Chapter XXXI

67 18 9
                                    

Isang linggo na ang lumipas matapos ang university meet kung saan tinanghal na overall champion ang MU, at bumalik na sa normal ang lahat. Naging abala muli ang mga estudyante at nagsimula ng maghanda para sa paparating na finals exam.

Kababalik lang ni Thiago ng kanyang kwarto at kabababa lang niya ng kanyang bag nang makarinig siya ng katok mula sa labas. Agad naman niyang binuksan iyon at bumungad sa kanya ng isang pamilyar na lalaki. Isa sa mga officers ng SSG.

"What is it?" nakasimangot na tanong ni Thiago sa lalaki. Nakatalikod ang ID nito kaya hindi niya makita ang pangalan at course nito.

Tinitigan ni Thiago ang lalaki at pinagmasdan niya ang pagkilos nito. Hindi pa rin kasi ligtas ang e-sabong ni Lucas at naisip niyang baka hinuhuli lang siya ng lalaking nasa harapan niya ngayon.

"I'm just here to give this invitation," sabi ng lalaki sabay abot ng isang asul na sobre na may gintong lining, ang kulay ng MU. Kasunod noon ay ang isang magazine. "Also your personal copy of Aureum Gazette Special Edition. Nandito 'yong faces of MU. "

Kinuha ni Thiago ang mga iniabot ng lalaki at pagkatapos ay muli niya itong tinignan ng matalim. "This is an invitation for what?"

"Just read it. Pasensya na at ngayon ko lang iyan naibigay," sagot ng lalaki bago magpaalam at umalis.

Pinagmasdan ni Thiago ang papalayong lalaki bago isinara ang pintuan habang nagkakamot ng ulo. Tinignan niya ang mga hawak at napaisip siya kung para saan ang imbitasyon na natanggap niya. Kaya naman dali-dali na niya iyong binuksan at binasa.

"Victory party for the faces and university meet winners, huh? I see," komento ni Thiago matapos mabasa ang imbitasyon at pagkatapos ay ibinato niya iyon sa kanyang kama. Hindi na rin niya binuklat ang kasama noong magazine at ibinato na lang din iyon sa kama. "What a waste of time..."

Akmang magbibihis na sana siya nang makarinig siyang muli ng malakas na pagkatok. At sa lakas noon ay alam na niya kung sino ang nasa labas at naghihintay sa kanya.

"Ano'yon, Mr. Gangster?" bungad ni Thiago pag bukas niya ng pintuan.

"Damn! You know me already," nakangising banat naman ni Thunder sabay tukod sa pintuan ni Thiago.

"So what now?"

"Ang lupit mo palang model?" biglang tanong ni Thunder.

"What in the world are you talking about?" kunot noong tanong ni Thiago.

Inilabas ni Thunder ang nakabilot na school magazine sa likuran niya at nakangising iniharap iyon kay Thiago. Eksakto sa mismong pahina kung nasaan ang mga larawan ng binata.

"See?! What the hell?! I didn't know you have this side," pang-aasar ni Thunder na sinundan ng malakas na pagtawa.

Nagsalubong ang mga kilay at nakusot ang mukha ni Thiago. At padabog niyang isinara ang pinto.

"Get lost, you freak!"

"Nagbibiro lang ako!" sabi ni Thunder sabay katok uli. "Hindi ka na kasi nagpaparamdam sa tropa. The last time was at Ariston's place pa. Hinahanap ka na nila."

"I'm busy preparing for the finals. Now, get the hell out of here!"

"Alright, alright. But you look so worried these past few days. Maybe you should already confess."

"Confess what?" madiin na tanong ni Thiago sabay bukas ng pinto.

"Your feelings towards Paisley," nakangiting sagot ni Thunder sabay sandal sa pader at tingin sa mga kuko sa kamay.

"What the hell, Thunder?!! Umalis ka na kung wala kang sasabihing maganda."

"Nope. This is just a friendly reminder, Tisoy. After the university meet, Paisley became so popular. At napakarami ng lalaki ang umaaligid sa kanya. If you keep on stalling, then baka maunahan ka. Ikaw rin."

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora