"I didn't know you like Japanese food," sabi ni Thiago kay Paisley.

"Wala naman kasing malapit na Japanese Resto sa MU," nakangiti namang sagot ni Paisley."

Matapos makaupo ay nagsimula ng umorder ang pamilya Astor. Si Thiago naman ay hindi alam kung ano ang kakainin. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga Japanese food, at ayaw niya ng mga hilaw na pagkain. Kaya naman si Paisley na lang ang hinayaan niyang umorder ng pagkain niya. At nauwi nga iyon sa Tonkotsu ramen, at iba't-ibang klase ng gyoza.

May katagalan ang pagluluto ng pagkain sa restaurant na iyon dahil talagang doon ginagawa ang lahat ng preparasyon para sa mga pagkain. At karamihan pa sa mga inorder ng pamilya Astor ay ang mga pinakamatagal iluto.

"Paisley, why don't we go shopping while waiting?" biglang sabi ng ina ni Paisley sa dalaga. Katabi lang kasi ng isang shopping mall ang restaurant.

"But...," pag-aatubili ng dalaga sabay tingin kay Thiago.

"It's okay. You may go," agad na sabi ni Thiago bago pa matapos ng dalaga ang sasabihin nito.

"Okay," nakangiting sagot ni Paisley pagkatapos ay bumaling ito sa kanyang ama. "Dad. Be nice to Thiago. Okay?"

"Sure," nakangisi namang sagot ng ama ni Paisley. "As if I'll do anything weird."

Hindi na sumagot si Paisley, pero hinabaan nito ng nguso ang ama. Pagkatapos ay tuluyan ng umalis ang mag-ina at naiwan ang magkaharap na si Thiago at ama ni Paisley. Walang kumikibo sa dalawa. Hindi naman makuha ni Thiago ang cellphone niya dahil nahihiya siya at ayaw niyang magmukhang bastos. Hanggang sa dumating ang isa sa mga waiter dala ang isang bote ng sake at dalawang o-choko.

Kaagad na nagsalin ng alak sa baso ang ama ni Paisley. At pagkatapos ay naglagay siya ng baso sa tapat ni Thiago at sinalinan din iyon.

"The only reason I wanted to stop Paisley in pursuing music is that I'm scared. Takot ako na maranasan din niya ang mga naranasan ko noon sa music industry," sabi ng ama ni Paisley habang nagsasalin ng alak sa baso ni Thiago.

Hindi sumagot si Thiago at tinignan lang niya ang baso sa harapan niya.

"I love Paisley, and I don't want her to experience how harsh this world is, nor the world of music. Pero dahil sa kagustuhan kong iyon, ay hindi ko na napansin ang talento niya at ako ang ako mismo ang naging harsh sa kanya."

"Uhm... I think you owe her an apology," biglang sabi ni Thiago.

Napatingin naman ang lalaki ng madiin kay Thiago. Hindi nakakibo si Thiago dahil buong akala niya ay nagalit sa sinabi niya ang ama ni Paisley. Pero nagulat siya ng bigla itong ngumiti.

"That courage of yours, the bluntness, you got it from your mom," sabi ng ama ni Paisley sabay inom ng sake. "Yeah, you're right. But I won't apologize."

Napatigil si Thiago at napatingin sa lalaki.

"Action speaks louder than words, right?" patuloy ng ama ni Paisley. "Then, I'll just apologize by supporting her all throughout," sabi nito sabay buntong hininga. "That brilliant talent of her...as a father, and as a musician, siguradong pagsisisihan ko kung hindi ko iyon susuportahan."

Napangiti si Thiago. Sapat na sa kanya ang malaman na tanggap na ng ama ni Paisley ang gustong gawin ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit may pakialam siya doon, pero sa ngayon ay masaya siya para sa dalagang palaging nagpapangiti sa kanya.

"Salamat, Mr. Astor," sabi ni Thiago.

Kinuha ni Thiago ang bote ng sake at akmang sasalinan sana niya ng alak ang baso ng ama ni Paisley. Pero kaagad na iniwas ng lalaki ang baso niya.

Napatingin si Thiago sa kanya at natigilan siya nang makitang serysong nakatingin sa kanya si Mr. Astor.

"But there is one more thing," sabi ng ama ni Paisley sabay agaw ng bote kay Thiago habang matalim na nakatingin sa binata. "Tell me. Be honest. What are your intentions? What do you want from my daughter?"

