling tumingin kay Alma. Nando'n pa rin ang hiya sa kaniyang mata.

"Pakiusap, Reyna, pumasok kayo at napakalakas ng ulan d'yan sa labas." Mas niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at malugod namang pumasok ang mga panauhin.

"Salamat." Nakatingin pa rin ito kay Alma na parang sila lamang ang tao na naroon.

"Pasensya na talaga kung ngayon lang namin iinspeksyonin ang bahay sa posibleng sira nito. Biglaan din kasi ang inyong pagdating. Kaya bilang paumanhin ay pakiusap, tanggapin mo ito," dagdag pa nito bago iabot ang isang bilog na lalagyan na gawa sa lata. Naglalaman ito ng butter cookies.

"R-Reyna... hindi namin matatanggap ito," gulat niyang sagot.

"Tamang-tama, paborito ko 'yan. Tanggapin mo na, Alma," sigaw ng asawa niya na kasama ang mga nagkukumpuni ng butas.

The Nameless HourOù les histoires vivent. Découvrez maintenant