Chapter 136: Black Angel

Start from the beginning
                                    

"Ang aga naman." bulong ko kay Kuya Lath pagkababa ko. Itong Hawaiian boy na 'to naka-sunglasses nanaman na akala mo ang init init e umuulan nga sa labas e.


"Putangina mo daw Mayux sabi ni Chevian." usal ni Kuya Lath. Binatukan ko siya. "Hindi ko sinabi 'yon!" dinepensahan ko ang sarili ko kay Mayux na agad kaming nilingon.


Hindi nagsalita si Mayux at tumingin kay Aexl na nagsasalita. I feel so saved. Agad ko namang hinampas si Kuya Lath na bumubungisngis.


"Let's wrap it up. We need to go." Boss Eiko peeked from the door. Si Cris sumilip din bigla, kumaway agad ako, Cris giggled and waved his hand.


Habang nasa bus at katabi si Kuya Aexl kumuha ako sa kinakain niya. Tinignan niya ako kaya ngumisi ngisi ako. "Penge."


"Patay gutom." asik niya sa akin. Dumila lang ako at nakikain sa pagkain niya.


"Stop the bus!" Boss Euriel suddenly stood up, papalabas na kami sa subdivision e. Huminto rin naman agad ang bus. "I need to go to Euphi's boothcamp. Aexl, Coach, kayo na muna bahala."


Napatingin ako kay Boss Euriel na nagpa-panick, sinunod ko namang tignan si Kuya Aexl na napahinto sa pagkain at seryoso ang mga matang tinignan si Boss.


"Bakit? Anong nangyari?"


"Euphrasia collapsed. I'll follow na lang sa arena. Ikaw na muna ang bahala Aexl."



Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Kuya Aexl. Pero tumango siya kay Boss na agad namang bumaba at kinuha ang motor ni Boss Yuri, nakasunod kasi ito sa likod namin. Umakyat tuloy ang pangalawa sa apat na magkakapatid.


"Kuya?" I checked on him. Halata namang gusto niyang sumunod kay Boss.


"I'm okay." tumango si Kuya Aexl. "Lachlan is there, Euphi is fine. Pwede akong pumunta ron mamaya."


Hindi na ako nagsalita pa, nag-iba kasi agad ang awra niya, he doesn't seem so pleased. He looks like he's trying to calm down but he couldn't.


"Euphi will be fine." Boss Yuri seated in front of us. "Think of your own group. Sumunod na si Kuya, walang may mangyayari."


Pagkarating na pagkarating sa arena, tinawag agad kami para sa interview. We finished in a span of half an hour and that's the time another group appeared in the scene. It was Luctor et Emergo, Kuya Kenji is walking in front and being followed by the others. He's the second in command after all.


"Luctor et Emergo, stand by for a minute." one of the staff said. They politely respond.


That made me think of how people keep criticizing this group, especially their Captain. Maybe, that's because they're a threat, not in a bad way naman. They're one of the rising group in this season, marami talagang maghahanap ng paraan para ma-cancel tong mga 'to.


"Oy Pre!" nakipagbatian ako kina Langston, Haruto at Dylan. Si Chester na lang ang kulang at kumpleto na rin kami, sayang at di nga nakapasok ang Silent Peace pero ayos lang, nag-chat kasi ang mokong na 'yon na manunuod siya kaya magkikita kita parin kami.


"Kamusta si Euphi?"


Nang marinig ko si Kuya Aexl agad akong tumingin sa gawi nila. Kaharap niya si Kuya Lucius, Kuya Kenji at Kuya Lachlan.


"Umiyak nung paalis kami, gustong maglaro. She's okay but need monitoring because of asthma. She collapsed dahil na rin sa pagod at yun nga..."


Sumalang ang LEM, nagpaiwan ako kasama si Kuya Aexl para manuod. Yung iba, magi-ikot raw muna, magi-ikot talaga ang mga 'yon dahil may mga bulate sila sa pwet.


District Survival OnlineWhere stories live. Discover now