Chapter 8

35 8 1
                                    

DENIECE POV.

Napagkasunduan namin ni Edward na sabay kaming kumain sa cafeteria. Sumabay na 'rin sa 'min si Zyonne na sa 'min kaya panay ang exhale inhale ko dahil sa nalaman ko 'nang si Zyonne ang sumusunod sa 'kin.

"Hello Den-den," ngising asong wika ni Zyonne. Kumuyom ang kamao ko na handa na sana siyang batukan. "T-Teka, bakit parang kakain ng tao kung makatingin sa 'kin si Den-den?"

"Sarap mo kasing balatan ng buhay," pabulong na wika ko at saka sumandal sa upuan. Nanlaki ang mata niyang tumingin kay Edward.

"Ikaw kasi 'eh. Tinakot mo kasi si Den-den." Nginuso pa ako ni Edward ngunit umirap 'lang ako.

"Anong ako?" Depensa ni Zyonne habang nakaturo sa sarili niya. "Sinong pvtcha ang nag-imbento ng kuwento para takutin si Den-den?"

"Kayo talagang dalawa ang maygawa!" inis na wika ko at saka napatingin sa kanilang dalawa. Kaniya-kaniya naman silang umatras at saka nanghila ng upuan na malayo sa 'kin.

"Atleast, 'di ako takot sa multo." Pinukol ko agad ng masamang tingin si Edward kaya napalunok siya at nag-iwas sa 'kin ng tingin.

"Makiupo 'lang." Agad umangat ang tingin ko sa dalawang babae at isang lalaki nakatayo sa harapan namin. Si Shantelle, Angely, at Eros. May dala-dala silang tatlo na tray at malapad ang ngiti ng dalawang babae habang si Eros naman ay seryoso 'lang ang kaniyang mukha.

Kung tutuusin para na silang magkamukha ni Lianne dahil sa palagiang seryoso nilang mukha. Iisipin ko na magkapatid sila but, scratch that because he's Hernandez while Eros is a Montefalco.

"Sure! Kayo pa," wika ni Edward at naglakad ng kamay. Aakmang uupo na sana sa tabi ko si Eros pero agad hinila ni Edward ang silya at pinaupo agad si Angely. Kitang-kita ko kung paano umiba ang timpla sa mukha ni Eros kaya napangiti na 'lang ako ng lihim.

"Ikaw lalaki kaya ikaw ang mag-adjust. Kumuha ka na 'lang ng ibang silya sa kabilang mesa," bulong ni Edward bago iginaya si Angely paupo.

"Tsk." Agad akong napaangat ng tingin sa madilim na mukha ni Eros at saka naglakad na sa kabilang mesa at nanghila ng silya. Doon siya agad naupo sa tabi ko kaya medyo na-a-a-akward ako dahil sa sobrang seryoso niya.

Nang magawi sa 'kin ang tingin ni Eros ay agad akong nag-iwas ng tingin. Pinipili kong ngumiti kina Shantelle at Angely kahit na ang sobrang kabog na ng dibdib ko.

"Bakit 'di ka 'pa kumakain ng lunch?" mahinahon na tanong sa 'kin ni Eros. Parang nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses niya.

"Diet kasi siya," singit ni  Edward sabay subo ng pagkain. Agad naman akong napatingin sa gawi niya at napasimangot. Mabuti pa siya, ano? Alam niyang diet ako, ako kasi hindi.

"Angely, baka gusto mo ng steak? Treat kita," nakangiting wika ni Edward sabay harap kay Angely. Inilayo naman ni Angely ang nalalapit na mukha sa kaniya ni Edward.

"Huwag na," wika nito sabay subo ng pagkain.

Agad akong napalingon sa gawi ni Eros ng biglang inurong ni Eros ang silya niya at saka napatayo. Walang pasabi-pasabing pumila ito sa counter ng cafeteria.

"Ano ang gusto mo pala? Burger? Steak? Sa'yo na 'to, ohh," wika nito sabay tulak ng steak palapit kay Angely. Agad namang kumuha ng kutsilyo si Angely at naghiwa ng steak sabay subo. Napatangu-tango naman siya sabay taas ng hinlalaki niya.

"Ma...rap ba?" tanong ni Edward habang ngumunguya. Agad naman siyang binatukan ni Angely kaya napaubo ang huli.

"Sorry na, ikaw kasi eh. Nagsasalita na puno ang bibig, tumatalsin ang mga kinakain mo," wika ni Angely habang hinimas-himas ang likod ni Edward. Ilang sandali pa ay inabutan niya ito ng tubig na siyang ininom naman ng huli.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now