Twenty-Fourth Changed

Depuis le début
                                    


Tumigil sya at tumingin sa akin, nakakatakot ang mga mata nya. Gustong-gusto ko ng tumayo at lapitan si Stephen dahil ang dami na nyang sugat at nadugo na rin yung ilong at labi nya.


"Want to save him?" tanong nya sa akin. Tumingin at kay Stephen at sa Bangtan. Halos lahat sila ay bugbog sarado na. Akala ko ba magagaling kayo sa labanan, bakit ganito ngayon? 


Tumango ako sa kanya. Tinignan ni Mark si Stephen at muli ngumisi na naman sya. Dahan-dahan syang umalis ibabaw ni Stephen tapos lumapit sa akin. Yung mga kasama naman nya ang pumalit sa kanya. Pinagpapalo at pinagsisipa sya. 


"Sabi ko tama na di ba? Tama na tigilan nyo na yan! Maawa kayo sa kanya!" pagmamaka-awa ko sa kanila pero wala silang narinig. Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag-iyak, ayoko ng mga ganito at higit sa lahat ayoko ng nakakakit ng dugo.


Pumunta si Mark sa likuran ko at sinabunutan ako. Hinila nya papaba yung ulo ako, kitang-kita ko na binububog pa rin nila si Stephen habang sila Jimin ay may humahawak sa kanila.


"See that losers? Hindi ka na nila kayang ipagtanggol kasi mahihina sila" sabi nya sa tapat ng tenga ko. 


"Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya. Ramdam ko yung hininga sa tenga ko.


"What do I want? What if I said I want you" napalunok ako sa sinagot nya. 


"Kapag pumayag ako, papakawalan mo na sila?" tanong ko sa kanya kahit na alam kong mapapahamak ako. 


"Of course dear Dana" sagot nya. 


"Paano ako makakasigurong tutupad ka?" paninigurado ko. Hindi ko alam kung anong ginawa nya pero isa-isa nilang binitawan sila Stephen at lumayo. 


"Dana don't" nahihirapang sabi ni Stephen. Maging sila Jin ay umayaw, pero kailangan.


Binitawan nya yung buhok ko tapos tinanggal na rin nya yung tali sa kamay at paa ko.


"C'mon" inilahad nya sa harapan ko yung kamay nya kaya tinigan ko iyon. Nagpalipat-lipat yung tingin ko kay Stephen at sa kamay nya.


Dahan-dahan kong ibinigay sa kanya yung kamay ko, hinila nya ako patayo at naglakad na kami palabas. 


Nunh madaanan namin si Stephen ay pinigilan nya yung paa ko kaya napatigil ako.


"Stephen" tawag ko sa kanya. Umiling sya at mas hinigpitan pa yung pagkakahawak nya sa paa ko.


Binitawan ni Mark yung kamay ko tapos sinipa nya si Stephen kaya napabitaw sya. 


Agad kong pinuntahan si Stephen dahil namimilipit sya sa sakit pero hindi pa ako nakakalapit ay hinila na ako ni Mark.


"Haharang ka pa eh" sabi ni Mark.


Everything Has ChangedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant