Chapter 49 - Secret Letters

Start from the beginning
                                    


Pinahiling ko naman ang katawan ko papunta sa kaliwa. I can't sleep either. Tulog ang madalas kong paraan para makatakas muna sa reyalidad kaya lang pati yata ito iniiwasan pa akong tulungan.


Then, may nakapa ang kamay ko sa ilalim ng unan. Ah! Oo nga pala! 'Yung mga documents! I wasn't able to look at them dahil doon sa creepy girl na iyon. Oh God, Alexandria would you stop thinking about that kid? Mamaya magpakita talaga sa'yo 'yun!


Bumangon muna ako at umupo ng maayos bago kinuha ang mga brown envelopes mula sa ilalim ng pillow. Pinatong ko muna sa tabi ko 'yung iba dahil sandamakmak rin ito.


Kinalat ko muna ang bawat isa sa kama ko para makapili ako ng unang bubuksan. Nang pinagmasdan ko ang mga ito, may napansin ako na kakaiba. Nilapit ko ang mukha ko para maobserbahan ng mas mabuti ang mga ito.


Walang pangalan ng sender o ng receiver. Pero lahat may previous seal ng pamilya namin. Para bang lahat ng ito ay pag-aari lang talaga ng pamilya namin. Kaya lang bakit nakatago sa principal's office? Dating school nina mom and dad ang Mhorfell. Is it possible na noong panahon nina mom, nagsimula na ang mga ganitong weird consequences?


Isa pang nakakuha ng atensyon ko ang mga arrows sa bawat envelope. Buti na lang at nakaayos pa rin ito tulad ng pagkakakuha ko sa office. Baka kasi may kahulugan ang mga arrows na ito. Dinampot ko na lang ang unang una. Green envelope, arrow pointing to North.


Tinanggal ko ang sirang taling nakapalibot dito at nilabas ang isang papel na laman nito. Binasa ko ito maigi kahit medyo mahirap basahin dahil nasa lengwaheng Italyano. Tinuruan naman ako magsalita, magsulat at magsalita ng mga taga ibang bansa noon dahil nga mula sa iba't ibang panig ng mundo ang mga katransaction namin sa business.


Nang matapos ko nang basahin, I concluded that Dela Vegas and Domzelles founded the Lefroma Delazelle University para sa mga anak ng mga bigatin nilang mga kasosyo sa negosyo. Noon, walang scholarship. Gayunpaman, hindi naman naging kakaunti ang bilang ng mga estudyante noon. Nasa ilalim ng pamamahala ng dalawang kampo ang lahat ng bagay sa eskwelahan. At para mas maging kapakipakinabang ang school sa mga anak mayaman na mula sa mga pamilyang namamahala ng mafia at mga business empires, they decided to build a huge basement. Undergound.


What the ... sa ngayon gusto kong magbow down sa mga lolo ko dahil sa mga nakakabaliw nilang ideya. Mula sa pagtatago ng mga heirloom at ngayon ito naman. Ano pa bang mga surpresa ang ibibigay niyo sa akin na apo niyo? Geez.


Sa huling parte ng dokumento ay ang mga pirma ng mga pinuno ng magkabilang panig. Binalik ko na rin kaagad sa lalagyanan nito ang papel nang matapos ko pang suriin kung may kakaibang marka ba dito o ano. Kumuha muna ako ng kahon na pwedeng kong paglagyan ng lahat ng mga ito kapag natapos ko na.


Pagkabalik ko sa kama, sinunod ko na ang pangalawa. This time, 'yung arrow nakaturo sa West. It's a mail, actually. Luma na ito kaya iningatan kong hindi ito mapunit. Base pa lang sa likuran ng papel, masasabi mo ng maiksi lang ang nakasulat dito. Binasa ko ng malakas ang liham.



"Para sa pinakamamahal kong Alexandra,

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Where stories live. Discover now