Chapter 16: Kilig

502 40 2
                                    

Kilig

(png.) yung pakiramdam na parang nalalasing sa ideya ng pag-ibig; puwedeng direktang nararanasan mo o sa iba


Ano ba talaga'ng gusto niyang iparating?

Nitong mga nakaraang buwan, wala na siyang ginawa kundi patirahin yung mga paruparo sa tiyan ko—magka-chat buong gabi o kaya magka-text buong gabi kahit pa paulit-ulit lang naman yung mga pinag-uusapan katulad ng mga animé na gustong-gusto kong panoorin o kaya mga libro na gusto naming basahin pareho.

"Yung totoo, ano ba'ng meron sa inyo?" tanong ni Kenli nang minsang magkausap kami. "Kayo na ba?"

"Hindi nga, okey?" depensa ko.

Tinutukso ako ni Kenli no'ng mga oras na 'yon. Isa pa 'to. Ilang buwan na rin sila ni Dane, pero t'wing nakikita ko sila, may dalawa silang PDA na inilalabas—public display of affection at public display of anger. Kapag nag-aaway kasi sila, alam ng buong batch. Pero sila talaga yung "guwapo-ganda match" sa 'min—perfect couple.

Kung ako lang, okey na sa 'kin kahit hindi guwapo-ganda match basta true-love match.

"E bakit gano'n kayo?" tanong ulit ni Kenli. "Parang kayo?"

"Kami? Bakit? Ginagawa ba namin yung ginagawa n'yo ni Dane?"

"Oo."

"Oo? Excuse me. Never kaming naghalikan, okey?"

"Paano mo nalaman? Nakita mo? Nakita mo?"

Tawa ako nang tawa kasi kahit di pa nila sabihin, alam kong naghalikan na sila. At heto, inaasar na ako ni Kenli habang inaasar ko rin siya.

"Kapag ikaw, nakita ni Dane," babala ko, "bahala ka diyan!"

"Ilang beses ko namang sinasabi sa kanya na walang panama yung ganda niya sa 'yo."

"WOW. WOW LANG!" sarcastic kong sagot sabay palo. Walang'ya 'to, a.

"Joke lang!"

"May utak naman ako. 'Tsaka di naman ako gano'n kapangit."

Nagsuklay ako, tumingin sa salamin ng face powder ko, at nag-beautiful eyes. HAHA. Nakakatawa yung reaksiyon ni Kenli. Parang nagkukunwaring masusuka.

"Grabe e, 'no? True friend ka. Buwisit."

"Joke lang. Maganda ka naman e . . . sa mata ni Mark."

"Weh. Weh. Weh ka talaga."

Na-conscious tuloy ako. Pumunta ako ng banyo at saka nag-ayos. Nando'n yung ibang batchmates ko na tinanong din ako kung ano'ng status namin ni Yuan, at natural, ang sabi ko, "Wala, friends lang kami."

Hindi ko alam kug gusto ko ba 'tong ituloy. Gusto ko lang maging masaya at magkaroon ng happy crush. Parang gano'n.

Pero, siguro, puwede rin.

Pumunta ako sa locker at nagulat akong nakabukas yung locker ko. Nagulat ako nang may makita akong pagkahaba-habang pulang tela na hanggang paa ko pa. Hala, ano 'to? Meteor Garden?

No'ng una, hindi ko pa pinahalata sa mga kaklase ko, pero may nakakita tapos poof. Nag-"yikee!" na sa 'kin yung mga tao. Utang na loob. Ano 'to?

May nakasulat pa: ikaw ang aking susunod na biktima. What the hell?

"Oy! Sino'ng may gawa nito?" patanong ko nang pasigaw.

Tawa lang sila nang tawa. Grabe, supportive classmates e, 'no?

"Bakit mo kasi iniiwang bukas 'yang locker mo?" tanong ni Kenli.

"FYI, hindi ko 'to hinahayaang bukas."

Gakuwesaribig (Book 1 of the Gaku Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon