Chapter 54: Touch of Hunger

59 7 4
                                    

December 3, 2024

"Euphi, ayos ka lang ba? Sorry if I can't stand with you. Natatakot lang rin kasi akong masabihan"sabi ni Eustace. Alas dos pa lang ng umaga pero gising na kaming dalawa, magkatabi kami sa Iisang kama pero iisang kwarto lang kami.

I smiled,"No, it's okay, you don't have to stand for me. Besides, I understand Sierra and Danica, everytime napapansin ko rin na ako na lang palagi ang pinagtutuunan ng pansin that leads for them to be angry at me"I told her. Iilang segundo pa may kumatok sa pintuan, malamang si Loki nanaman at Langston.

"Pasok mga bakla"Eustace and I answer. Both us then laugh.

Pumasok nga sina Loki at Langston. Si Langston pumwesto sa gitna namin ni Eustace habang si Loki sa tabi ko.

"Ano nanaman ang meron sainyong dalawa at nakiki-tresspass kayo rito?"tanong ni Eustace sakanila. Yumakap naman sa akin si Loki kaya hinawakan ko yung kamay niya. Malamang namimiss si Tita.

"Bored sa kwarto. Dito na lang muna kami para makita namin ang kapangitan mo"sagot ni Langston. Napatawa kaming dalawa ni Loki ng tumunog ang uluhan ni Langston dahil sa kaltok ni Eustace kay Langston.

"Tangina talaga nitong si Sauda. Mabait pa naman ako kay hindi ako gaganti"ngiting ngiti na sabi niya. Inirapan naman siya ni Eustace.

"Pero teka seryoso, namimiss niyo ba nanay niyo?"tanong ni Eustace. Eustace told me before that galing siya sa bahay ampunan, napalabas siya dahil nga sa age niya. Naaawa ako kay Eustace dahil hindi ko man lang akalain na ganun pala ang nangyari sakanya habang ako merong bahay at pera ang problema lang ang mga mahadera kong tiya.

"Oo naman, Miss ko na si Lola at Lolo syempre"

Napatango si Loki,"Yes, lalo na yung luto ni Mama. Kung pwede lang talagang umuwi ginawa ko na"total lockdown talaga kami rito sa boothcamp. Pwede namang makagala at makauwi sa mga bahay pero hindi pwedeng magpalipas ng gabi. Ayos lang sa amin dahil mukhang mga wala kaming balak na magsiuwi.

Nang makatulog silang tatlo agad akong bumangon. Lumabas ako sa kwarto at dumeretso sa veranda sa may third floor.

Paglakad ko nakita ko si Lachlan na naninigarilyo habang nakasandal ang mga braso sa may harang. Mag iisang buwan na kaming magkakasama pero masyado siyang tahimik at walang pakialam sa lahat, pareho sila ni Brazil, lol.

"Hi Cap"bati ko at itinukod rin ang mga braso ko. Wala naman may kung anong magandang nakikita rito tanging malamig lang na simoy na hangin ang meron.

Tinanguan niya lang ako at agad na pinatay ang sindi nang sigarilyo niya kahit hindi pa naman ubos.

"Bakit mo pinatay?"I asked him. Nilingon niya ako.

"I don't want you to sniff second hand smoke"he replied. Napatango ako, medyo maconcern rin pala siya kadalsan kasi masungit na akala mo may regla at kailangan ng miltea, prutas tapos dapat hindi mawala ang fries tsaka burger.

"Kamusta ang Principium?"tanong niya at ibinaling ang tingin sa kung saan. Wala ako sa sariling napangiti.

"They're good, those five under you before are doing good, they always tell me that they're moving forward inorder for the previous Captain to be proud of them, everything we do....they do hindi ka nakakalimutan every tournament inaalay sayo, palagi sa aking sinasabi nina Trevon na kahit hindi ka na ikaw parin talaga dahil sayo ang nagsimula ang lahat, tuwing magkakasama kami nagkkwentuhan kami sa kung anong nangyari last season syempre hindi ka mawawala ron"nakangiting pagkwento ko. Pagbaling ko sakanya nakangiti na rin siya. Ngayon ko lang siyang nakitang nakangiti.

Lumapit ako sakanya at inakbayan siya. Nilingon niya ako kaya ngumiti ako.

"Tinalikuran ka man ng mga teammates mo wag mong kakalimutan ang lima na hindi magkamayaw sa pagkwento sayo. Kulang na lang magpatayo kami nang radio station at d'on namin sabihin tungkol sayo like, ganito si Lachlan Lazarus masungit"sabi ko. Bigla siyang natawa at napailing iling na akala mo bentang benta ang pinagsasabi ko sakanya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now