"HAHAHAHA. Lika na Keisha nasa labas na si Gary." Bat akalain mong pinaglololoko niya lang pala ko?

Batukan ko nga!

"Aray ko naman Keisha! Ang bigat ng kamay mo para kang si Karen e." Sabi niya habang hawak-hawak yung ulo niya.

"Leche. Umaangal ka ba?" Sabi ko habang bumababa ng sasakyan.

"Nakakainis para ka talagang si bossing. Tsk." Bastos na to. Nauna pang maglakad sakin. Buti pa si Blake inalalayan ako sa paglalakad.

"Teka naiwan ko pala yung baril ko." Babalik na sana ko sa kotse ng pigilan ako ni Pia.

"Eto o dinala ko na."

"Bakit ka pa bumaba? Maiwan ka na dun. Mabilis lang to."

"Ayoko nga dun. Sama na lang ako." Pamimilit niya kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Naglakad na kami sa may gilid nitong hide-out nila at nakita ko si Gary na nakatali sa isang silya habang nakayuko.

"Bagay ka diyan sa pwesto mo." Bumaling siya sakin. "Pero mas bagay sayo ang nakahiga sa kabaong."

"ANO BANG KASALANAN KO SAYO HA?"

"Sakin wala, pero sa asawa ko meron." Lumapit ako sa kanya habang hawak-hawak yung baril ko.

Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas. "Masakit ba?" Tanong ko sa kanya. Pinakalag ko yung tali sa kamay at paa niya. Tsaka ko siya hinampas ng baril sa ulo kaya napaupo siya sa sahig. "Dapat sayo pahirapan muna bago patayin dahil wala kang puso. Paano mo nagawang pumatay ng mga tao? Napaka-demonyo mo. Swerte ka pa nga nabuhay ka pa ng matagal pero malas mo nakilala mo ko."

"PATAYIN MO NA LANG AKO KUNG PAPATAYIN MO. DAMI PANG SATSAT E." Sigaw niya.

"BAKIT KA BA NAGMAMADALI HA? WAG MO NGA AKONG PANGUNAHAN!" Sigaw ko din.

"Miss Keisha kalma lang po." Inabutan pa ko ng tubig ni Val.

"Thanks." Uminom muna ko para kumalma.

"Akin na yung folder." Inabot sakin ni Chris yung folder. Well kukunin ko lang naman lahat ng kayaman niya.

Tinayo na nila si Gary at pinaupo ulit sa upuan.

"Sign this."

"Ayoko."

"PIRMAHAN MO."

"ANO KO G*GO? PAPATAYIN MO DIN NAMAN AKO DIBA BAKIT KO PA PIPIRMAHAN YAN?!"

"Okay. Kalahati na lang naman ng kayaman mo yung hindi ko pa nakukuha e." Naalala niyo bang may pinapirmahan si zach sa kanya dati? Yun pala yun. Bayad dun sa ginamit naming pera para sa acution. Bait ni Zach no? Hindi niya pa kinuha yung lahat ng pera niya. "Abuloy ko na lang sayo yun."

"Bibigyan kita ng chance tumakas. Pagbilang ko ng tatlo, dapat wala ka na sa harapan ko."

"Paano naman ako makakasigurado na hindi niyo ko babarilin pag tumakbo ako?"

"Aba akalaian mo nga naman. Ang kapal pala talaga ng pagmumukha mo no? Ikaw na nga ang binigyan ng chance maarte ka pa. Tsk. Pero sige pagbibigyan kita." Bumaling ako sa mga kasama ko. "Ibaba niyo ang mga baril niyo." Parang naguguluhan naman sila. Hindi kase nila alam tong plano ko. Ang alam nila babarilin ko lang agad si Gary.

"Ibaba niyo na para naman makatakas na siya."

"Keisha naloloka ka na ba? Bakit mo papakawalan yang h*yop na yan?" Galit na sabi ni Kane.

"Ibababa niyo ba yan o kayo ang babarilin ko?" Tinutukan ko sila ng baril.

Sabay-sabay naman silang nagbaba ng mga hawak na baril. Masunurin naman pala sila e. Very good.

"I'll count three. Dapat wala ka na sa harapan ko." Humarap na ulit ako kay Gary.

"Okay let's start.." Nagsimula na syang tumakbo palayo. Kitang-kita ko naman ang mga galit na mukha ng mga kasama ko.

"One..." Pagsisimula ko sa bilang.

Lalong nagmadali sa pagtakbo si Lincon ng makarinig ng bilang mula sakin.

"Two.."

"Ano bang ginagawa mo Keisha? Bakit mo pinakawalan si Gary? Hindi mo ba alam yung ginawa niya sa pamilya ni boss?" Galit at inis lang ang mababakas mo sa boses ni Kane.

"Just watch and learn." Humarap na ulit ako kay Gary. "Three."

BOOM

Sumabog na si Gary. Kanina nilagyan ko siya ng maliit na time bomb. Sobrang liit lang nun na dinikit ko sa katawan niya kanina.

Bumaling ako kila Kane na tulala pa din dahil sa nangyari. "Tara na guys." I said.

"Pano mo nagawa yun?" Biglang tanong ni Kane sakin ng makabawi sa nangyare.

"Keisha's move." I winked at him before heading to our car.

Goodbye Lincon.

2 down, 1 more to go.

***

Yes naman! 20.1k reads na tayoo!! Thank you guys!!! Mwa :*

PS: 22k reads bago and next chapter. (Sorry demanding) Haha.

Nadagdagan. Last 4 chapters before epilogue. :)

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Where stories live. Discover now