Chapter 51: Officially Married

76 7 3
                                    

August 27, 2024

Pagpasok ko sa bahay agad akong dumulong sa kwarto ni Kuya Euriel. Wala ang mga bebe nila dahil nasa hotel kasama ang mga magulang nila.

"Kuya."tawag ko. Lumingon siya sa akin. Mamayang Sunset pa nang hapon ang kasal nila.

"Oh. Ilang araw kang hindi umuwi rito."sabi ni Kuya. Ngumiti lang ako at agad na lumapit sakanya.

Agad akong yumakap sakanya.

"Ikakasal na kayo, maiiwan na talaga ako, pero ayos lang, mabait naman sina Ate eh."humigpit ang yakap sa akin ni Kuya kaya nagpigil akong huwag maluha.

"Are you happy?"he asked suddenly. Napatango ako.

"Oo naman. Partner ko si Aexl eh."pagbibiro ko at tumawa. Natawa si Kuya.

"Pagkayo magkatuluyan ewan ko na lang."agad akong humiwalay sakanya.

"Ayoko nga. Mandiri ka nga, magkaibigan lang kami no!"I affirmed causing for him to laugh.

"Wow ha, diring diri akala mo kung magharutan magjowa eh."agad ko siyang hinampas.

"Pero hindi, you can do whatever you want. Graduate na talaga yata kami sa pagpipigil sa'yo."sabi ni Kuya.

Napanguso ako."Hindi ah. Kahit may asawa na ako susunod parin ako sainyo no."

He didn't utter any words. Wala ako sa sariling napaluha habang tumatawa nang napaluha si Kuya Euriel at agad akong niyakap.

"You're still Kuya's baby."

"Hindi ako sweet pero... Mahal kita Kuya, alagaan mo si Ate Aureex katulad ng pagalaga mo sa akin."

"I will baby, I will... Now go to your Kuya Yuri and Kuya Eiko."he said. I smiled. Humalik ako sa pisnge niya bago naglakad palabas.

Pagpasok ko sa kwarto ni Kuya Yuri nakita ko lang siya na tinitignan ang picture naming apat.

Dahan dahan akong lumapit kay Kuya. Tumabi ako sakanya kaya napalingon siya sa akin.

"Ang ganda ko jan."sabi ko. Inakbayan niya ako at hinalikan sa noo.

"Magiging maayos ka ba rito?"he asked.

I nodded,"Asus! Oo naman! Ang strong ko kaya! 'Yang mga Tiyahin natin! Basic lang iyan sa akin. Maayos lang ako rito, kaya kayo, dapat ienjoy niyo ang bagong buhay niyo. Wag niyo kong intindihin."nakangiting sabi ko kahit hindi naman talaga ako okay.

All I wanted to say for truth. Hindi ako okay at pagod na pagod ako. I keep hiding everything with my smile pero ayos lang, kaya ko.

"All I worried for everything is you Euphrasia, kahit sabihin mong maayos ka lang rito hindi parin ako kampante. Euphrasia, sister before everything else ako, kahit magiging Asawa ko na ang Ate Xleen mo. Kahit may Anak na ako, ikaw parin ang iintindihin ko."

"No, Kuya. I'm really good, I'm happy honestly. Masaya ako sainyo. Masaya kayo Masaya na rin ako. Buong buhay niyo ako ang iniintindi niyo kaya magenjoy kayo ron."

Humarap sa akin si Kuya. He cupped my face and examine my face.

"You're still Kuya's Princess, walang magbabago. I love you, baby."

Yumakap ako kay Kuya Yuri,"Mahal rin kita Kuya. Kung gaano ang pagintindi mo sa akin pasobrahan mo kay Ate Xleen, may kaniya kaniya tayong buhay Kuya pero wala lang kalimutan. Mamimiss ko kayo."

"Matured ka na. You're making me cry."natatawa akong napahiwalay kay Kuya Yuri at tinignan siya.

Tumulo na ang mga luha niya kaya napaluha na rin ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now