Chapter 16

24 5 0
                                    

DENIECE POV.

Lunch time, kasama ko silang Zyonne, Shantelle, Angela, Edward, at Eros na pumunta sa canteen. Halata ang relasyon na ngayon nina Zyonne at Shantelle dahil sa paraan ng paghawak ni Shantelle sa braso ni Zyonne.

"Order na kayo," wika ko sabay pagtataboy sa kanila.

"Anong kayo? Ikaw pala? Hindi ka o-order?" tanong ni Edward bigla kaya napatingin ako sa gawi niya. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis at saka umayos ng upo.

"Ikaw."

"Anong ako?" takang tanong ni Edward.

"Ikaw ang mag-o-order sa 'kin," wika ko at saka bumalik sa pagkakasandal sa upuan pero natigilan ako sa sunod niyang sinabi. Napaturo naman siya sa sarili niya.

"A-Ako? Mag-o-order 'din ako ng para kay Angela. Dalawa 'lang ang kamay ko at hindi apat," wika nito at saka nag-kompas pa ng kamay. Sunod kong tiningnan ay si Zyonne, agad naman nanlaki ang mata nito at saka napunta sa gawi ni Shantelle ang mata niya.

"Si Shantelle 'din o-o-orderan ko." I dong see it coming. Shit, Ang ganda na ng pagkaupo ko rito tapos papatayuin nila ako para mag-order. No way!

Aakmang tatayo na sana ako pero hinawakan ni Eros ang balikat ko at pinabalik ako sa pag-upo. Para akong namahika sa paghawak niya at napabalik 'rin sa pag-upo.

"Ako na ang mag-o-order para kay Den-Den," wika ni Eros at saka nauna ng maglakad papunta sa counter. Namilog naman ang mata ni Zyonne habang nakatingin sa 'kin. Walang pakialam si Shantelle at naupo na 'lang habang si Angela naman ay kinindatan ako.

Umawang ang labi ni Zyonne habang nakatingin sa 'kin na agad namang sinirado ni Edward ang bibig nito at saka hinila na paalis na papunta sa counter.

A couple of minutes later, bumalik na ang mga boys at sabay na kaming kumain. Napangiwi na 'lang kaming lahat dahil sa sobrang sweet nina Edward at Angela. Napakamot pa si Zyonne at ilang sandali pa ay hinarap na nitong muli si Shantelle.

"Say ahh," wika nito pero inirapan 'lang siya ni Shantelle at nagpatuloy ito sa pagkain. Nawala ang ngiti sa labi ni Zyonne at nauwi 'yun sa ngiwi.

"Did you notice guys?" tanong ni Edward kaya agad na nabulunan si Zyonne at sinamaan niya agad ng tingin si Edward.

"Ano naman 'yun?" takang tanong ko sabay subo ng kanin.

"Partner-partner pala tayo, oh. Promise niyo sa 'min ni Angela na sabay-sabay tayong magpakasal—." Hindi natapos ni Edward ang sasabihin niya ng biglang nabulunan si Shantelle. To the rescue naman si Zyonne at agad na inabutan ng juice si Shantelle at agad na sumimsim doon si Shantelle.

"Lapit ka nga rito, Edward." Kinaway ko pa siya pero sinimangutan niya 'lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Alam niya kasi na gusto ko 'lang siyang batukan.

"I-I'm just kidding," nauutal na wika ni Edward sabay depensa ng kamay niya ng aakma akong tatayo.

Pagkatapos ng lunch namin ay bumalik ako sa classroom. Lihis na 'rin ang daan namin ni Eros dahil hindi ko siya pinasama sa room namin.

Agad na nabaling ang atensyon ko sa wall clock na nasa itaas ng blackboard namin pagkalapag ko nang bag. Already twelve thirty pa kaya may thirty minutes pa akong hihintayin. Napagdesisyunan ko na lumabas na 'lang ng classroom.

Pagkalabas ko ay napalingon ako sa right wing at napansin ko doon ang sirang pintuan. In my stay here in HCAS, matagal ko ng pansin ang sirang pinto na 'yan pero hindi ko sinubukang pumasok. As a curiosity strike me, napagdesisyunan kong puntahan.

Pagkapihit ko ng pinto ay tumunog ito dahil sa sobrang sira at napangiwi pa ako. Agad ko yung tinulak at pumasok na sa loob. Napangiwi pa ako ng isinara 'yun. Bumungad sa 'kin ang abandonadong silid at puno ng alikabok ang paligid at sapot ng gagamba.

Take A Rest On My ShoulderΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα