Chapter XXX

59 18 8
                                    

"You were shining on that stage, Paisley," sabi ng ina ni Paisley na sinalubong ang anak sa labas ng theater. "Congratulations."

Agad namang yumakap ang dalaga sa kanyang ina, bago pa tumulo ang luha na kanina pa rin nito pinipigilan. Sa likuran niya si Thiago na hawak ang dalawang bouquet ng flower at ang trophy na napanalunan ni Paisley. At nakangiti siya habang nakatingin sa eksena ng mag-ina.

Bumalik sa isipan ni Thiago ang unang pagkakataon na nanalo siya sa isang competition. Napakabata pa niya noon, pero hinding-hindi niya malilimutan ang napakasayang mukha ng kanyang ina noon. Ngunit habang inaalala niya ang tagpong iyon, ay biglang rin iyong napalitan ng masamang alaala ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Buong akala niya ay tuluyan na niyang naiwan ang alaalang iyon. Pero hindi pa pala. Nagsimula na naman siyang makaramdam ng pagsikip ng dibdib.

"Congratulations, my princess." Napalingon sila Thiago sa pinaggalingan ng pagbating iyon at nakita nila ang ama ni Paisley na papalapit sa kanila. At salamat doon dahil nabaling ang atensyon niya sa iba.

"Dad," Mabilis na tumakbo si Paisley papunta sa ama at niyakap ito. Dito na hindi napigilan ng dalaga ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Thank you so much for coming. Thank you dad for believing in me."

Niyakap pabalik ng lalaki si Paisley. "The one you should thank is this man right there," sabi nito habang nakatingin kay Thiago. "Kung hindi niya ako kinulit ng kinulit, baka wala ako rito. He would message me day and night. Tumatawag pa sa secretary ko."

"Thiago?" bumaling si Paisley sa binata. "You did those? OMG! I don't know how to thank you... but..."

"There's no need to thank me. This is all because of you, Paisley. This is because of your talent," nakangiting sabi ni Thiago. Hindi naman na sumagot pa ang dalaga at niyakap na lang nito kaagad ang binata. Inilayo na lang ni Thiago ang mga hawak para hindi masaktan si Paisley at masira ang mga hawak niya.

"Now, there's no need for you to disappear from my life," sabi ni Paisley habang nakayakap pa rin sa binata.

"Ahem..." pagkukunwaring inuubo ng ama ni Paisley habang nakatingin ng matalim kay Thaigo.

Dahan-dahan namang kumalas si Thiago sa pagkakayakap ng dalaga at pagkatapos ay bahagya siyang yumuko para humingi ng paumanhin sa ama nito.

"I think we should celebrate this," patuloy ng ama ni Paisley. "How about dinner?"

"That's a good idea," sang ayon naman ng ina ni Paisley.

"Alright! Agree!" masayang sigaw naman ni Paisley.

"I hope you enjoy your dinner. I have to go now. Mayroon pa kasi akong aasikasuhin,"biglang sabi ni Thiago sabay dahan-dahan na inabot ang mga hawak kay Paisley.

"No. You'll come with us," madiin na sabi ni Mr. Astor.

"Oo nga. Sumama ka na sa amin. Please," pakiusap naman ni Paisley.

"I don't want to be rude, but I don't think I have a business there. I mean, it's a family dinner after all."

Napabuntong hininga ang ama ni Paisley bago lumapit kay Thiago. Napaatras naman si Thiago at nailang siya nang bigla siyang hawakan sa balikat ng lalaki. Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tainga niya.

"We have to talk, so you need to come with us," bulong ni Mr. Astor sabay tapik ng dalawang beses sa balikat ni Thiago.

Hindi naman na nakasagot pa si Thiago. Itinango na lang niya ang kanyang ulo na ikinatuwa naman ng mag-inang Astor. Pagkatapos ay sumunod na siya sa sasakyan ng mga ito.

Mabilis lang ang naging biyahe nila Thiago. Wala pang isang oras ay nakarating na sila sa isang mamahaling Japanese Restaurant. Paborito raw kasi ni Paisley ang ramen doon, at kahit noon pa tuwing may kailangang i-celebrate ay doon palaging gusto ni Paisley na pumunta.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now