Chapter 05: Lifeless Eyes

13 5 0
                                    

──⇌••⇋──

The room was just enough for a single person. Nakapuwesto ang kama sa kanang parte kung saan ay may malaking bintana. Cabinet naman ang nasa kaliwa.

So, this is her room.

Nabasa niya marahil ang pagtataka sa isipan ko dahil sa naging sagot niya. "Yes, this is my room. Baka akala mo 'yong kuwarto na binalibag ko noong magtampo ako. Storage room iyon."

Kaya pala ay nang mag-ikot ako no'ng pasko sa bahay nila ay isang makipot lang na bintana ang mayroon sa kuwartong iyon. Kasya lang doon ang ulo ng isang tao.

"Bakit doon mo napiling manatili? Buti hindi ka nahirapan huminga," komento ko. Although, I'm quite confused as to why I'm pushing this nonsense topic.

"Masama ba? 'E sa 'yon una kong nahablot na door knob."

Pinagpatuloy niya ang pag-aayos. Umabot na ng gabi ngunit 'di pa rin siya natatapos. Napapaisip na nga ako na may balak siyang dalhin ang buong bahay nila sa rami ng ineempake niya. Nakaupo na siya ngayon sa higaan habang nagtutupi ng damit.



Ang kalat pa ng kuwarto dahil sa samu't-sari niyang mga gamit na bigla na lang niya naisipang 'wag na kunin.


Ako naman, nakatayo lang sa likod niya. Tinititigan ang bawat galaw niya.

"Iihhhh!" Bigla niyang niyakap ang kahon na nakalapat sa kaniyang higaan.

I flinched at her sudden reaction. Bigla-bigla na lang tumitili. Rinig pa hanggang kapitbahay kaya 'yong aso roon ay nagsimulang tumahol.

"Totoo ba talaga 'to? Na pumayag na sila Lolo na pumunta tayo sa Jura?" she asked which is by the way, for the nth time already.

Kaonti na lang ay sasabog na eardrum ko sa kakulitan niya.

"Hindi. Panaginip lang lahat ng 'to kaya gumising ka na," sagot ko.

She was not offended at all though. Tinawanan pa niya ako. "Hahaha! I didn't know that you have a sense of humor."

She continued doing her thing, humming to a certain tune that I'm not familiar... or maybe she's just off-tune.  Meanwhile, I remained standing like some sort of a royal guard.

"Hay! Umupo ka nga! Para kang white lady na nagmumulto d'yan. Puti pa man din ang dress mo," bigla na lang niyang saway sa 'kin.

Nabasa niya kaya ang utak ko no'ng sabihin kong wala siya sa tono? Kaya gan'yan na lang siya maka-react?

Sinunod ko na lang siya. Tinatamad akong makipagdebate.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang grandparents ni Leola. They looked at the mess around us and for a moment was reflected with doubts. Agad din itong napalitan ng determinadong ekspresyon.

"Lola! Lolo!" sigaw ni Leola na para bang nasa ibang planeta ang kausap niya.

She hugged them and planted kisses on their cheeks. Mukha siyang bata na pinagbigyan papuntahin sa amusement park. Parang walang tensyon na nangyari kamakailan.

"Thank you, thank you, thank you, thank you—"


"Naintindihan na nila," pagputol ko. If I didn't, it would go on and on for nearly an hour. I learned from the worse.


"Apo, pumapayag lamang kami sa isang kondisyon," Her grandmother looked at her tenderly.

Natigil si Leola. "Po?"

The Nameless HourWhere stories live. Discover now