Pakiramdam ni Thiago ay sumikip ang paligid nila ng ama ni Paisley at kumalabog ng malakas ang dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang tamang isasagot. At hindi rin niya alam ang mali.

"Paisley is my only princess. Our family's treasure. She is the light of our family. Kung hindi siya ibinigay sa amin, baka wala na talaga ako rito sa mundong ito," sabi ni Mr. Astor sabay salin ng alak at inom. Pagktapos ay muli itong nagsalin sa kanyang baso. "I might be strict to her, but it's just because I love her so much."

"I-I know..."

"What do you know?" agad na balik ni Mr. Astor sabay tagay ng alak. Nagsisimula na itong mamula at nagsimula ng maningkit ang mga mata nito.

Hindi sumagot si Thiago. Pero nahahalata na niya ang pag-iiba ng kilos ni Mr. Astor. Hindi niya akalaing na maapektuhan na ito sa tatlong tagay pa lang ng sake.

"Now, you answer me. Anong intensyon mo sa anak ko?" muling tanong ni Mr. Astor. At nang hindi sumagot si Thiago ay hinampas ng malakas ng lalaki ang lamesa dahilan para mapatingin sa kanila ang ilang naroon. "What?!"

Nagulat si Thiago. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang iwanan ang lalaki, pero iniisip niya ang mas malalang mangyayari kung gagawin niya iyon. Hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga taong nagtinginan sa kanila.

Nagbuntong hininga si Thiago at pinakalma niya ang sarili niya. Sasagot na sana siya nang kunin ni Mr. Astor ang baso niya at iabot sa kanya.

"You drink, you rude punk!" sabi nito pagkatapos ay muli itong uminom. Kaagad namang kinuha ni Thiago ang baso at ininom ang laman noon.

"I'll be honest to you, sir..."

"Mr. Astor!" bulyaw ng ama ni Paisley.

"I'm sorry, Mr. Astor," agad na bawi ni Thiago. "I'll be honest. I'm not sure what I feel towards her. I'm happy when she's around and she... she made me play the piano again. And she... she always..."

Napabuntong hininga si Mr. Astor habang nakatingin kay Thiago at nagsasalin ng alak.

"What the hell? You have to make up your mind. I can tell how much Paisley adores you, and I don't want her to be hurt."

"I don't want that to happen, either."

"Then do something! Siguraduhin mo iyang nararamdaman mo para sa kanya. At huwag mo siyang paasahin. Dahil ako, ako ang makakalaban mo sa oras na umiyak ang anak ko ng dahil sa iyo."

Napalunok ng laway si Thiago, pero pinilit niyang hindi magpakita ng kaba sa ama ni Paisley. Muli siyang napabuntong hininga at handa nang sumagot nang makita niya si Paisley at ang ina nito na naglalakad na pabalik sa kanila.

Tinitigan ni Thiago si Paisley. At habang tinitignan niya ang dalaga ay parang kumikinang ito sa kanyang paningin, at hindi niya naiwasan ang mapangiti nang makitang tumawa ang dalaga habang kausap ang ina nito.

Kinuha ni Thiago ang bote ng sake at nagsalin siya noon sa kanyang baso.

"I understand. Don't worry. I promise, I'll not make her cry," sabi ni Thiago at pagkatapos ay uminom siya.

"This doesn't mean I approve of you. Finish your studies first. Lalaki ako at alam ko ang maaari mong ikilos. Binabalaan na kita, Thiago. Kaya kong isantabi ang naging relasyon ko sa mga magulang mo sa oras na may gawin kang hindi ko gusto sa anak ko."

"Opo. Mr. Astor."

"Peterson "Blast" Astor. Tandaan mo ang pangalan ko. Tandaan mo, Thiago."

Pagkatapos noon ay dumating na sa lamesa nila ang mag-ina. Nagulat si Thiago dahil parang biglang nawala ang pagkalasing ni Mr. Astor at tila bumalik na ito sa normal. Nakipagtawanan pa ito kaagad sa mag-ina.

Pero nasa mga tingin pa rin nito sa kanya ang isang mensahe. Isang babala na hindi maganda ang sasapitin niya sa oras na magkamali siya kay Paisley.

Ngunit kahit ganoon ay hindi naalis ang saya na nararamaman niThiago. Lalo na at nabawasan na ng iisipin si Paisley. At hindi na niya kailangan pang mawala ng tuluyan sa buhay nito.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now