Chapter 21: Aubade

472 37 2
                                    

Aubade

(png.) kundiman na kinakanta tuwing madaling araw


Lumipas ang Christmas party, ang Pasko mismo, at ang New Year. Wala namang nangyari sa amin, walang exciting. Walang fireworks, walang flowers, walang chocolates. Siya lang at ako.

Minsan napapabuntonghininga ako. Hindi sa hindi ako masaya sa kanya, pero minsan, naghahanap din ako ng mga romantic na pakulo. Pero kailangan ko 'tong isantabi dahil ayoko na maulit ang nangyari sa 'min ni Crissander.

"Bakit ka malungkot?" tanong ni Yuan nang marinig niya 'kong magbuntonghininga sa unang araw ng pasok pagkatapos ng Christmas break. Nandoon siya sa tabi ko habang tanaw-tanaw ko sa malayo sina Belle at Ciara na mukhang masaya . . . kahit hindi na nila ako nakakasama. Okey lang naman, pero nakaka-miss na sila.

"Minsan iniisip ko kung magkakabati pa kami ng dalawang 'yon," sagot ko.

"Hindi ba kayo nag-uusap?"

"Hindi. Ang awkward nga e."

"'Yon lang?"

"Ano'ng ibig mong sabihin sa ''yon lang'?"

"Wala nang ibang dahilan kung bakit ka malungkot?"

"Kaibigan ko sila—"

"Ang ibig kong sabihin, yung bilang ng ikinalulungkot mo. Maliban sa mga kaibigan mo, wala kang ibang problema?"

"Di ko gets."

"Example, ako," sabi niya habang tinititigan niya 'ko.

"Wala, ano ka ba?"

Wala namang masyadong nangyayari. Gano'n pa rin kami, parang magkaibigan na, sabi ko nga, may halong malisya.

***

Bibisitahin ko sana siya no'ng lunch nang biglang hinarang ako ni Belle.

"Hay!" sigaw niya sa harap ng mukha ko. "Halika nga!"

Hinila ako ni Belle malayo sa may classroom, papunta sa tapat ng canteen namin. Nagulat ako. Wala kasi akong kamalay-malay.

"B-bakit?" tanong ko.

"Kailangan talaga si Mark ang magsabi sa amin na nami-miss mo kami?"

"Sinabi sa inyo ni Mark?"

"Kanina."

"S-sorry."

"Hay, Anna!" Tapos niyakap ako ni Belle. "Di mo ba alam na ikaw lang yung hinihintay namin para yakapin kami? Natatakot kaming i-approach ka kasi mukha namang okey ka kahit hindi mo kami kasama."

"Iyon din ang iniisip ko paminsan kapag nakikita ko kayo . . . na parang better off na wala ako. Siyempre, kailangan lang natin ng space para makahinga, pero nakaka-miss kasi talaga kayo, e." Niyakap ko si Belle pabalik. Sobrang miss na miss ko na sila ni Ciara. Nami-miss ko na yung mga girl talk namin na hanggang madaling araw.

"S-sorry," sabi ko ulit.

"Dapat lang."

Ngumiti si Belle kasabay ng pagdating nina Yuan at Ciara.

"Okey na?" tanong ni Yuan. "Isa pa, bakit n'yo ba 'ko pinag-aagawan?"

"Wow, ang kapal ng mukha!" sabi ni Ciara pagkatapos niyang paluin si Yuan tapos tumakbo siya sa 'kin para yakapin ako. "Excuse me, mas mahal ko naman si Anna kaysa sa 'yo!"

Si Ciara ang pinaka-cry baby sa aming tatlo. Kaya nang ngumiti ako sa dahil sa sinabi niya, hindi na ako nagulat na bigla siyang tumakbo sa 'kin at umiyak. Haha, nakakatawa talaga 'tong babaeng 'to. Siya yung pinakamatapang pero pinakaiyakin din sa 'min.

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon