Pagkatapos noon ay umalis si Thunder sa pagkakasandal at nagsimula ng lumakad papalayo. "Punta ka na lang sa den kapag okay ka na," sabi nito sabay kaway ng hindi man lang lumilingon kay Thiago.

Napabuntong hininga na lang si Thiago habang isinasara ang pinto ng kwarto. Alam niyang tama ang sinabi ni Thunder, at bigla siyang nakadama ng pagkairita. Hindi niya alam kung bakit pero nakadama siya ng inis nang marinig na maraming lalaki ang umaaligid ngayon kay Paisley.

Napatingin si Thiago sa invitation letter sa kanyang kama at kaagad niyang kinuha ang cellphone niya para tawagan si Paisley.

"Hey, uhm... I just called to ask... uhm... are you... going to the victory party?"

"Oh! You got an invitation too, Thiagobels? Yeah! I'll go there. I was about to ask you about it."

"Uhm, if you'll go then I'll go."

"Talaga ba?" masayang sagot ni Paisley. "Buti naman at hindi ko na kailangang mamilit pa. Oo nga pala. I got a copy of the magazine. Grabe pinagkaguluhan ka sa choir club!"

"Whatever, Paisley. Sige na. See you tomorrow. Okay?"

"Okay. See you tomorrow. Buti na lang tumawag ka kaagad. Kanina pa may nangungulit sa akin na maging escort ko raw sa party, eh."

"Then say no," pagalit na sagot ni Thiago. "Sino ba 'yan?"

"Wala, humindi naman na ako. Sige na. Nagagalit ka na, eh."

"Baka naman... mag-ano ka pa d'yan sa... ano..."

"Ano?"

"Wa-wala. Sige na. See you tomorrow."

Ibinaba ni Thiago ang tawag at umupo siya sa kanyang kama.

"I'll make sure na hindi ka mapopormahan ng iba," sabi ni Thiago habang nakatingin sa cellphone niya. "Damn it! Bakit ganito ang pinagsasasabi ko?!" Pagkatapos ay sinundan iyon ng malakas na sigaw at pagbagsak niya sa kama.

Noong gabing iyon ay hindi makatulog ng maayos si Thiago. Uuwi sana siya at pupunta na lang sa venue, ngunit napagalaman niya mula kay Paisley na sabay-sabay pupunta doon ang mga imbitado gamit ang buses ng Celerio Transit Corp, na pagmamay-ari ng pamilya ni Ariston. At na iyon ang gusto ng dalaga.

Wala naman na sana siyang paki doon. Hanggang sa naisip niya na baka may tumabi kay Paisley na iba, at ayaw niya iyong mangyari. Ayaw naman niyang kontrahin ang gusto ni Paisley. Kaya naman hindi na niya pinapunta pa si Mang Jerry para sunduin siya.

"Damn it! What should I do? Why am I overthinking about something I should not?!" inis na tanong ni Thiago sa sarili. "Wait, I think I should be worried. Baka... Arhg!"

Hanggang sa muling bumalik sa isipan niya ang sinabi ni Thunder na baka maunahan pa siya ng iba kay Paisley. Hindi maintindihan ni Thiago ang nararamdaman niya. Pero isa lang ang sigurado. Ayaw niyang may iba na lumapit kay Paisley at lumandi rito.

At nakatulog na lang siya kaiisip kung selos, o kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa ngayon.

Kinabukasan ay sinimulan lang ng normal ni Thiago ang araw niya. Nag-usap sila ni Paisley noong umaga, pero hindi rin iyon nagtagal dahil kailangan pang mag-ayos at maghanda ng dalaga para sa paparating na party. At si Thiago naman ay pinalipas lang ang oras sa pagbabasa ng libro.

Hanggang sa dumating na ang oras ng kanilang pag-alis papunta sa venue ng party.

May ilang mga bus ang nasa harapan ng MU, at agad na hinanap ni Thiago ang bus para sa faces of MU. At napangiti siya nang makitang magkakasama ang faces of MU at ang mga nanalo sa music competitions.

Bago umakyat ay inayos muna ni Thiago ang kanyang buhok habang nakaharap sa babasaging pintuan ng bus. At nang matapos ay dineretso naman niya ang kulay itim na casual jacket niyang suot. Pinagpag niyang ang harapan noon, at pagkatapos ay sumakay na siya ng bus.

Kaagad na napunta sa kanya ang tingin ng mga taong naroon. Nagbulungan ang ibang mga babae habang nakatingin sa kanya pero hindi na niya pinansin iyon. Ang kaagad niyang hinanap ay si Paisley pero ang tanging nakita niya na kakilala niya sa loob ay si Lucas. Nasa bandang dulo ito. Katabi nito sa bandang bintana ang isang babaeng palaging may hawak na cellphone at panay ang selfie. Ang babaeng palaging umaaligid kay Lucas.

"Yow, paps!" bati ni Lucas kay Thiago.

"Lucas, where are the others? Ariston?"

"Nasa ibang bus ata sila. May buses kasi para sa mga athletes."

Tumango si Thiago bago umupo sa katapat na upuan nila Lucas sa gawing kanan.

"Lucas, picture tayo." Napatingin si Thiago sa babaeng katabi ni Thiago.

"Ano ba, Mona? Kanina ka pa picture ng picture," reklamo naman ni Lucas habang pilit na tinatakpan ang kanyang mukha.

"Sige na. Isa lang."

"Isa lang? Eh, kanina ka pa nga kuha ng kuha ng picture ko."

"Eh, puro candid naman 'yon. Dali na!" Pilit na ibinaba ni Mona ang kamay ni Lucas at wala ng nagawa ang isa kung hindi ang pagbigyan ang makulit na dalaga.

Noong una ay nakasimangot pa si Lucas. At napangiwi na lang si Thiago nang makitang nakangiti at naka-pose na rin ang kaibigan sa camera ni Mona.

Maya-maya ay umingay ang bus. Nagtayuan ang mga lalaki at agad namang sinilip ni Thiago kung sino ang dumating at napangiti siya nang makita si Paisley. Suot nito ang isang napakagandang ngiti at talagang agaw pansin kulay itim at napaka-eleganteng night dress na suot nito.

"Ms. Paisley, dito ka na umupo sa tabi ko," sigaw ng lalaking nakaupo sa bandang harapan ni Thiago. Tumayo pa ito para makita ng dalaga. Hindi pa nakikita ni Paisley si Thiago, kaya naman lumapit ang dalaga sa lalaking nag-alok ng upuan.

Tumayo si Thiago at hinawakan ang lalaking tumawag sa dalaga. At pagkatapos ay buong lakas niya itong ibinalik sa pagkakaupo. "Paisley will sit beside me."

"Ha?" sabi ng lalaki sabay tingin kay Thiago. "Eh kanina ko pa nga siya hinihintay. I reserved this seat for.... ah!"

Lalong idiniin ni Thiago ang kamay niya sa balikat ng lalaki sabay titig dito ng masama. "Why? Who the hell are you?"

Agad namang tumayo si Lucas. Inalis niya ang kamay ni Thiago sa lalaki. "Paisley will sit next to Thiago," mahinahon na sabi ni Lucas sa lalaki. "Please. Kung gusto mong makapunta sa victory party."

Muling napatingin ang lalaki kay Thiago pero nang makitang masama pa rin ang tingin nito sa kanya ay kaagad na lang itong gumilid.

"Thiagobels, you're scaring people. Ano bang nangyayari?" tanong ni Paisley pagkalapit nito kay Thiago. Nakasimangot ito, pero ngumiti rin nang bahagya nang humingi sa lalaking inangasan ni Thiago.

"I don't want you to be sitting next to someone else," sabi ni Thiago. Nakakunot noo pa ito at magkasalubong ang kilay.

"Ayyiiiieeee!" sabay-sabay na sabi ng ilang naroon.

"OMG! Love is in the air!" sigaw naman ng isa sa mga kaklase nila Thiago na nakasama ni Paisley sa contest.

Pero hindi iyon pinansin ni Thiago at nakatingin lang siya kay Paisley.

"I'm sorry," nakangiting sagot ni Paisley. "Don't worry. I won't be sitting next to someone else except you."

Muling napuno ng sigawan ang bus. Habang si Mona naman ay inaaway ni Lucas dahil kanina pa ito kumukuha ng video ng nakakakilig na tagpo bago sila pumunta sa victory party ng Montecillo University. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now