Chapter 19: Psithurism

451 37 4
                                    

Psithurism

(png.) tunog ng hangin na lumalakbay sa pagitan ng mga puno


Pagkauwi ko sa bahay, niyakap ko lang yung unan ko. Paikot-ikot at parang—tae naman. Utang na loob! Teka, nangyari ba 'yon? Panaginip ba 'yon? Mabilis ba?

Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman hanggang sa nakatanggap ako ng text galing sa kanya.


Yuan: Di ako makatulog.


Napangiti ako. Gusto ko sanang mag-reply ng "pareho tayo," nga lang wala na 'kong load.


Yuan: Wala kang load?

Yuan: May pasok pa tayo bukas. Paano ba 'to? Di ko matanggal sa isip ko yung kanina.


Ako rin. Parehas tayo.


Yuan: Tae, wala ka ngang load. 10 na. Sarado na mga tindahan dito.

Yuan: Sige, matutulog na ako. Usap tayo bukas?


AAAAAH! Okey, hindi ako mapakali. Ano ba 'to? Bakit parang ang awkward na nakakakilig? Pakiramdam ko tuloy, hindi ko na siya kayang harapin bukas. Sabihin ko kayang lasing ako? Lasing saan? Ni makahawak nga ng beer, di ko magawa. Uminom pa kaya?

Itinulog ko yung kilig na may halong pagkailang. Pinilit ko.

Noong sumunod na araw, kumalat na parang apoy yung tungkol sa 'min. May nakakita pala na ka-batch namin na magkahawak kami ng kamay.

Pinagtinginan pa kami lalo nang pumunta siya sa 'kin.

"Hi," bati niya.

"H-hi," bati ko pabalik.

Tae. Di ba nag-holding hands na kami kahapon? O, bakit awkward pa rin? Nakakasuka yung mga paruparo.

"Kumusta pagtulog?" tanong niya.

"Pinilit," sagot ko. "Pero ito, halata naman sa eyebags."

"May sinabihan ka ba?"

"Wala. Pero alam pala ng iba dahil may nakakita sa 'tin."

"Ah . . . " sabi niya. Nilagay niya yung kamay niya sa may ulo ko at tinanong, "Tayo na ba?"

Tiningnan ko siya nang masama na may halong ngiti. "Sino ba'ng nagsabing tayo na?"

"Paano ba maging tayo?"

Medyo nakakatawa 'tong lalaking 'to. Yung pagkawala ng alam niya sa mga ganitong bagay, ang cute lang para sa 'kin.

"Ewan ko," sagot ko, tapos nagngitian kaming dalawa.

Bumalik kami sa classroom. Bago mag-umpisa yung kanya-kanya naming klase, nakita ko si Belle na papunta sa 'kin. Hinila niya 'ko palabas.

"Kayo na pala," sabi niya.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo ba talaga gets na—"

"Sinabi niya sa 'kin kahapon yung tungkol kay Ciara."

Tumaas yung kilay niya. "At wala lang para sa'yo 'yon?"

"Hindi naman sa wala lang."

"Sorry, Anna, pero parang ang selfish ng ginawa n'yo."

"Tingin mo, selfish 'yon?"

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon