Chapter 1

73 12 2
                                    

Deniece POV.

Kapag pamilya mo na ang magdesisyon para sa 'yo ay wala ka na talagang magagawa lalo na kapag buo na ang pasya nila.

"Mom, Dad. Please, huwag niyo akong iiwan dito," nakanguso kong sabi habang nakahawak sa laylayan ng damit ni Mommy. Nginitian lang ako ng maliit ni Mommy sabay haplos sa buhok ko.

"Hindi naman nangangagat 'yang mga Hernandez," wika ni Mommy. Hindi pa 'rin ako kumbinsido. What if, bampira pala ang pamilyang 'to?

"Let go your mom shirt. Aalis na kami. Magpakabait ka," wika ni Daddy at saka tumayo. Muli, hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Mommy at saka nag-puppy eyes.

"Di 'ba, mahal mo naman ako, mom?" Nakapout kong tanong. Napatingin ako kay Dad na pinanlakihan ako ng mata kaya kagat labi akong napayuko at kiniskis ang sariling palad.

Kunti na 'lang talaga at iiyak na ako.

"Mahal ka namin kaya pansamantala dito ka muna," wika ni Mommy. Nanubig na ang mga mata ko. Nah, kung mahal nila ako bakit kinakailangan pa nilang ipagkatiwala ako sa iba?

It is insane!

"Yung pag-aaral ko," nakangusong wika ko.

"Dito ka na mag-aaral. Ako ang nag-enroll sa 'yo kahapon sa HCAS."

Nanlaki ang aking mata at napatingin kay Daddy na gulat na gulat.

What the hell!

"What's problem, Deniece?" tanong ni Mommy. Umiling na lamang ako at saka naupo saka nag-iwas ng tingin sa kanila.

"Sasabay ka sa anak nila Jessa at Arnold para mabantayan ka palagi." Kunti na lang talaga at iiyak na ako. Mamimiss ko 'yung mga abnormal ko na bestfriend.

"Kumpadre, just take care of my daughter. Hindi namin 'yan pinapadapuan ng lamok."

"Makakaasa ka, kumpadre."

"Sige, aalis na kami."

Mahigpit ang hawak ko sa suot kong skirt at kulang na lang ay mapunit ito. Madiin ang kagat ko sa mga labi ko habang pinipigilan na umiyak.

"Hija, ipapakita ko sa 'yo ang silid mo."

"Sure po, tita." Reluctantly, I forced smile.

Nauna na siyang naglakad paakyat sa second floor kaya sumunod na 'rin ako. Malayo ang iniisip.

Speaking of them. Hindi naman namin kamag-anak ang pamilyang Hernandez. However, according to my parents they're friends since high school. Sobrang-sobra na talaga ang tiwala nila sa pamilyang ito kaya nagawa nilang ipagkatiwala ako. Wala naman silang sinabing rason kung bakit kinakailangan kong tumira rito.

"Den-den." Bumalik ako sa realidad ng biglang may tumawag sa 'kin kaya napatingin ako kay Tita Jessa.

"Ano ho 'yun?" Awkward akong ngumiti at saka napayuko.

"Maayos lang ba sa 'yo na dito ka muna?" Tanong ni Tita Jessa kaya nag-angat ako ng tingin. Nakarating na pala kami sa silid ng hindi ko namalayan. Masiyado kasing okupado ang isip ko. "Pinalipat ko sa baba ang anak ko. In case na may kailangan ka nasa baba lang kami."

"Ahh, Opo." Ngumiti ako sa kaniya ng malaki. Nagpaalam siyang bumaba kaya naiwan ako sa loob ng silid.

I roam around.

Malaki ang silid. Ang kama ay kulay lila at pink naman ang walls. Nagtataka tuloy ako, babae 'rin kaya ang anak nila? Accordingly, silid ito ng anak niya dati kaso pinalipat niya sa first floor dahil dito na 'raw ako matutulog.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now