Chapter 43: The Result

95 8 3
                                    

REAL WORLD

Pagtanggal ng Nerve Gear agad akong napatili na sinabayan rin ni Ate Samsam. Agad siyang lumapit sa akin at nakipagyakapan.

"Congratsulations Beh!"

Napatawa ako,"Thankyou Ate!"

"Bumaba ka na ron at kumain, alas tres na. Kinginang labanan niyo ni Euriel"sabi ni Ate Samsam kaya natatawa akong napatango.

Bumaba na nga rin ako para kamustahin sina Trevon at Chevi na
kalaban ko kanina, sa pagkakaalam ko sa sala sila pumwesto.

Pagbaba ko agad ko silang nakita na nagkukumpulan sa Sala. Maliban kay Aexl, out of nowhere nanaman siya.

"Ow yes! Panis!"sigaw ko kaya sabay sabay silang napalingon sa akin.

Malakas naman akong napatawa nang nagsireklamo sina Trevon at Chevi.

"Bebs! Ano ba yan!"

"Bub naman eh!"

Natatawa akong lumapit sakanila,"Yan kasi! Nakikipagtsismisan pa."sumimangot naman si Chevi.

"Naks! Congratsulations! Panalo ang Uno!"sigaw ni Arius na dinagdagan rin nila nang hiyaw kaya natawa ako. Isa isa nila akong kinu-congrats.

Pagbukas ng pintuan iniluwa non si Aexl, agad siyang ngumiti nang makita ako at dumulong papunta sa akin. Agad kaming nagyakapan at nagtapikan ng likod habang tumatawa.

"Congratsulations, napakalupit naman. Pati mga Boss natalo."puri niya nang maghiwalay kami.

"Sus, ako lang to."pagmamayabang ko kaya natatawa niyang ginulo ang buhok ko.

Pagbaba nga nina Coach Rodan at Sir Salvion agad nila akong binati.

"Oy, kumain na kayong tatlo ron. Euphrasia, Trevon, Chevian."pagtawag ni Coach Rodan kaya agad kaming pumunta sa kusina at nagsikuha nang pagkain sabay balik sa sala dahil nakaLive stream ang DSO Philippines kasi kahit kami ang nanalo sa District Survival may mananalo parin dahil sa flag na dala.

"Mamayang Alas nuebe pa ang announcement."Sir Salvion informed.

"Ay, napakabobo nitong si Dalion. Sabi alas siete."paninisi ni Aidan.

"Ina mo, itong si Mayux. Sabi I play raw."pagtuturo ni Aidan kay Mayux.

Hanggang sa nagturuan na nga rin sila kaya napailing na lang ang Kapitan nilang nakapwesto sa likod ko, nakaupo kasi ako sa may carpet.

Iilang minuto pa biglang may tumawag sa akin. Napangisi naman ako nang makitang sina Kuya iyon nakikipag VC.

"Hello!"agad kong bati nang makita ang mukha nila.

"[Inamo]"pagmumura ni Kuya Eiko kaya natawa ako. Sinandal ko ang cellphone ko sa may vase para habang kumakain naguusap kami.

"Ina natin!"I answered back.

"[Gago, Congrats!]"bati ni Kuya Eiko.

"[Congratsulations!]"bati ni Kuya Yuri.

"[Congratsulations baby!]"bati ni Kuya Euriel.

Tuwang tuwa naman akong napatawa pero dahil siraulo ako winagayway ko ang gitnang daliri ko. Wala lang hindi ko alam ang isasagot sa congratsulations maliban sa thankyou nang hindi nakakaramdam ng awkward.

"[Sa akin nagmana iyan. Kaya ang lupit!]"pagmamayabang ni Kuya Eiko. Sure magsisimula nanaman sila.

"[Ugok!]"dahil nga ron. Nagsimula nanaman silang magaway kung kanino ako nagmana kaya kumain na lang ako.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now