Hindi ko alam kung para sa akin iyon o kanino. I can't trust anyone?

"I want to chat more but I need to go. Nice meeting you again, misis Delafranco." Tumayo sya at naglahad ng kamay sa akin.

Tumayo ako agad at inabot ang kamay nya. "I'm sorry talaga sa abala." Sabi ko ulit.

Tumango sya. "Don't mind it. I'll go ahead."

Nanliliit ang pakiramdam ko habang sinusundan ko sya ng tingin palabas. She's not what I thought she is. I made a terrible mistake for her.

"God, Xherry ang tanga mo!" Naiinis na sisi ko sa sarili ko. It's such a bad move! Hindi ko dapat 'to ginawa.

Umuwi akong balisa at sising-sisi. Iniisip ko parin ang nagawa ko dahil sa pagiging desperada ko. I'm such a bad person. Nag-isip agad ako ng hindi maganda sa kapwa ko. It shouldn't be like that.

"Anak?"

Napalingon ako kay mommy. Nasa sofa sya habang nasa magkatabing infant chair ang kambal, naghihintay ng subo galing sa platong hawak ni mommy.

"Mommy..." Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi bago ako umupo sa tabi nya.

"You're early. Nakausap mo ang sinasabi mong kaibigan mo?" Tanong nya.

Napangiti ako ng mapait. Friend? No, mom. I treated her like my enemy. She's kind but I'm not.

"My... Have you tried to do or think bad things?" Biglang nasabi ko. I'm so bothered.

"What?" Hindi nya maintindihan ang sinasabi ko.

"Kung may naisip kang masamang bagay tungkol sa isang tao, masama ka ba?"

Napabuntong hininga ako at sumandal sa balikat nya.

"I've been a bad person today, my... Nag-isip ako ng masama sa isang tao. I didn't mean to but it just happened." Naiiyak na pahayag ko. I'm so ashamed of myself.

"Hey..." Hinaplos nya ang braso ko. "You're not a bad person. Tao ka lang, anak. Everyone makes mistake."

Sumiksik ako sa balikat nya. Muntik na akong makagawa ng masama dahil sa maling akala. I'm really stupid. I lied to my husband and I broke his trust. Hindi ko inisip ang mangyayari. I'm so guilty. Hindi ko alam kung bakit ganon ang ginawa ko.

I took a deep sigh before I stood up. Niyuko ko si mommy na nagtataka sa biglang pagtayo ko.

"Pupuntahan ko si Kayden, my. I want to eat lunch with him." Pagpapaalam ko.

Tumayo sya. "Are you really fine, anak?" May himig ng pag-aalala sa boses nya.

Inabot ko ang kamay nya at marahan iyong pinisil. "I'm fine, my. I'll just eat with Kayden tapos uuwi din ako mamaya." I assured her.

Hindi na sya nagtanong ulit at tumango na lang bilang pag-sang ayon.

Hinalikan ko muna ang kambal bago ako umalis. Nagpahatid nalang ako kay mang Ben sa DF building para maabutan ko pa si Kayden sa office nya.

Sa totoo lang, gusto ko lang talaga syang makita ngayon. Hindi gagaan ang loob ko hangga't hindi ko sya nakikita. I want to hug him. Gusto ko nasa bisig nya ako pag ganitong sobrang nalulungkot ako. His arms are my home.

I want him to say that it's okay. Marinig ko lang iyon ay ayos na ako. I just need his love and comfort. Kahit anong bigat ng loob ko ay nawawala agad pag kasama ko sya. He is my true and only companion.

Pagdating ko sa may main entrance ay nakita ko agad si manong guard na nakayuko na agad sa akin. Naiilang na ngumiti ako.

"Kumusta po, manong?" Magalang na bati ko. Sa tingin ko ay magka edad lang sila ni daddy. Magaan ang loob ko sa kanya at alam kung masipag sya.

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now